Chapter 34

1.5K 110 7
                                    

Chapter 34: Magkasama

“Ha? Anong ibig mong sabihin na hotel ko?” gulat at taka kong tanong.

Ngumisi naman siya at tiningnan ang paper na nasa mesa. Ipinakita niya sa'kin ang drawing ng hotel na gagawin nila.

“This is yours. Ako mismo ang gumawa niya at nagpangalan ng Miracle Resort Hotel. At sayo mismo nakapangalan ang lupang tatayuan nitong hotel na gagawin namin.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya diyan? Omy, hindi ko akalain na gagawin ito ni Ay-Ay. Sobra sobra na ito.

“Seryoso ka? Sa’kin ito?” hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko, tiningnan ko ulit ang papel na May drawing.

Natawa naman siya, “Yes, at napagdesisyunan ko din na dyan tayo mag honeymoon kapag ikinasal tayo ulit.”

Hindi ko maintindihan ang honeymoon pero naiintindihan ko ang sinabi niya sa huli.

“Ikinasal tayo ulit?” takang tanong ko at hindi ko alam kung bakit kinabahan ako.

Ngumiti siya at mas inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya para akong maduduling.

“I want to marry you, again. Yung ikakasal na may pagmamahal sa isa’t isa pero hindi pa ngayon dahil hihintayin kong matapos ang pag-aaral mo. Wala naman problema sa'king maghintay dahil asawa naman na kita pero gusto ko pa rin ikasal sayo dahil mas masayang ikasal kapag mahal na mahal niyo ang isa’t isa.” aniya at dinampian niya ng halik ang kamay ko.

Nag-init naman ang sulok ng mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na may mga plano siya ng ganito. Sobrang saya ko, sa sobrang saya ay umiiyak na ako.

“W-Why are you crying, baby? May nasabi ba akong masama?” nag-aalalang sabi niya.

Umiling iling naman ako at yinakap siya ng mahigpit.

“Thank you for making me happy. I love you, bakla ko.” natawa siya sa huling sinabi ko at hinalikan ang buhok ko.

“I love you too, wifey ko.”

Lunch time na pero hindi pa rin dumadating si Ay-Ay. May meeting siya ngayon sa isang may-ari ng isang malaking kumpanya kaya siguro siya natagalan. Nagpadala si Ay-Ay ng pagkain dito sa secretary niya, iyong maikli ang suot kanina. Kumain na daw ako pero hindi ko naman magawang kumain dahil gusto ko siyang makasabay.

“Ay nako, Ma’am. Ako ang mapapagalitan ni Sir kapag hindi kayo kumain.” sabi ni Sandra, yung secretary ni Ay-Ay.

Mabait naman siya, yun nga lang ay grabi kong mag suot ‘e. Akala ko ay mataray siya pero nang maka-usap ko siya ay hindi naman masungit.

“Ayoko, gusto ko siyang makasabay.” napanguso nalang ako at pumalumbaba sa mesa.

“Ang kulit kulit mo pala, Ma’am. Mabuti nagtagal sayo si Sir pero sabagay mag asawa kayo.” umirap na naman siya, “Kain na, kung gusto mo sabay tayong kumain?”

Nagliwanag ang mukha ko pero agad ding napasimangot, “Sabi ko nga diba, gusto kong kasabay si Ay-Ay? Si Ay-Ay ka ba?”

Napabuntong hininga naman siya at napakamot sa ulo, “Hayst, ako ang malalagot nito kay Sir Cameron ‘e.” nagpapadyak pa siya habang papaalis na ikinatawa ko.

Sorry, pero gusto ko talagang makasabay si Ay-Ay. Kahit gutom na gutom na ako ay titiisin ko, makasabay ko lang si Ay-Ay na kumain.

Napadukdok nalang ako sa mesa. Mukhang matatagalan pa si Ay-Ay kaya naman ay lumabas na muna ako para libutin itong building nila. Pumasok ako sa elevator at pinindot ko ang number 1. Pagkabukas ng elevator ay bumungad sa’kin ang ilang mga empleyado. Napatingin sila sa’kin na gulat at bahagyang yumuko na ikinataka ko.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now