Chapter 29

1.7K 81 0
                                    

Chapter 29: Example

Pagkatapos kong mag-ehersisyo dito sa gym na palagi kong ginagawa ay dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig sa reef, ni hindi ko alam na may nakatingin pala sa'kin kaya napatingin ako dun at naibuga ko ang iniinom ko ng tubig dahil sa nakita ko.

Naka apron lang si Ay-Ay tapos naka naka boxer siya. Kitang kita ko ang muscles niya sa braso at katawan na masarap tingnan. Bakla ba ito o ano? Para kasi talagang hindi siya bakla 'a. Lalakeng lalake.

"Good morning, wife." nakangiting bati niya habang minamasa ang flour.

Ngayon ko lang napansin na marumi ang paligid at may mga flour nadin sa katawan at mukha ni Ay-Ay. Napalunok ako dahil kahit ganun ang ayos niya ay ang gwapo pa rin niya.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? At nasaan ang mga maid?" takang tanong ko at lumapit sa'kanya.

Napakagat ako ng labi ng ilapit niya sa'kin ang labi niya sa tenga ko, "Pinag day off ko sila, may gagawin tayo 'e." tumawa siya pagkatapos.

Tiningnan ko naman siya ng nakataas ang kilay, "Ano namang gagawin natin?"

"Kakain." humalakhak na naman siya na ikinataka ko lalo.

"Ano bang nakakatawa kung kakain lang naman pala tayo?" napasimangot ako at napatigil siya tapos inirapan ako.

"Nakalimutan kong ang slow mo pala at ang pilosopo." bulong bulong niya na hindi ko narinig.

"Ha?"

"Nothing. Maupo ka muna diyan, magbe-bake lang ako." ngumiti siya.

Ngumuso naman ako at dahil may harina na din ang kamay ko ay pinahiran ko ang tungki ng ilong niya ng harina. Natawa ako dahil ang cute cute niya. Napatigil naman siya at tiningnan ako ng matalim pero hindi ako nagpatinag. Hinawi ko ang buhok niya na humaharang sa noo niya at maya tapos ay pinahiran ko ng chocolate. Natawa ako ng malakas sa itsura niya pero napatigil din ng pahiran niya din ako ng harina at chocolate sa magkabila kong pisngi.

"Bona kid!" tawang tawang sigaw niya na ikinanguso ko.

"Tulungan na kitang mag-bake, please." napatigil siya sa pagtawa at tiningnan ako bago tumango.

"Marunong ka ba?" tanong niya habang nagmamasa.

"Hindi." napalunok ako habang nakatingin sa muscles niya.

"Anong-tutulong ka tapos hindi ka marunong?" napatigil siya sa ginagawa niya.

Napangiti naman ako, "Porke ba hindi marunong, hindi na pwedeng tumulong."

Napabuntong hininga siya, "Turuan na kita."

Napangiti naman ako at tinuruan niya nga akong mag-bake at gumawa ng pizza para sa breakfast at meryenda namin. Napabungisngis naman ako habang gumagawa ng happy emoji sa pizza gamit ang keso at kamatis.

"Tingnan mo oh, ang cute." pinakita ko kay Ay-Ay ang gawa ko pero napatigil ako ng bigla siyang pumunta sa likod ko at yinakap ako ng mahigpit.

May harina ang kamay at bisig niya pero ayos lang kasi madumi na din ang damit ko dahil sa harina at iba pang ingredient. Madumi na din ang counter dahil para lang kaming naglalaro kanina.

"Marunong ka ng gumawa." napangiti naman ako.

"Mas magaling pa sayo." natawa naman ako ng bumasangot siya.

"Mas magaling ako kasi ako ang nagturo sayo." imbis na sagutin siya ay pinisil ko ang kamay niya na may ketchup pala.

"Oh sorry, hindi ko sadya. Linisin ko." sabi ko ng samaan niya ako ng tingin at papahirin ko na sana ang ilong niya ng hawakan niya ito at biglang may pinahid siya sa may gilid ng labi ko.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now