Kabanata 24

16.1K 433 23
                                    

"Where is she?" Dinig ko na sinabi ni Papa

"Nasa loob po sir"

Nakita kong bumukas ang pintuan mula sa salamin sa harap ko at pumasok si papa. Tiningnan niya ako mula sa salamin at agad na ngumiti.

"Happy Birthday hija" wika niya at hinalikan ako sa ulo. Tumigil naman muna at lumayo ang hairstylist na nag-aayos ng buhok ko.

I look up to him" Thank you po" at pilit akong ngumiti

He look at me worriedly "Are you okay? May problema ka ba anak?"

Agad akong umiling "W-Wala po, okay lang po ako" sabay ngiti ko


He sigh before touching my cheek "okay. Babalik na muna ako dun, aasikasuhin ko lang ang mga bisita natin" tumango naman ako


Lumapit naman agad ang hairstylist at make up artist sa akin para ipagpatuloy ang ginagawa nila. Nung pumikit ako naalala ko ang pinag-usapan namin ni lucas.



......

Nung umuwi kami kahapon nakita ko si lucas sa labas ng bahay. Nakatayo siya at parang may hinihintay.



"Leigh" umaliwalas ang mukha niyang napakaseryoso kanina habang nakayuko. Agad siyang lumapit sa akin. Pinilit kong ngumiti kahit hindi ako okay dahil sa nangyare kanina.


"Lucas, ikaw pala"

Dumapo ang mga mata niya sa bag kong dala "San ka galing?"

"May pinuntahan lang kami ni Ross"

Napawi ang ngiti niya at tumango pero agad na kumunot ang noo niya ng tingnan niya ako muli "Ayos ka lang ba? Ba't parang namumugto ang mga mata mo?"

"Uh, a-ano eh... n-nakatulog lang ako habang nasa byahe. Dalawang oras din kasi yung byahe namin" hindi naman siya sumagot. Seryoso lang siya na nakatitig sa mukha ko.


Hindi naman talaga ako nakatulog kanina. Sa kakaiyak ko iyon kanina.


Tumikhim naman ako "tara na sa loob" sabi ko

Nang pumasok kami sa loob ng bahay ay walang tao. Nasaan kaya si Mama?

"Upo ka muna jan. Lalagay ko lang sa kwarto ang bag ko" tumango naman siya bago umupo sa sala


"Gusto mo ba ng makakain?" Tanong ko habang naglalakad patungo sa sala namin


"Hindi na"

"Ba't ka nga pala bumisita dito?" Tanong ko at umupo sa upuan na nasa harap niya

Huminga siya ng malalim bago magsalita "Magpapaalam lang sana ako sayo..."

Magpapaalam??

Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya. Napatuwid ako sa kinauupuan ko.


"Pupunta ako ng ibang bansa at-"

Napatayo naman ako at lumapit sa kanya "Ba't ka aalis?? Tsaka paano ang pag-aaral mo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya

Umiwas siya ng tingin at yumuko "Naalala mo yung kinwento ko sayo dati? Yung tita ko na nakatira sa Canada?"

Tumango ako "Oo"


"Doon muna ako titira at magtatrabaho sa bakery shop na pinagtatrabahuhan niya rin. Lumalala na ang sakit ni mama at hindi sapat ang kinikit ni ate" huminga ulit siya ng malalim " kaya naisipan ko tumigil na muna sa pag-aaral. Kapag naka ipon na ako tsaka nalang siguro ako mag-aaral ulit o baka pwede din dun ko narin siguro ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa susunod. Tutulungan naman daw ako ni tita"


Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon