Kabanata 15

18.2K 463 49
                                    

"Sino ba ang susundo sa atin leigh?" Tanong ni mama habang nag re-retouch

"Si Ross Ma. Sa kanya daw tayo sasabay"

Birthday kasi ngayun ni Tita Morin at sa beach kami mag ce-celebrate. Pag-aari daw yun ng pamilya nina Xandros, yung pinsan nila ni Ross. Bigla kaming nakarinig ng busina sa labas kaya nagmadali na akong kunin ang bag ko para makalabas na habang si Mama ay hindi pa tapos mag re-touch.

Nakangiti ako ng lumabas ng bahay. Excited na kasi ako pumunta sa beach at... Makita si Ross.

"Hi- " nabitin ang sasabihin ko ng lumabas si manong bernardo, yung driver na minsan at sumusundo at humahatid saken sa school.

Agad niya akong pinagbuksan ng pinto pero hindi ako pumasok.

"Si Ross po nasaan?"

"May pinuntahan lang po Ma'am. Sinabihan niya po ako na ako nalang ang susundo sa inyo"

"Ah.." I slowly nodded. Medyo nalungkot ako.

"Leigh, get inside" tawag saken ni Mama na nasa loob na pala ng kotse. Tumango ako at pumasok na sa loob.

Mahigit dalawang oras ang byahe namin bago kami dumating sa resort nina Xandros. Natulog lang ako buong damag. I was so bored. Tinext ko kanina si Ross pero hindi siya nagreply. San kaya nagpunta yun?

Tamad akong umupo habang hinihinta ang pagkain namin. Nasa loob kami ng Hotel. Kumpleto kaming lahat, si Papa, si Mama, si Tita Morin at si Kuya Rhys. Si Ross nalang pala ang kulang. Hindi pa ako nakakabati kay Tita Morin kasi nag cr pa siya.

"Kamusta ang byahe niyo? You look tired" sabi ni kuya Rhys na nasa harap ko

"Ok lang" I fake a smile

"Are you already hungry?" Medyo nag-aalalang tanong saken ni Papa. Umiling lang ako. Nakita ko naman si Tita Morin na naglalakad patungo sa table namin. Hinintay ko muna siya makaupo sa upuan niya bago ako magsalita.

"Happy Birthday po" Bati ko sa kanya at yumuko ako.

"Thank you leigh" nakangiti nitong sabi. I smiled back at binalingan ko si Mama. Nung una ay parang nagtaka siya ba't ko siya tiningnan pero parang na gets niya ito sa huli kaya binati niya rin si Tita Morin.

"Uhm.. Happy Birthday M-Morin" halata ang pilit na pag ngiti ni Mama sa kanya

"Thank you"

Nagkatinginan naman sina kuya Rhys at Papa.

Magsisimula na sana kaming kumain ng makita namin si Ross na naglalakad palapit sa table namin. He's wearing a black jeans and plain grey shirt. Agad nagtama ang mga namin. I was about to smile and wave my hands to him ng may biglang yumakap sa kaliwang braso niya. She was smiling while saying something to Ross. She's wearing a fitted black tube dress, kaya nakahulma ang magandang kurba ng katawan niya, she has big breast and long legs. She looks like a model. She's so pretty.

"They're here" dinig ko na sabi ni tita Morin. Hindi ko na sila tiningnan at yumuko nalang, kunware ay abala sa pagkain ko.

"Hi po tita at tita!" Dinig ko na bati nung babae ng makalapit na sila sa table namin. Umangat ako ng tingin at nakita ko siyang nakipag beso kay tita morin at papa. May isa pa pala silang kamasa na babae na kaedadaran lang din ni Mama.

"Oh my god! I'm so happy to meet all you guys. I miss you all" she enthused "oh, Happy Birthday po pala tita" at niyakap niya si Tita Morin

"Thank you hija. We're happy too that you visited us and look at you! Mas lalo kang gumanda"sabi ni tita Morin

"Welcome tita"

"You should eat na, Olivia. For sure nagutom ka sa byahe mo" sabi ni Papa

Olivia? Her name sounds familiar. Siya ba yung babae na nakita kong kasama ni Ross sa picture dun sa fb account niya?

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon