Kabanata 25

16.8K 351 72
                                    

"hey, miranda come here" I called her. She was busy playing her toys

Tumayo naman ako at nilapitan siya


"It's time for your breakfast, baby" hinaplos ko ang buhok niya. She just giggled. Binuhat ko naman siya at tumungo kami sa kusina.


"Hello, baby!" Lucas gushed and pinched miranda's chubby cheek


"Huwag mo sabing kinukurot ang pisngi niya eh" sabi ko naman

Lumapit lang siya sa akin at hinawi ang buhok ko " Ang aga-aga ang init naman ng ulo ng asawa ko" agad ko naman siyang sinipa

"Tabi ka nga" sabi ko at kumuha ng kutsara. Tumawa naman siya


"Ako na hahawak kay miranda para hindi kana mahirapan" wika ni lucas. Agad ko namang binigay si Miranda sa kanya

Nang matapos na ay kinuha ko ang maliit na bowl at nilagay ito sa mesa ng dumating naman si Mama.

"Oh? Ang aga niyo naman nagising" agad siyang napangiti ng makita si Miranda na nakaupo na sa high chair

"Good Morning little girl" malambing na sabi ni mama at hinalikan ito sa pisngi bago siya lumapit sa bintana.


"It's snowing" sabi nito habang nakatingin sa labas

Susubuan ko na sana si Miranda ng biglang dumating si Lily, ang tita ni Lucas.

"Pasensya na ngayun lang ako" nagmamadali naman niyang nilapag ang kanyang bag. Kakauwi niya lang galing trabaho

"Hi po" sabi ko

"Naku, leigh ako na. Nakakahiya naman sayo" agad siyang lumapit sa akin

"Ok lang po. Magpahinga na po muna kayo"


"S-Sige... maraming salamat talaga" wika niya at hinaplos ang pisngi ni Miranda bago ito hinalikan "How's my baby?"

Miranda smiled sweetly to her mom

"Your daddy gonna be home later"



Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang mag-ina. Lily, is Miranda's Mom, amerikano naman ang Ama nito. Pareho silang buys sa trabaho kaya naman kami ang nagbabantay kay miranda kapag wala sila.

1 week na kami dito sa Canada at dito muna kami pansamantalang nakatira sa tita ni lucas, pumayag naman siya agad. Tinulungan niya rin akong makapasok sa tinatrabahuhan niya kasama si lucas at bukas na kami mag-uumpisa.

Pagkadating namin dito sa Canada ay nakita ko ang mga tawag at text galing kina Papa, kuya Rhys at kay Ross. Nag-aalala sila sakin, nagtataka sila na wala na daw kami ni Mama sa bahay namin kaya naman agad kong tinawagan si Papa para ipaliwanag ang nangyare. Nagulat siya ng malaman na nandito na kami ni Mama sa Canada, gusto niya akong pauiwin pero tumanggi ako, ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat kaya sa huli ay naintindihan niya rin naman. Bibisita sya raw dito next week kapag hindi na siya busy sa trabaho.


Kuya Rhys is always texting me too, kinakamusta niya ako palagi at sinabi niyang hindi raw siya galit sa akin. Sasama din daw siya kay Papa sa pagpunta dito para bisitahin ako. He also said that Ross want to come too pero hindi siya pinayagan ni Papa. Sinabihan ako ni kuya Rhys na kung maari ay huwag ko raw muna kakausapin si Ross naiintindihan ko naman siya kaya sinunod ko ito. Para din naman iyon sa ikakabuti naming dalawa.



"Grabe ang lamig" sambit ko habang nag-aantay kami ng taxi ni lucas sa labas. Unang araw na ngayun ng trabaho namin.

"Halika rito" sabi ni lucas at niyakap ako patagilid. Tiningala ko naman siya at nginitian

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon