Kabanata 1

99K 1.1K 42
                                    

Pagod akong dumating sa bahay. Galing akong eskwelahan at ngayun ay kelangan ko nang maghanda para sa hapunan. Mabuti at wala akong trabaho mamaya, makakapagpahinga ako.

Third year college na ako at kaming dalawa lang ni mama ang magkasama wala akong kapatid ang sabi ni Mama ay namatay si papa noong baby pa ako dahil sa malubhang sakit. Hindi ko na siya naabutan. Marangya ang buhay namin noon, nang namatay si papa ay napunta sa amin ang yaman niya pati ang kompanya. I was in highschool that time, si mama nag ma-manage nun pero nalulong si mama sa sugal, casino. Napabayaan niya ang kompanya hanggang sa ma bankrupt ito, ang dami ring utang ni Mama. Walang tumulong sa amin, kahit ang pamilya nina papa ay walang pakialam. Ni hindi ko nga nakikilala ang mga relatives ko sa father side ko. Hindi ko sila nakita at hindi kailanman ito naikwento sa akin ni Mama.

Hindi man ako sanay sa hirap na buhay, kinailangan kong magtrabaho at tumira sa maliit na bahay. Noong una hindi talaga ako sanay at wala akong alam sa mga gawaing bahay pero walang ibang gagawa nun kundi ako. Nagagalit ako kay mama kasi naghihirap na nga kami ngayun nagsusugal parin siya at gumagala kung saan-saan kasama ang mga bago niyang kaibigan dito sa bagong bahay na nilipatan namin, bale nagrenta lang kami.

Ala sais na nang dumating si mama. Busy naman ako sa pagluluto ng ulam naming pritong isda.

"Oh, anak nandito ka na pala" maligaya niyang bati saka umakyat papunta sa kwarto. Lumingon ako sa kanya, nakita ko ang bitbit niyang paperbag na may kilalang brand.

"Ma, ano yan?" Lumapit ako sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad saka lumingon sa akin at ginawaran ako ng matamis na ngiti.

"Ah, eto ba?" Sabay pakita niya ng malaking paperbag "I bought a new bag" at kinuha niya ang laman noon "isn't pretty? This is a limited edition!"

Napailing ako at nagbuntong hininga" At san kayo kumuha ng pera?"

"Syempre sa kita ko sa pagtitinda anak pero yung kalahati, eh.... Inutang ko sa kaibigan ko--"

"Ma naman!" Napalakas ang boses ko "Nangutang na naman kayo?! Tsaka kumuha ka sa ipon natin? Eh diba nag titipid nga tayo at malapit na ang prelim namin ma! Diba sabi mo tutulungan mo ako sa mga bayarin ko sa school?!"

Nagtitinda kasi si mama ng mga gulay sa palengke. Una ayaw niya kasi mabaho daw dun, sabi ko sana mag dagdag sya ng isda para malaki ang kikitain niya pero mabaho daw kaya mga gulay nalang. Minsan pagtinatamad siya o niyaya sya ng mga kaibigan niya hindi sa pumupunta sa palengke kaya nagagalit ako sa kanya minsan.

"Huwag kang mag-alala anak may natira pa naman sa ipon ko. Pag kinulang edi kumuha ka nalang sa sweldo mo"

Napakamot ako ng ulo " Ma, matagal pa ang sweldo namin at konti nalang ang natitira kong pera. Naubos ko na sa mga bayarin sa school. Kung hindi kasi sana kayo bumili nang bag nayan edi sana kaunti nalang ang idadag-dag ko para sa pambayad sa exam" panga-ngaral ko sa kanya

"Eh ba't parang kasalanan ko pa ha?!" Tumaas ang boses niya saka lumapit sakin. Hindi ako sumagot, mag-aaway lang kami. Kinuha ko nalang ang mga lutong isda saka kumuha ng kanin.

"Tandaan mo leigh na lahat ng gusto mo binibigay ko sayo dati! Hindi ako nag kulang. Yung bag na yun binili ko yun para sa sarili ko! Para naman sumaya ako ng kaunti sa lecheng buhay nato! Kaya huwag na huwag mo akong sasabihan ng ganyan leigh kasi hindi ako nagkulang sayo! Kasalanan ng ama mo kasi iniwan niya tayo! Yan tuloy naghirap tayo"

Padabog kong nilagay ang pinggan sa mesa at hinarap siya "Ma, matagal ng patay si papa ba't sya parin ang sinisisi nyo sa buhay natin ngayun? Kung may dapat man sisihin ay ikaw yun" kita ko ang gulat sa mga mata niya. Magsasalita sana siya pero inunahan ko siya

"Hindi na niya kasalanan kung naghihirap tayo ngayun kasi lahat ng yaman niya binigay niya sa atin, ikaw ang umubos ng pera! Ikaw ang dahilan kung bakit naghihirap tayo ngayun!"

Napapikit ako ng mariin ng sampalin niya ako. Dumilat ako at unti-unti siyang hinarap. Namumula ang mata niya sa pag-iyak at kita ang galit sa kanyang mukha.

"Wala kang utang na loob! Pinalaki kita at inalagaan leigh at ngayun ito lang ang igaganti mo sakin?! Pano mo nasasabi sakin yan?! Wala kang respesto sa magulang mo! Wala kang kwentang anak!" Sigaw niya sa harapan ko. Halos madurog ang puso ko sa mga sinabi niya. Kung alam niya lang na nahihirapan rin ako sa buhay namin ngayun, kung alam niya lang na napapagod na ako sa school at sa trabaho ko! Kung alam niya lang! Gusto kong sumuko pero hindi pwede kaya kahit nahihirapan ako ay pinapatuloy ko parin ang pag-aaral ko bakahit minsan ay wala na akong kinakain sa school kasi sakto lang sa pamasahe ang pera ko. Minsan naiiyak ako pag naiisip ko ang buhay namin ngayun. Gusto kong magbago siya at magtulungan kami pero hindi eh, hindi parin siya nagbabago.

Iniwan ko ang pagkain sa lamesa tsaka umakayat sa kwarto ko.

"San ka pupunta?"

Narinig kong sabi niya pero hindi ko sya pinansin. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag text kay dianne.

'Ano nga ulit oras ang punta niyo sa bar?'

Umupo muna ako sa kama at hinintay ang reply niya. Kaibigan ko siya, nagkakilala kami sa bar na pinagtatrabahuhan ko,waitress dn siya. Birthday niya ngayun, nung una sabi ko hindi ako pupunta pero dahil sa nangyare kanina sa baba pupunta nalang ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko

Sasama ka na?! Yeey! 8pm. See yah


6:30 palang kaya naisipan ko munang mag review ng notes ko sa school. Mamaya na ako maliligo.


Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon