Kabanata 5

27.3K 607 12
                                    

Tahimik kaming kumakain. Umupo si Ross katabi ni Rhys, magkaharap kami. Mariin ang titig niya sa akin habang nakayuko lang ako.

Totoo ba ito? Bakit siya? Bakit siya pa?!

Can someone please tell me this is not real that I am only dreaming? Please.... Imagine, kuya ko pala ang....urgh!! So gross!

Napapikit ako sa mga naisip.

"Leigh, I'm sorry for what Ross acted towards you earlier," biglang nagsalita si Papa. Napaangat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. He averted his gaze to his son "Wala ka man lang sasabihin?" Anito sa anak

Humarap ako kay Ross at nakita ko itong naka titig sa akin hindi man lang pinansin ang sinabi ng Ama.

"Stop staring at her like that. You're scaring her" Rhys nudge his arms "You should apologize" mahina nitong sabi sa kapatid. I heard Ross sighed tsaka binalingan ako. Nagtama ang mga mata namin.

"Sorry" Walang buhay nitong sabi at nagpatuloy sa pagkain

"O-ok lang" nauutal kong sabi

Hindi niya naman siguro sasabihin iyong nangyare sa amin diba? Huwag naman sana.

"So, princess after your class punta tayo sa Mall?" Nakangiting sabi ni kuya Rhys. Medyo nagulat ako dun sa pa 'princess' niya pero kalaunan ay tumango ako

"Princess?" Tumaas ang isang kilay ni Ross habang tinatanong ang kapatid

"Siya yung bunso and nag-iisang babaeng kapatid natin kaya Princess na itatawag ko and hindi natin siya nakasama ng ilang taon so kelangan nating bumawi"

"Yes, Rhys is right and that's one way para makilala niyo ng husto ang isa't-isa" Sabi ni Papa habang papalit palit na tinitignan ang dalawang anak "Leigh, is it okay if you stay here?"

"P-po?"

Dito ako titira??

Hindi ako makasagot, nilingon ko si Mama sa tabi ko.

"Leigh, tama ang Papa mo you should stay para makilala mo pa sila ng husto. Huwag mo na akong alalahanin"

"Pero Ma-"

"Pumayag ka na. Para din to sa ikakabubuti mo" bulong sa akin ni Mama. Kunot ko siyang tiningnan saka dahan dahang tumango kay Papa, agad sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

"Ang about sa School mo, ako na ang sasagot sa lahat ng mga bayarin mo at kung may iba ka pang kelangan just tell me"sabi sakin ni Papa

"Hindi niyo naman po kelangangang gawin lahat-"

"Tama si Dad," kuya Rhys cut me off "Hayaan mo kaming makabawi sayo" hindi na ako umapila pa

"Kaya ikaw Ross, be good to her" Sabi ni Papa

Humarap ako kay Ross. I saw him glaring at me. He didn't say a word.

.....

Pagkadating namin sa bahay ni Mama ay agad akong nagtanong.

"Ma, pwede ba tayong mag-usap?" Paakyat na sana siya ng kwarto niya pero napahinto ng magsalita ako. Tumango siya at nagtungo kami sa sala.

Huminga ako ng malalim saka ko sya tiningnan "Care to explain Ma?"

"Alright," inayos niya pa ang ilang takas ng buhok niya bago magsalita "I lied, sorry anak kung sinabi kong patay na ang Papa mo. Nagalit lang ako sa kanya kasi kinasal siya sa iba kaya kinalimutan ko siya at ayoko narin siyang ipakilala sayo kasi iniwan niya rin naman tayo" napayuko si Mama "Their family is fond of fixed marriage pero sabi ni Romel ay ipaglalaban niya ako, na ako lang ang babaeng pakakasalan niya..." Nakita kong tumulo ang luha ni Mama. Ngayun ko lang ulit siya nakitang umiiyak and seeing her like that really breaks my heart.

"Nabuo ka namin leigh, at siya pa ang nagbigay ng pangalan mo hanggang sa sinugod kami ng mga tauhan ng Mama niya, nagtago kasi kami, nagpakalayo layo pero nasundan parin nila kami. Kinuha nila si Romel, ang sabi niya ay babalikan niya tayo, na kakausapin niya lang ang Ina niya pero.... Lumipas ang ilang taon hanggang sa lumaki ka na hindi na siya nagpakita. Nabalitaan ko nalang na ikinasal na siya at meron ng pamilya"

Ngayun lang ito nasabi sa akin lahat ni Mama. Mabigat din pala ang pinag-daanan niya. Kung ako siguro yun ay baka hindi ko kayanin.

Lumapit ako kay Mama at niyakap siya.

"Hayaan na natin ang nakalipas Ma. Nandito lang ako Ma, iaahon kita sa hirap. Hindi natin kelangan ng tulong ng iba. Tayo ang magtutulungan"

"Hindi mo naman kelangan sarilinin lahat Leigh, remember your Dad is willing to help you at makakaalis na tayo sa mabaho at lumang bahay na ito"

"Hindi tayo aalis dito Ma" Ramdam ko ang pagkagulat sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap ko.

"Anong sinasabi mo? Hindi ba doon na tayo titira? I mean..... Ikaw lang pala"

"Napag isip-isip ko na mas gusto ko dito Ma. Mas simple, mas okay sa akin" I smiled widely

"Leigh?! Diba nag-usap na kayo kanina?" Napatayo si Mama

Sumang-ayon nga ako sa sinabi nila kanina pero napagtanto ko na hindi lahat ay dapat madaliin kung gusto mong magkapera, dapat pagtrabahuhan mo. Ayokong umasa lang kina Papa, na porket mayaman sila na madami silang pera ay sa kanila ko na lahat iaaasa. Parang nasanay na ako sa buhay ko ngayun na pag may gusto ka dapat pagtrabahuhan mo para makuha mo, I actually learned a lot ngayun , that life is not easy at mas gusto ko ito kasi na cha-challenge ko ang sarili ko at gusto kong maiangat ang sarili ko sa hirap gamit ang lahat ng pinagpaguran ko.If I became dependent kasi to my father mahirap na baka masanay ulit ako.

Pwede naman silang makabawi sakin like eating dinner during weekends siguro sa bahay nila? O igagala ako ni kuya Rhys sa Mall ok na sakin yun basta Hindi ako titira sa bahay nila, Alam kong galit sa amin si Tita Morin at nandun si Ross kaya mas lalong ayaw ko dun.

"Leigh, ano bang iniisip mo ha? Hindi ba ito ang gusto mo? Ang makabangon tayo sa kahirapan? Eto na oh, hindi na tayo magiging mahirap ulit"

"Ah, basta. I'm staying here if you want to stay in their house you can go there Ma" sabi ko tsaka umakyat sa kwarto.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon