Kabanata 11

20.2K 512 12
                                    

It was 5pm nang mapagpasiyahan namin na umuwi na. Hindi pa namin natatapos. Next week ang deadline, sa tuesday kaya sabi ni Clarise ay babalik ulit kami sa kanila sa lunes ng hapon after class, may gagawin daw kasi siya bukas at may pratice din si lucas kaya napagsunduan namin na sa lunes nalang tatapusin.

"Wala ka bang pupuntahan o bibilhin?" Tanong ni lucas. Umiling ako. Binigay niya sa akin ang isang helmet "Ok, pero ako kasi meron" tumawa siya

"Sige, samahan kita" tumango siya at sumakay na ako sa motor niya

Tumawag ng ilang beses si Ross kanina pero hindi ko iyon sinagot. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at inabala ang sarili sa ginagawa namin kanina.

Huminto kami sa harap ng motel. Medyo nagtaka pa ko ba't dito siya pupunta

"Tara, may kukunin lang ako kay ate" at hinawakan niya ang kamay ko

Nakalimutan ko na dito pala nagtatrabaho ang ate niya!

Pagkapasok namin ay agad dumiretso si Lucas sa front desk kung saan ang ate niya habang nakatayo lang ako sa likod ni lucas.

"Oh, kasama mo pala si leigh?" She smiled and waved at me

"Hi po" magalang kong sabi at ngitian siya pabalik

"Oh, kamusta na si Mama?" Tanong ng ate niya sa kanya habang abala ito sa paghahalungkat ng bag niya

"Medyo ok naman ate" sabi ni lucas

"Eto nalang muna ang maiibibigay ko ha? Sa susunod nalang ulit kapag nagkasweldo na ako" sabi ng ate niya at iniabot ang tatlong libo sa kapatid

"Kamusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong sa kanya ng ate niya

Dahil napansin kung medyo mahaba pa ang pag-uusapan nila ay umupo muna ako sa may waiting area. Wala masyadong tao.

Kukunin ko sana ang cellphone ko sa loob ng bag ko ng may humawak at humila sa akin patayo.

Namilog ang mga mata ko ng makita ang galit na mukha ni Ross.

"R-Ross?.."

"What the hell are you doing here?" Mahina pero mariin niyang sabi. Medyo humihingal pa siya.

"Sina-"

"Kaya ba hindi mo sinasagot ang tawag ko? Akala ko ba gagawa kayo ng activity? Why are you here in the Motel huh!?"

"Ano ka ba, pinatay ko lang ang phone ko kasi gusto kong mag focus sa ginagawa naming activity kanina at-"

"Where is he?" He cut me off again

Luminga-linga siya sa paligid. Bago pa ako makapagsalita ay binitawan na niya ako at lumakad siya papalapit kay Lucas na nakikipag-usap parin sa ate niya.

Oh my god. This is not good

Agad kung sinundan si Ross. Nakita kong tinulak niya ang braso ni lucas kaya agad ko siyang inawat. Kita ko ang gulat at pagtataka sa mukha ni Lucas habang agad naman na dinaluhan ng ate niya si Lucas.

"Problema mo?" Galit na tanong ni Lucas

"Why did you take her here?" Ross said while looking at lucas sharply. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya, nakita kong dumapo ang mga mata ni lucas sa kamay kong nakahawak sa braso ni Ross. Nagulat ako ng hilahin ako ni lucas palayo kay Ross.

"Leigh, ok ka lang ba? May ginawa ba siya sayo?"

Bago pa ako makasagot ay hinila naman ako ni Ross pabalik sa kanya. Nakita ko ang galit sa mga mata ni lucas.

"Don't touch her asshole!" Sabi ni Ross

Susugurin na sana siya ni Lucas ng pumagitna ako. Nakita ko namang lumabas ang ate ni lucas, siguro ay tumawag ng security guard.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon