Kabanata 16

17.5K 442 32
                                    

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ang mag-pipinsan sa kanilang table kaya bumalik narin ako kina Mama. Mabuti nalang ata wala na dun si Ross. Asan si Mama? Si Olivia lamang ang tao sa table namin. Nakita ko naman si Papa at tita Morin sa malayong table.

Napaangat ng tingin si Olivia ng umupo ako. Nakita kong tumayo siya at umupo sa tabi ko.

"Hi" she cheerfully said. I smiled back.

"Maliligo ka ba mamaya sa dagat?" Tanong niya saken

"Uh, hindi siguro" I awkwardly smiled to her

"Why naman? Look oh" sabay turo niya sa labas " Ang ganda ng sunset tas hindi na mainit. Sige na, maligo tayo mamaya"

Baka wala siyang kasama kaya pinipilit niya ako. Samahan ko na kaya?

"Sino bang kasama mo maliligo mamaya?"

"Si Ross"

Agad na nagbago ang isipan ko " Edi, siya nalang. Wala talaga ako sa mood maligo ngayun eh. Pasensya na"

"Ganun ba...oh, sige. Oh, by the way nag-away ba kayo ni Ross kanina? "

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ako "ha?.. uh, hindi ah. Hindi kami nag-away" I fake a smile

Humalukipkip siya at tumingin sa harap " he kinda looks mad kasi pagkatapos niyong mag-usap kanina baka may iba siyang problema. I should talk to him later"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya tungkol sa kanila ni Ross "uh, matagal na kayong magkakilala ni Ross?"

Bumaling siya sa akin at tumango "Mula pa pagkabata. We were childhood friends"

So, that's why they're really close? O baka naman...

"Ah ok, kaya pala close kayo"

Sumandal siya sa upuan niya at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi "Well, he's actually my future husband"

"Your...what?" Medyo gulat kong tanong. Binalingan niya ako habang nakangiti

"Hindi ba nila naikwento sayo?" Umiling ako " Dati pang magkakilala ang mga magulang namin and that's also the reason why nagkakilala kami ni Ross nung mga bata pa kami. Dati pa man din napagkasunduan na nila na kapag nasa tamang edad na kami pareho ni Ross ipapakakasal nila kami"

Naalala ko ngayung sinabi ni Ross saken na mahilig daw ang pamilya nila sa arrange marriage.

"Pero hindi pa namin napag-uusapan ngayun yan and wala pang exact date kung kelan kami ipapakasal and I'm still in College pa kasi but Tita Morin is already working on that. I can't wait na nga eh kasi dati pa man din gusto ko na si Ross and I can feel that he likes me too" she smiled to me sweetly but I just looked at her blankly " 3 months nalang din naman at ga-graduate na ako"

"Ah..." Yun nalang ang nasabi ko at mahinang tumango

"Punta ka sa kasal namin ni Ross soon ha?" She tapped my shoulder

"S-Sure" pilit akong ngumiti

......

"Ang ganda ng kuha ko dito oh! Galing talaga ni Leigh kumuha ng picture" sabi ni Dario habang pinapakita ang picture niya kanina sa may rock formation na ako ang kumuha

"Kahit kailan talaga walang kwenta to si lev kumuha ng picture" reklamo naman ni Brennon. Blur kasi yung ibang kuha niya at yung iba ay nakapikit yung mata niya. Tinawanan naman ni Dario ang mga pictures ni Brennon

"Ikaw kasi galaw ng galaw eh" sabi ni lev

Pinagmasdan ko silang tatlo na nag-aaway. As much as I want to laugh with them hindi ko magawa eh. Parang ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko kayang maging masaya pagkatapos ng mga narinig ko kanina sa sinabi ni Olivia.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon