Kabanata 2

43.3K 782 75
                                    

7:30 at handa na akong umalis. Sinuot ko ang kulay itim kong dress. May mga magagandang damit pa naman akong natitira yung iba kasi ay binenta ko na para may pang gastos kami dito sa bahay. Kinuha ko nag-isasa kong sandal sa ilalim ng kama ko. May kalumaan na ito pero ok pa naman. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at naglagay ng kaunting make up.

Pagkababa ko ay walang tao, hindi ko alam kung saan pumunta si mama. Mabuti narin yun at baka usisiin niya ako at mag-away kami ulit. Pagkalabas ko ay nagpara ako ng tricycle.

Ngayun palang ako nakapunta sa bar na to. Actually I've never been in bars before, kahit noong mayaman pa kami. Dahil sa trabaho ko, dun palang ako nakapasok sa bar.

Agad akong nag text kay dianne na nandito na ako. Naghintay ako sa labas. Ewan ko ba bigla akong nahiya na pumasok. Maraming tao ang dumadaan at pansin ko ang mga ulong napapatingin sa gawi ko tuwing dadaan sila sa gilid ko. Mukha ba akong artista at nagsisilingunan sila sa akin?

Nakita kong may tatlong lalaki na papalapit sa akin at nagtutulakan pa

"Ikaw na magsabi!" Sabi nung isa

"Ikaw na! Nahihiya akong lumapit" sabat nung isa

Wala sa sariling pinaikot ko ang aking mata sa narinig. Sorry boys wala kong balak mag boyfriend o makipaglandian. Na iistress na ako sa buhay ko ngayun please lang huwag na kayong dumagdag.

"Hi-"

"Leigh!" Napalingon ako ng marinig ang boses ni dianne. Agad niya akong hinila at niyakap. Nabitin sa ere ang sasabihin sana nung lalake. Bigla itong nahiya tsaka bumalik sa mga kasama niya. Napahalaklak si dianne.

"Sino ang mga yun? Nagpakilala ba sayo?" Tanong niya ng kumalas sya sa pagkakayakap sa akin

"Ewan ko dun" natatawa kong sabi "pasok nalang tayo" yaya ko sa kanya at tuluyan na kaming pumasok sa loob.

Inuman, sayawan at kwentuhan. Pansamantala kong nakalimutan ang mga problema ko, ang away namin mama, pagod sa trabaho, lahat-lahat! Gumaan ang loob ko.

"Huy! Ang tanda tanda mo na pala! " Sabay tawa ko ng malakas "Sana magkabalikan kayo ni Mark diba mahal na mahal mo yun?" Tumawa ako ulit. Kanina pa kami nag-iinuman at mukhang lasing na ako. Nandito din ang iba naming kasamahan sa trabaho at ibag kakilala ni dianne. Puro lasing na ata silang lahat ang iba'y d ko na nga nakita, ewan ko san nagpunta mga yun. Apat nalang kami dito natira, kasama namin ang dalawang kasamahan namin sa trabaho sa bar at ang dalawa ay magkasintahan, kaklase ni dianne noong college yung lalake.

"Huy! Anong yinuko yuko mo jan?" Sabay silip ko sa mukha niya. Lasing narin siya.

"Ba't mo ba kasi pinaalala si mark" at humagulgol sya sa iyak. Tinawanan ko siya. Epekto na siguro ito ng alak kanina pa ako tawa ng tawa.

"Alam mo ang mabuti pa sumayaw nalang tayo" yaya ko sa kanya. Umiling sya habag bumubuhos ang luha. "Kj mo naman! Tara na. Birthday mo ngayun dapat masaya ka! Kalimutan mo muna lahat ng problema mo. Magsaya tayo ngayun"

Napaangat sya ng tingin sakin. Nanunuri ang mga mata " Naninibago ako sayo. Nakailang yaya ako sayo noon palagi kang hindi sumasama tas ngayun himala na sumama ka at nagyaya kapang sumayaw? Ikaw ba talaga yan leigh? Ang alam ko kasi, hindi ka umiinom, mahiyain at inosente pero ngayun...may problema ka no?"

I fake a laugh "Ok lang ako no. Ano ka ba. Ayaw mo ba dahil nagiging madaldal na ako ngayun? Na hindi na ako kj?"

"Syempre gusto. Masaya nga ako na nandito ka eh"

"Yun naman pala eh! Tara na" at hinila ko siya papuntang dance floor.

Ayaw kong mapansin niyang may problema ako o malungkot ako. Kaya pagkaapak namin sa dance floor ay agad akong sumayaw. Gusto kong tawanan ang aking sarili. I've never been dance this way before.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon