Chapter 17

1.9K 95 5
                                    

Chapter 17: Volleyball

Nagising ako sa matinding uhaw na nararamdaman ko kaya tumayo ako sa kama pero bago ako lumabas ay napatingin ako sa kama ko at napabuntong hininga. Alas dos na ng madaling araw pero wala pa rin siya.

Bumaba ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang reef at nainom ng malamig na tubig. Naglakad ako papunta sa hagdanan para matulog ulit pero napahinto nalang ako ng may naaninag akong tao na nakahiga sa sofa dito sa sala.

Dahil maliwanag ang buwan na tumatama sa sliding window ay naaaninag ko ang taong nakahiga sa sofa. Lumapit naman ako at kumunot ang noo ko ng mapagtanto ko na itong taong ito ay si Ay-Ay at mahimbing na natutulog.

Bahagya kong tinapik ang pisngi niya para magising siya. Parang hindi kasi siya kumportable mahiga sa sofa kaya ihahatid ko nalang siya sa kwarto namin.

“Hmm...” ungot niya at bahagyang gumalaw.

“Bakla, gumising ka dyan. Sa kwarto ka na matulog.”

Dumilat ng bahagya ang mapupungay niyang mga mata at kumunot ang noo. May napapansin ako sa’kanya, parang lasing siya. Hindi ko lang sure.

“W-Who are you? Ikaw ba ang asawa ko?” tanong niya.

Napangiti naman ako, “Halika na, dun ka na sa kwarto matulog.” hinawakan ko ang braso niya pero tinabig niya lang ito.

“H-Huwag mo akong hawakan. Nangako ako sa sarili ko at sa a-asawa ko na magbabago na ako.” pumipikit pikit pa ang mata niya.

Lasing na lasing na talaga siya, hindi niya man lang ako nakikilala ‘e. Pinagmasdan ko ang mukha niya.

“Bakit naman?” tanong ko.

Sabi ni papa ay pag lasing daw ang isang tao ay may mga nasasabi daw ito na totoo kaya kakausapin ko muna ngayon si Ay-Ay na lasing.

“A-Ayoko siyang saktan, ayoko ng makita siyang umiiyak nang dahil sa’kin.” napangiti pa lalo ako sa sinabi niya, “Ayokong iwasan niya ako. Tangina yan, hindi ko alam kung anong nangyayari sa’kin.”

Napasimangot naman ako sa pag mura niya pero malamang hindi niya alam ang nangyayari sa’kanya dahil lasing nga siya.

Napaigta naman ako ng hawakan niya ang pisngi ko at hinaplos iyun. Nakatingin lang kami sa isa’t isa at ito na naman yung puso ko, ang bilis ng tibok.

“Kamukha mo yung asawa ko.” tanga, ako kasi ‘to, “Pero mas maganda pa rin ang asawa ko kesa sayo.” natawa siya na ikinapula ng pisngi ko at napalunok.

“At mahal ako...” nagulat ako sa sinabi niya.

Alam na niya talaga ang nararamdaman ko sa’kanya pero hindi ko talaga alam kung bakit niya nalaman. Wala akong maalala na sinabi ko yun sa’kanya.

“Kahit bakla ako... m-minahal pa rin niya ako ng higit pa.” parang baliw siyang natatawa.

Hindi naman ako makapag salita, nakatingin lang ako sa mukha niya. Kahit saang anggulo tingnan ay ang gwapo pa rin niya.

Napasinghap naman ako ng bigla niyang isandal ang mukha niya sa balikat ko at ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Hindi ako makagalaw sa ginawa niya.

“Wife...” mahinang anas niya pero rinig na rinig ko naman.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na ganun ang tawag sa’kin ng bakla na ‘to. Hinaplos ko naman ang buhok niya at maingat kong pinahiga ang ulo niya sa unan. Sandali ko muna siyang tinitigan habang hinahaplos ang pisngi niya. Tulog na tulog na siya at mukhang hindi ko na siya mapapahiga dun sa kwarto namin, hindi ko siya kayang buhatin ‘e.

My Husband is GayWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu