Kabanata 12

19.2K 562 48
                                    


Natapos ang Birthday party ng hindi kami nagpapansinan ni Ross. Si kuya Rhys lang ang kasama ko habang busy kasama ni Ross ang iba nilang pinsan. Siguro nga galit siya talaga saken.

Kinagabihan ay nag-ayos na ako papunta sa Bar. Nagreklamo naman si Mama kanina pagkauwi ko dahil hindi ko raw siya sinama sa Party. Nakalimutan ko rin siyang sabihan tsaka ako lang kasi ang inimbita ni kuya Rhys hindi naman siya nagsabi na isasama ko si Mama tsaka isa pa nandun si Tita Morin baka magkagulo pa sila dun.

As usual madami ang tao sa bar. Dumiretso ako sa staffs locker room at nagbihis. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si sherly. Mukha itong nagmamadali

"Ok ka lang?" Sabi ko sa kanya

"Leigh? Ikaw pala' medyo gulat niyang sabi at tiningnan ang maiksi niyang palda "nasukahan ako ng isang lasing na customer kadiri nga eh" ngumiwi siya at agad pumasok sa loob

Pagkalabas ko ay agad ng may tumawag sa aking customer. Pabalik na sana ako sa counter para ibigay ang order ng customer ng may makita akong isang pamilyar na tao. Nakaupo sa malayo.

Siya ba yan? Ano namang ginagawa niya rito??

Hindi ko na muna pinansin iyon at pumunta na ako sa counter.

"2 Margarita and 1 Frozen Daiquiri" sabi ko sa bartender. Habang nag-aantay ng matapos ang order nila ay hinanap ko ulit yung lalake kanina. Nandun parin siya, mag-isa at umiinom ng alak. Si Ross nga iyon, hindi pa siya nakapalit ng damit.

"Kilala mo?" Medyo nagulat ako ng magsalita ang bartender sa likod ko

"Kanina pa yan nandito. Nakailang order na yan ng alak. Mukhang lasing na nga eh"

Hindi ako nagsalita at hinatid na ang order nila. Hindi ako makapag focus sa trabaho kasi nag-aalala ako kay Ross, ewan ko kung nakita niya ba ako. Kanina ko pa siya pinagmamasdan, inom lang siya ng inom, mag-isang nakaupo at nakayuko parang ang lalim ng problema niya. Gusto ko sana siyang lapitan at kausapin kaso naalala ko hindi pala kami ok. Hindi niya nga ako kinausap kanina sa Birthday party.

"Miss"

May tumawag sa aking isang customer pero kasabay din nun ang tunog ng pagbasag ng kung ano sa kabilang table. Nagulat ako ng makitang sa table iyon ni Ross. Tinawag ulit ako ng isang customer pero hindi ko iyon pinansin kasi tumakbo na ako papalapit sa table ni Ross. Mas lalo akong nagulat ng makita ko siyang nasa sahig na at nagkalat ang mga basag na baso at bote sa sahig. Wala naman siguro siyang kaaway, mag-isa lang naman siya baka natumba lang. Tinulungan siya ng bouncer na makatayo pero inalis nito ang kamay niya at galit niya itong tinitigan.

"Don't fucking touch me! I can handle myself" he said while giving the bouncer a scornful look. Nakatayo naman siya pero isang hakbang palang ay muntik na siyang mawalan ng balanse kaya agad ko siyang inalalayan. Hinawakan ko siya sa dalawa niyang braso. Ang bigat niya!

"Sabi nang-" tutulak niya na sana ako pero napatigil siya ng magkaharap kaming dalawa.

"Ba't ba nagpapakalasing ka ha!? Alam ba to ni Papa?" I yelled at him. Tiningnan niya lang ako at inalis ang kamay kong nakahawak sa kanya. Umalis na ang Bouncer at agad namang nilinis ng janitor ang sahig. May iilang tao parin ang nakatingin sa amin. Hindi niya ako sinagot at nag-umpisa siyang maglakad palabas ng Bar. Agad ko siyang sinundan. Pa ekis-ekis kasi ang lakad niya baka matumba na naman.

"Huy, san ka pupunta?" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Malapit na siya sa pinto palabas ng Bar. Hindi pa tapos ang trabaho ko! Hindi pa ako pwedeng umuwi pero pano si Ross?

Huminto ako sa paglalakad at pumunta sa locker namin. Kinuha ko ang mga gamit ko at mabilis na lumabas pero kelangan ko paring magpaalam na uuwi ako, gagawa nalang siguro ako ng dahilan.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon