Kabanata 13

19.3K 492 34
                                    


Nagising ako ng may maramdaman akong parang may tumutusok sa ilong ko. Napakamot ako sa ilong ko at unti-unting minulat ang mga mata ko.
Isang nakangiting Ross ang bumungad sa akin. He was squatting in front of me while poking my nose.


"Good morning sleepy head" sabi niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha. Bumangon ako. Dito pala ako nakatulog sa sofa ng kwarto niya. Tiningnan ko siya na nakatayo sa harap ko. He's wearing a plain white tshirt and black shorts. May towel sa leeg niya kaya hula ko ay kakatapos niya lang maligo. His hair is damp.

"Bubuhatin na sana kita para dun ka na humiga sa kama ko kaso it's already 6 am, you still have class kaya ginising nalang kita"

By poking my nose? Ganyan pala siya manggising.

Umupo siya sa kama niya habang nakatulala lang ako habang nakaupo sa sofa. Medyo inaantok pa kasi ako.

"You can take a shower. Binilhan kita ng damit" sabi niya habang pinupunasan ang buhok niya. Nakita ko ang isang paper bag sa gilid ng kama niya.

"Paano ka nakabili? Ang aga-aga pa ah" sabi ko habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kamay ko

"Pinabili ko sa driver ko" simple niyang sagot. Tumayo naman ako at kinuha ang paper bag sa gilid ng kama niya. Pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko. Ayoko siyang tingnan kasi bagong gising ako baka mukha akong bruha! Yumuko ako para kunin ang paper bag at agad na nagtungo sa cr.

Habang naliligo ako ay naalala ko ang nangyare kagabe. He's in love daw. Kanino kaya? Siguradong malas yung babae nayun kung sino man siya kasi napaka seloso ni Ross tas lasinggero pa! Nang makatulog na siya kagabe ay nag text ako kay mama na hindi muna ako makakuwi. Medyo inaantok na kasi ako kaya nga nung umupo ako sa sofa niya kagabe agad akong nakatulog.


Nagpadeliver lang siya ng pagkain para sa breakfast namin. Hindi daw kasi siya nakapang grocery.

"Wala nga pala kaming pasok. Mamaya pang hapon" sabi ko sa kanya habang kumakain kami. Umangat siya ng tingin saken. Buti nalang at nag-online ako kanina. Chinat ako ni lucas na half day lang daw kami ngayun "ikaw? Anong oras ka pupunta sa trabaho mo?"

"After lunch"

"Talaga? So pareho pala tayong walang gagawin ngayun" masaya kong sabi.

Wait, bakit nga ba parang ang excited ko??

"And? May gusto ka bang puntahan?" Tanong niya saken habang kumukuha ng ulam

Nag-isip ako ng magandang gawin. Mall? Park?. Ano naman gagawin namin dun?

"Alam ko na. Mang grocery tayo!" I enthused " Diba wala ng laman ang ref mo?"

"I don't do that" suplado niyang sabi

"Bakit naman?"

"May inuutusan kaming mga tao para diyan" tinukod niya ang dalawang siko niya sa mesa

"Tas binabayaran nyo?"

Alangan nama libre leigh!?

"Yes, of course"

Naol


"Ba't kelangan niyo pa mag hire ng tao para dun eh ang dali lang naman gawin yun. Sayang ang pera niyo. Well.... mayaman nga pala kayo kaya ok lang gumastos" sabi ko habang naghihiwa ng karne sa pinggan mo

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko " So what's your trying to say is.... Nag-aaksaya lang kami ng pera ganun?"

Umangat ako ng tingin sa kanya "Hindi nama-" napahinto ako sa pagsasalita ng ma realize kong tama nga siya " Ay, Oo pala. Tama ka pero mayaman naman kayo at pera niyo yan kaya-"

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon