Kabanata 26

15.7K 346 111
                                    

I woke up with my throbbing head. Babangon sana ako ng may maramdaman akong nakapalupot sa bewang ko. Namilog ang mga mata ko ng makita ko si Lucas sa tabi ko. Napatingin ako sa aking katawan nakitang wala akong suot na damit!

Nakita ko itong nagkalat sa sahig, inangat ko ang kumot at nakita kong panty lang ang suot ko. Wala ring damit si lucas!

"Hindi pwede to.. hindi pwede" sabi ko sa aking sarili at tatayo na sana ng mapansin kong gumalaw si lucas sa tabi ko. Nagkusot siya ng mata at tiningnan ako. Inangat niya ang kamay niya para hawakan ang pisngi ko pero agad akong tumayo habang tinatakpan ng kumot ang katawan ko.

Matalim ko siyang tinitigan

"Anong nangyare kagabe?" Malamig kong wika.

Napawi ang ngiti sa kanyang mga labi at umupo sa gilid ng kama.

Hindi siya sumagot. Tumayo lang siya at lumapit sa damit niya na nasa sahig

"Sagutin mo ako lucas!" malakas kong sabi habang nanginginig ang mga kamay ko sa galit.

Napahinto siya sa pagkuha ng kanyang damit at malungkot akong binalingan

"Leigh, I'm really so-"

"May nangyare ba?!" lumapit ako sa kanya habang pinipigilang tumulo ang aking mga luha. Umiwas siya ng tingin at yumuko.

"Lucas, May nangyare ba?!" Sigaw ko sa kanya habang pumapatak ang aking mga luha.

Halata sa mukha niya ang pagpipigil na umiyak. Umangat siya ng tingin saken at napalunok bago dahan dahang tumango.

Lalong bumuhos ang mga luha ko.

"Hindi..." Sabi ko sa aking sarili habang umiiling "hindi to pwede..." dahan dahan akong umatras palayo sa kanya.

Kaibigan ko siya. Paano niya nagawa sa akin to!?

Pinagkatiwalaan ko siya!

Narinig ko ang boses ng tita niya sa labas ng pinto pero walang ni isa sa amin ang lumapit sa pinto.

Nakita ko ang takot sa mga ni lucas habang naglalakad siya palapit sa akin "Leigh, I'm really sorry. Hindi ko sinasad-"

"Sinadya mo!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy na bumubuhos ang aking mga luha.

"Pinagkatiwalaan kita! Tinuring na kitang pamilya ko!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso ko pero agad kong tinulak ang kamay niya " Pano mo 'to nagawa sakin, lucas?" Humagulgol ako sa iyak.

Magsasalita pa sana siya ng tumakbo ako papunta sa pinto at binuksan ito.

Napatigil ako sa paghinga ng may bumungad sa aking dalawang tao sa labas ng pinto.

"l-leigh?..." napatingin siya sa mukha ko pagkatapos ay sa katawan ko "A-Anong nangyare?" Bakas sa boses ni Auntie lily ang gulat at pagtataka

Napatigil ako sa paghikbi ng mag tama ang mata namin ng lalakeng nasa likod niya.

Ross?

I mentally said

"May... naghahanap pala sayo.." wika ni auntie lily

"Leigh, please...I'm sorry" napabaling ako kay lucas na nasa likod ko "Hindi ko sinasadyang may mangyare sa ating dalawa-"

"Lucas?" gulat na wika ng tita niya

Napatingin si lucas sa tita niya at bakas ang gulat sa mukha niya ng makita si Ross sa tabi nito

Tiningnan  ako ni Ross mula ulo hanggang paa at sunod ay si lucas na nasa tabi ko. Naka boxer lang si lucas habang kumot naman ang nakatakip sa aking katawan.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon