Chapter 14

1.9K 92 11
                                    

Chapter 14: Weird

“Kanina pa kayo namin hinihintay.” sabi ni Mama ng makalapit kami.

Inilapag ko naman ang mga bitbit ko sa counter at inilagay naman iyun ng maayos ng dalawang maid. Lumapit ako sa’kanila. Kami lang ang apat ang nandito sa dining area. Nasa taas si Ay-Ay, hindi ko alam kung ano ang ginagawa. Napangiti naman ako kay Dwayne, ang kalat niyang kumain ng cake.

“May nangyari kasi, ma.” sagot ko.

“Anong nangyari, iha?” tanong ni Mama Camilla.

Oha, mama na yung tawag ko sa mama ni Ay-Ay. Sabi kasi ni Mama Camilla ay yun nalang daw ang itawag ko sa’kanya kasi kasal naman kami ni Ay-Ay.

“Nakipagsagutan po kasi si Ay-Ay dun sa may-ari ng grocery store.”

Nagkatinginan ang dalawa at napabuntong hininga.

“Hindi pa rin nagbabago talaga yang si Aywayne.” iiling-iling na sabi ni Mama Camilla.

Napatingin ako kay Mama Camilla at ngumiti. Nagkakamali ka mama, your son is now changing pero hindi nga lang ang kabaklaan niya.

“Nagbabago na po siya, ma. Mabait na siya sa’kin.”

Namilog ang mga mata nila, “Really? Kailan pa, sweetie?” tanong ni Mama.

Napakamot naman ako ng pisngi. Kailan kaya nagsimula yun?

“Hindi ko na po alam, ma.” makakalimutin na talaga ako.

“It’s good to hear that my son is now changing.”

Napanguso naman ako, “Pero hindi pa rin po nagbabago ang kabaklaan niya ‘e.”

Natawa naman siya, “It’s ok, Miracle iha. Magbabago din yang anak ko.”

Napatango naman ako. Sana nga magbago na talaga siya noe? Maging lalake na siya, hindi yung ganun. Kasi nung nasa grocery kami ay pansin ko ang pagtawa nila at mapanghusga nilang tingin kay Ay-Ay. Kahit pala ang gwapo niya ay ganun pa rin ang mga tao sa paligid niya.

“Ano palang ginagawa niyo dito, mom?” napatingin naman ako kay Ay-Ay na kakapasok palang.

Naka pambahay na siya. Tumabi siya kay Dwayne na nakapalumbaba habang nakatingin sa’kin. Bakit nakatingin ‘tong batang sa’kin? Pero ang cute niya, sarap pisilin ang mga.

“Kinakamusta lang namin kayo ni Miracle, Kuya.” nakangiting sabi ni Mama Camilla.

Napabaling naman ako kay Mama Camilla, “Kuya? Kapatid niyo po ba si Ay-Ay hindi anak?” nanlaki ang mga mata ko.

Napabungisngis naman sila Mama lalo na si Dwayne.

“No, Miracle. Kuya lang talaga ang tawag ko dito sa bakla kong anak.”

Napatango tango naman ako at napatingin kay Dwayne. Ano ba ‘tong bata na ‘to? Kanina pa ito nakatingin sa’kin ‘a.

“Dwayne, kanina mo pa ako tinitingnan ‘a. May gusto ka kay Ate noe?” biro ko.

“Opo. I lab you po, Ate.” napangiti siya kaya kitang kita ko ang dimple niya.

Napasinghap naman si Ay-Ay kaya napatingin ako sa’kanya. Ang sama ng tingin niya sa kapatid niya at bumaling siya sa’kin, nakakatakot naman ang tingin niya ‘a. Ano bang ginawa ko? Ni Dwayne?

“Juskong bata ka, kasal na yang Ate mo.” sabi ni Mama at nasapo pa ang noo.

“I don’t care, Tita. I lab Ate Miracle. At paglaki ko po, aagawin ko siya kay Kuya!” nag pout siya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now