Kabanata 14

17.7K 447 72
                                    

Tapos na akong magbihis at nagsusuklay nalang ng buhok ko sa kwarto ni Ross. Nakaharap ako sa salamin at nakikita ko si Ross sa likod ko nag-aayos ng kanyang necktie. Nilagay ko ang suklay ko sa bag ko at nilapitan siya. Agad kong inagaw sa kanya ang necktie niya.

Kunot noo niya akong tiningnan "What are you doing?" Tanong niya habang abala ako sa pag-aayos ng kaniyang necktie.

"Gusto ko lang subukan kong alam ko pa mag-ayos nito" sabi ko.

Marunong kasi ako dati maglagay ng necktie kaya nang makita kong naglalagay si Ross nito ay naisipan kong subukan kung naaalala ko pa.

He was looking at me intently while I'm busy fixing his necktie. I lookep up at him and caught him smiling while staring at me. Hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa mo. Medyo nalilito pa ako kaya naka kunot na ang noo ko habang inaayos ang necktie niya. Mas lalo pa akong nainis ng bigla siyang gumalaw.

"Huwag ka nga munang gumalaw" sabi ko sa kanya. May kinukuha kasi siya sa kaniyang bulsa.

"Wait" sabi niya at gumalaw ulit.

"Sabing huwag kang malikot eh! Sige, gumalaw ka pa at sasakalin kita" inis na sabi ko sa kanya habang nakahawak parin ako sa necktie niya.

Nakita kong ngumisi siya "I like that" he playfully said and leaned closer to me.

"Choke me baby" he seductively said. A grin was plastered on his face.

Napatigil ako sa ginawa ko and looked at him in shocked.

"Ooh... You don't like that?" Nakangisi niyang sabi.

Tumayo siya ng maayos at nilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng slacks niya habang parang naestatwa naman ako sa harap niya habang hawak hawak ang dulo ng necktie niya. Nakatingala ako sa kanya. Mas lalo akong nagulat ng haplusin niya ang leeg ko at inilapit niya ang mukha niya rito. I can feel his hot breath in my neck.

He genlty caressed my neck "You want me to choke you instead?"

Agad ko siyang tinulak at sinipa sa gitna ng hita niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko at feeling ko nanginginig ang katawan ko.

I heard him groaned at napaupo sa sahig. He made a painful grimace while holding his...you know.

"Fuck! Why did you do that? Ah! Shit..." At pilit siyang tumayo. He's limping while making his way to his bed. Umupo muna siya dun habag nakapikit ang mga mata at pinagpapawisan.

Napalakas ata ang sipa ko? Kasalanan niya naman eh! Kung ano-ano pinagsasabi niya saken!

"I-Ikaw naman kasi... k-kung ano-ano pinagsasabi mo saken!"

I heard him chuckled " I was joking for pete's sake leigh" huminga siya ng malalim. Hindi naman ako nagsalita. Tumayo siya at sinuot ang coat niya.
Agad niyang kinuha ang susi ng kotse niya at mukhang lalabas na siya.

Should I apologize to him?

Bago pa niya mahawakan ang doorknob ay nagsalita ako

"S-Sorry. Hindi dapat kita sinipa sa ano mo... Kasi diba delikado yun? Baka... Hindi ka magkaanak in the future. Pasensya na talaga" sabi ko habang nakayuko at unti-unti niya akong nilapitan

Napakurap kurap ako ng inangat niya ang isa niyang kamay at dinala iyon sa pisngi ko "I'm sorry too. It's not a funny joke " he caressed my cheek "But you don't have to worry about me if I won't be able to have kids in the future because I would rather spend my life taking care of you as your brother than to make my own family"

Habang tumatagal mas lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Ayokong isipian na gusto niya ako at ayoko ring pansinin ang nararamdaman ko sa kanya kasi nga magkapatid kami. Siguro naninibago lang kami at hindi pa sanay sa isa't-isa kasi hindi pa kami gaanong magkakilala. Mabuti sana kung mula magkabata ay magkasama na kami kaso hindi eh, biglaan ang lahat siguro kelangan pa naming mag-adjust at titigilan ko na rin ang pag-iisip ng kung ano-ano.

......

1 month had passed and everything was still the same. Ok naman ang pag-aaral ko, ok kami ni mama pero parang palagi siyang may pinuntahan, tuwing tinatanong ko siya ang palagi niyang sagot ay may aasikisakuhin daw siya. Bumibisita ako minsan kina papa minsan naman ay kumakain kami sa labas, minsan din ay si kuya Rhys ang kasama ko. Si tita Morin ay medyo naging okay naman sa akin, but we're not totally ok, like hindi tulad dati na hindi niya ako kinakusap at palagi nalang masama ang tingin niya saken ngayun ay medyo ok na ang pakikitungo niya sa akin. Mas lalo naman kaming naging close ni Ross. Palagi kaming namamasyal kapag wala akong pasok, he always text me like goo morning, good night, what are you doing? Or let's eat our lunch together basta araw-araw niya akong tinitext minsan din ay pinapadalhan niya ako ng pagkain sa bahay. Nagugulat nalang ako minsan na may naghahanap sa akin sa labas, yun pala nagpadeliver siya sa aken ng pagkain at syempre bayad niya narin yun. Hindi narin kami ni Mama nahihirapan sa mga gastusin sa bahay kasi palaging nagpapadala si Papa sa amin ng pera pero hindi iyon naging dahilan para hindi na ako magtrabaho at magpaka relax nalang sa buhay. I still work at the bar.

"Eto nalang" sabi ko habang tinuturo ang red na bikini

Nakabusangot ang mukha ni Ross habang tinitignan ang bikini na tinuro ko. Nilibot niya ang paningin niya sa ibang area at lumapit sa mga nakahilerang summer dress. Kinuha niya yung white na may mga bulaklak.

"This one looks better" at iniharap niya ito saken. Sinimangutan ko siya. Minsan na nga lang ako pupunta ng beach ayaw niya pa ako pasuotin ng bikini!

Tiningan ko ulit yung bikini na gusto ko tas binalingan siya.

"Please, yung bikini nalang" I pouted at nag puppy eyes pa para payagan niya ako.

"That won't work on me, woman. Eto ang susuotin mo bukas" sabi niya at hinila ang kamay ko papunta sa couter

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon