Kabanata 21

16.4K 415 33
                                    

Tahimik kaming kumain hanggang sa ihatid niya ako pabalik sa school, it's like, I ruined his mood.

He still look serious ng lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makalabas na ako ay tinitigan ko siya.

Ano bang dapat kong sabihin para mawala ang busangot niyang mukha???

"Salamat" sabi ko at ngingitian siya pagkatapos niyang isarado ang pinto ng kotse niya.

He nodded " Pasok ka na" sabi niya at tatalikod na sana siya ng hawakan ko ang braso niya at mabilis na hinalikan ang pisngi niya

"Mag-ingat ka" I tried to smile and act calm even I'm already shaking inside

Bakas sa mukha niya ang gulat at dahan dahan niyang inangat ang kamay niya para mahawakan ang pisngi niya na hinalikan ko

I suddenly felt embarrassed

"Sige, pasok na ako" mabilis akong tumalikod at pumasok sa gate ng school namin. Hindi ko na siya nilingon kasi paniguradong namumula na ang mukha ko!

after class ay sumama naman muna ako sa practice ni lucas. Nag text kasi si Ross na ihahatid niya raw ako pauwi, hindi pa naman siya nag te-text ngayun baka nasa trabaho pa kaya nanood muna ako ng practice ni lucas dito sa gym. Marami ding ibang estudyante ang nanonood.

"Ok, break time muna" sabi ng coach nila. Agad namang lumapit sa akin si lucas at umupo sa tabi ko

"Ang dami mong pawis oh" sabi ko at iniabot sa kanya ang towel niya

"Salamat" sabi niya at tinanggap ito. Sunod ko namang binigay sa kanya ang tubig niya.

Hindi pa siya tapos sa pagpupunas ng pawis niya ay kinuha na niya agad ang tubig niya kaya ako nalang ang nagpunas ng pawis niya.

Napatigil siya sa pag-inom at tiningnan ako. May narinig naman akong sumilol mula sa mga kasamahan niya ang iba'y tinutukso na kami

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at kinuha ang towel "Ako na" at siya na nagpunas sa sarili niya "Mas lalo lang akong nahuhulog sayo" mahina niyang sabi pero narinig ko iyon

"Joke lang" sabi niya at kumuha pa ng isang malinis na towel sa bag niya.

"Pinagpapawisan karin oh" sabi niya at pinunasan ang noo ko "Maiinit talaga dito sa gym"

Nakita kong madami na ang nakatitig sa amin kaya agad kong kinuha ang towel sa kamay niya "A-ako na" sabi ko

Magsasalita pa sana si lucas pero bigla siyang tumayo at may kinausap sa likod ko

"Hi po"

Nagtataka naman akong tumayo at umikot para tingnan kung sino ang tao sa likod ko

"N-Nandito ka na pala..."

"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot kaya pumasok na ako sa school mo" halata na medyo iritado siya kaya naman agad kong kinuha ang bag ko at nagpaalam na kay Lucas

"Lucas, mauna na kami"

Napatingin naman siya kay Ross sa likod ko bago tumango "Sige, mag-ingat kayo" nginitian niya ako tsaka si Ross. Hindi nakatingin sa kanya si Ross kaya hindi niya ito pinansin.

"Let me hold your bag" sabi nito habang naglalakad kami palabas ng school

"Magaan lang na-"

Bigla niyang inagaw ang bag ko. Gusto kong tumawa kasi hindi bagay sa kanya na may hawak na bag ng babae.

"Are you hungry?" Tanong niya ng makalabas na kami ng gate. Umiling ako. Pagkapasok namin sa kotse niya ay binigay niya sa akin ang bag ko. Napatingin ako sa towel ni lucas na hawak hawak ko. Pinagpapawisan parin ako kaya nagpunas ako ng pawis ko. Pati likod ko puno ng pawis.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon