Kabanata 18

17.5K 472 10
                                    

Pagkadating namin sa Maynila ay natulog ulit ako pagkadating namin ni Mama sa bahay. Maaga kasi kami umalis.

Tumihaya ako sa aking kama. Minulat ko ang aking mata at inalala ang nangyare kagabe. Hindi parin ako mapaniwala sa sinabi saken ni Ross.

Gusto niya ako


Gusto ako ng kuya ko???

Ayaw kong maniwala at alam ko rin namang mali iyon pero ewan ko ba bakit nakaramdam ako ng saya ng umaamin siya sa akin ng nararamdaman niya. Katulad nalang kaninang umaga, ang sigla sigla ko at nakangiti ako habang papalabas kami ni hotel. Kay Ross kami sumabay at agad ko siyang binati kanina pagkakita namin pero nginitian niya lang ako ng tipid. He doesn't look happy tho, he kinda look tired. Napawi tuloy ang ngiti ko kanina at buong byahe ay tahimik lang siya. Gusto ko sana siyang kausapin kaso kasama namin si Mama.

What's wrong with him? Akala ko ba okay na kami?

.......

Kinabukasan

Tamad akong naglalakad sa school hallway namin papunta sa classroom namin ng biglang may umakbay sa akin

"Good Morning leigh!" Masiglang bati sa akin ni lucas

I just nodded without looking at him. Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan kung nag text na ba si Ross pero wala

"Masama ba pakiramdam mo? Ba't ang tamlay mo?" Tanong ni lucas at inalis ang kamay niya sa balikat ko

"Ok lang ako" I said and smiled faintly

"Feeling ko may problema ka talaga eh. Ano yun? Sabihin mo sa akin leigh"

Umiling lang ako sa kanya at pumasok na sa classroom namin. Hindi ko namang pwedeng sabihin dahil tungkol iyon kay Ross. Hindi na siya nagpaparamdam sa aken. Hindi siya nag text mula kaninang umaga.

Agad naman na tumabi sa akin si Lucas " Labas tayo mamaya. Libre ko. Lunch tayo sa labas leigh" tumango nalang ako ng wala sa sarili

Habang nagkaklase ay panay ang check ko sa phone ko baka makatanggap na ako ng text sa kanya pero wala pa din.

Natapos na ang first and second subject namin at mag la-lunch na, wala pa din. Palagi pa naman niya akong niyaya kumain sa labas noon.

"Leigh, tara na" sabi ni lucas at hinila ako palabas ng classroom. Nang makalabas na kami ng school ay agad kaming sumakay ng tricycle.

"San ba tayo kakain?" Tanong ko kay lucas

"Basta surprise" nakangiti nitong sabi

After mga 15 minutes siguro ay huminto kami sa harap ng malaking Restaurant. Medyo nagtaka ako. Dito kami kakain??

"Salamat po" rinig ko namang sabi ni Lucas sa driver

"Tara" sabi niya at hinawakan ang palapuspusan ko

"Teka, jan tayo kakain?" Turo ko sa malaking Restaurant sa harap namin " Mahal jan, sa iba nalang tayo lucas"

He chuckled and fixed my hair. Nagulo kasi kanina habang nasa byahe kami "Sino bang nagsabi na jan kakain?"

Kumunot naman ang noo ko at mahina siyang hinampas sa braso. Patuloy parin siya sa pag-aayos ng buhok ko " eh, ba't dito tayo bumaba?" Inis kong sabi

Napatigil si lucas sa pag-aayos ng buhok ko ng mapansin niyang may tinitingnan ako sa likod niya.

Nakita kong bumaba si Ross sa kotse niya. Tumayo ito sa gilid ng kotse niya tiningnan ang Resto sa harap niya. Nang bumaling siya sa banda namin ay nagtama ang mga namin. Biglang kumabog ang puso ko. Gusto ko siyang, lapitan, gusto ko siyang kausapin.

Nakita kong dumapo ang mga mata niya sa kamay ni lucas ni nakahawak sa akin kaya agad kong inalis ang kamay ko at dumistansya kay lucas. Ayaw niya nga palang sumama ako kay lucas.

Hahakbang na sana ako papunta sa kanya ng lumabas si Olivia mula sa kotse niya at agad siyang hinila papasok sa Restaurant. Hindi na siya ulit tumingin sa akin at dirediretso lang lakad niya papasok sa Restaurant.

What the hell?

Why did he acted like he doesn't know me?? Ni hindi man lang siya nag hi or what? And I expected him to get mad, akala ko susugod siya sa amin at hihilahin ako palayo kay lucas. Akala ko magagalit siya...diba nga sabi niya sa akin dun sa resort na nagseselos siya kay lucas? Pero ba't ngayun parang wala lang sa kanya? Hi eyes have no emotions either, walang galit sa mga mata niya ng tingnan niya ang kamay ni lucas sa kamay ko.

Shit! I expected him to say sorry for not texting me since yesterday , akala ko kakausapin na niya ako, akala ko yayain na niya ako mag lunch at akala ko magagalit siya dahil kasama ko si lucas pero hindi at ang masakit pa dun, si olivia ang kasama niya. Baka nga sila ang magkasama buong magdamag kaya hindi na siya nag te-text at nagpaparamdaman saken. Obvious naman leigh, magkasama nga silang mag la-lunch ngayun eh.


"Ba't hindi ka pinansin ng kuya mo?"

I almost forgot that I'm with lucas pala. Buti nalang talaga nagsalita siya. Patulo na sana luha ko baka magtaka pa to pag nakita niyang umiiyak ako.

Mabuti naman at napigilan ko ang sarili ko na maiyak " Kumain na tayo. Saan ba tayo kakain?" Ignora ko sa tanong niya at hinila ko siya paalis sa harap ng malaking Restaurant na iyon


Huminto kami sa isang kainan na sa gilid lang mismo ng Restaurant na pinasukan nila ni Ross. Maliit lang ang pwesto nito pero maganda, malinis at mukhang bago.

Agad kaming pumasok sa loob

"Teka , diba kuya mo yan? Dito siya nagtatrabaho?"

"Sa kanya to"

Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya "talaga? Sa inyo pala to?"

Kaya pala mukhang bago eh

"Hi kuya"

"Oh, lucas at leigh" lumapit sa amin ang kuya ni leigh

"Dito kayo kakain?"

"Opo kuya"

"Sa inyo po pala ito" sabi ko sa kuya niya

"Oo, leigh. Pinalano namin ng asawa ko. Ngayun lang sinabi sayo ni lucas?

"Opo"

"Syempre surprise kasi kuya"

"Umupo na kayo. Ako na bahala sa order niyo"

"Sige po" sabi ko at umupo kami ni lucas sa bakanteng upuan


"Yung pinakamasarap kuya" pahabol pa ni lucas narinig ko namang tumawa ang kuya niya


"Opo Master" biro naman ng kuya niya


Habang kumakain kami lucas ay si Ross parin ang nasa isip ko. Gulong na gulo ako. Ang sabi niya ay gusto niya ako pero bakit parang iniiwasan niya ako? Bakit kay Olivia siya sumasama?



So ano yung mga sinabi niya sa akin dun sa Resort? Wala lang yun? Mas mabuti pa nga sana kung hindi niya nalang sinabi saken yun kasi mas lalo akong umasa eh, mas lalong lumalim tong nararamdam ko sa kanya pero sa pinapakita at pinaparamdam niya sa akin ngayun, pakiramdam ko hindi totoo ang mga sinabi niya sa akin dun sa resort




....

Please don't forget to vote!
Tysm^^

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon