Kabanata 17

17.1K 519 25
                                    


Kami nalang ni Brennon ang naiwan sa table sumayaw kasi yung dalawa. Naka 3 shots na ako at medyo nahihilo na ako feeling ko din namumula na ako. Ok nga to eh, mabilis akong makakatulog mamaya. Hindi ko na maiisip si Ross.

"Tara Brennon samahan natin sila dun. Sayaw tayo" wala sa sarili kong sabi

"Gusto mong sumayaw?" Tumango ako

"Baka naman lasing ka na? Hatid nalang kita sa hotel" at tumayo siya

Umiling ako " Gusto kong sumayaw" at hinila ko siya sa gitna. Nagpatianod siya.

Gusto ko siyang alisin sa isipan ko. Gusto ko siyang makalimutan, gusto kong alisin tong nararamdam ko para sa kanya.

"Leigh, are you okay?" Nag-aalalang tanong saken ni Brennon. Hinawakan niya ang pisngi ko "Are you not feeling well? " Mahina siyang nagmura "why are you crying?"

I looked at him confused and touched my cheeks.

Shit! I'm crying!

Agad ko itong pinunanasan pero mas lalo lamang dumadami ang tumutulo kong luha.

"Hey, what's the problem?" Yumuko si Brennon para mag lebel ang mga mukha namin at pilit na inaalis ang kamay ko nakatakip sa mukha ko "stop crying.." at hinimas himas niya ang likod ko na mas lalo lamang nagpa iyak saken.

Bigla ko siyang niyakap at humagulgol ng iyak sa dibdib niya. Dala narin siguro ng kalasingan hindi na ako nag alinlangan na yakapin siya. Sobrang sakit na kasi eh, kanina ko pa ito kinikimkim at ngayun ko lang nailabas lahat. I felt him stiffined for a sec but he hugged me back eventually.

"It's okay leigh. Let it out" sabi niya at patuloy na hinhimas ang likod ko habag nakayakap ako sa kanya ng mahigpit

Napatigil ako sa pag-iyak ng may humila saken palayo kay Brennon. Nagulat ako ng makita ko si Ross. Itinabi niya ako at sinugod si Brennon. Sobrang bilis ng pangyayare, nakita ko nalang si Brennon na nakahiga sa buhangin habang duguan ang kanyang labi.Hindi ito nakabangon agad masyado rin siguro siyang nabigla sa nangure. Susuntukin pa sana ito ni Ross ng pumagitna ako. Dumating nama sina Dario at Lev na agad tinulungan makatayo si Brennon. Huminto ang ibang taong sumasayaw habag ang iba ay parang wala lang pakialam.

"Lumayo ka leigh" galit na sabi ni Ross

"Ayoko. Ikaw ang lumayo. Umalis ka dito!"

"Anong nangyare?" Dinig ko na sabi ni lev

"Bakit kayo nag-away ni Ross?" Sabi ni Dario

Huminto si Ross sa paglapit at hinawakan ako sa kamay "tayong dalawa ang aalis" at hinila niya ako " bumalik na tayo sa hotel" hindi ako sumunod sa kanya. Hinila ko ang kamay ko at bumalik kina Brennon.

"Sorry talaga Brennon. Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya

"Ok lang leigh. Nakainom ba ang kuya mo?" Sabi niya habang hinahawakan ang sugat niya

"Kelangan nating gamutin ang sugat mo" hindi ko sinagot ang tanong niya tungkol kay Ross "tara-"

"I said let's go back leigh!" Ross thundered. Napahinto ako sa paglalakad at matalim siyang tintinitigan. Problema ng lalakeng to?!
Maglalakad na sana ulit ako ng pigilan ako ni Brennon

"I think, you should come with him. Baka kailangan mo ng bumalik leigh. Ok lang ako" sabi ni Brennon

"Kami na gagamot sa kanya leigh" sabi ni Dario

"S-Sige"

Sinundan ako ng tingin ni Ross habang papalapit ako sa kanya. Nakatayo lang siya habang hinihintay ako pero nilagpasan ko lang siya. Naramdamdaman kong sumunod siya sa likod ko.

Tahimik kaming naglalakad sa dalampasigan pabalik sa hotel. Una akong naglalakad sa kanya habang nasa likod ko siya. Medyo wala ng masyadong ilaw kaya medyo madilim. Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry. Hindi dapat kita sinigawan"

"Kay Brennon ka dapat mag-sorry hindi saken" at inalis ko ang kamay ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya

"Kayo na ba ng lalakeng yun?"

"Pakialam mo? Kung sabihin kung Oo? Eh ano naman sayo?" Tatalikod na sana ako ng pigilan niya ako.

"So kayo na nga? Ganun lang kabilis leigh? At ganun na kaagad kayo ka sweet?"

"Pakialam mo nga!?" sinigawan ko na siya "Bakit? Nagseselos ka na naman?"

"Yes" mabilis niyang sagot

"As a brother " dugtong ko

Nakita kong lumunok siya ng ilang beses bago magsalita yung parang kabado siya "No"

I scoffed " eh Ano?" Hindi siya sumagot umiwas lang siya ng tingin sa aken.

Gusto ko lang naman malaman ang totoo Ross! Pero hindi eh, pilit niya akong pinapahirapan! Pinaglalaruan niya lang ang damdamin ko!

"Oh? Hindi mo mapanindigan ang sinabi mo?" Mabilis ang paghinga niya ng balingan ko siya

"Fuck!" Medyo nagulat ako nag magmura siya ng malakas. Tumalikod siya sa akin at sinabunutan niya ang sarili niya.

" I don't want to say this but...fuck!" Sinipa niya ang buhangin " I always think about you leigh, every fucking night. I don't want to see you with another man because it made me fucking jealous. Alam ko na iniisip mo na napaka overprotective ko sayo bilang kuya mo kaya kita nilalayo kay lucas pero ang totoo leigh, takot lang ako na maagaw ka niya sa aken"

Nagulat ako sa lahat ng narinig ko at pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Totoo ba lahat ng narinig ko??

"Alam kong mali to, alam ko na sana sa umpisa palang pinigilan ko na ang sarili but I can't help it. Sa araw-araw na palagi na tayong nagkikita ay mas lalo akong nahuhulog sayo" he looked at me with full of pain in his eyes. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. Nakakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatingala sa langit.

Huminga siya ng malalim tsaka tiningnan ako " I know you don't feel the same leigh and you're probably disgusted with me. Kapatid mo ako at may gusto ako sayo. Hindi tama iyon diba? Pero anong magagawa kung sa bawat araw na pilit kitang kinakalimutan ikaw parin ang tinitibok nito" tinuro niya ang kaliwang dibdib niya. Halos kapusin ako ng hininga nga maglakad siya papalapit sa akin

Nilapit niya ang noo niya sa noo ko at hinawakan ang kabila akong pisngin. Para akong kinuryente ng maglapat ang palad niya sa pisngi ko. I can feel his hot breath in my face.

He caressed my cheek and looked me straight into my eyes

" If loving you is a sin," He caressed my cheek and looked me straight into my eyes

"I'll gladly be a sinner leigh"

....

You can follow me on my twt acc @ clovertell. We can talk there:)

Hi! Again this is unedited so im very sorry for the ungrammaticals and typographical errors:(

Please don't forget to vote! Oh, and I changed my username pala👀

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon