Kabanata 4

29K 773 92
                                    

Habang nasa byahe pauwi ay kinakin ko ang biniga ni lucas masarap ang sandwich at nabusog ako.

Bigla kong naalala ang nangyare kagabi. Hindi parin ako makapaniwala na I'm not a virgin anymore. Sabi ko pa naman dati ibibigay ko lang yun sa mapapangasawa ko pero binigay ko lang sa lalakeng hindi ko kakilala. Pano kaya pag nalaman iyon ni Mama? Tiyak na magagalit yun baka itakwil niya ako. Speaking of Mama, marami pa akong gustong itanong sa kanya.

Pagkadating ko sa bahay ay nakita kong nakabihis na si mama. Niyaya niya akong mag meryenda pero dahil binigyan ako ni lucas ng pagkain kanina, hindi na ako kumain. Dumiretso na ako sa kwarto para magbihis.

"Ma, ba't hindi tayo nagpapara ng tricycle?"

"May susundo sa atin"

Tinaasan ko siya ng kilay "Huh? Si-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng may tumigil na isang maitim na kotse sa harap namin. Lumabas ang naka unipormeng lalake saka kami pinag buksan ng pinto. Wala sali-salitang, hinila ako ni Mama para pumasok na sa loob.

Tiningnan ko si Mama ng nasa loob na kami. Gulong gulo ang utak ko at marami akong gustong itanong sa kanya.

"Ma, sabihin niyo nga-"

"Leigh, not now ok? Alam kong naguguluhan ka pa sa mga nangyayare at alam ko rin na... Galit ka sakin pero mamaya na ok?" Seryoso niyang sabi habang naka tingin sa harap. Hindi na ako nagsalita at tumingin nalang sa labas.

Napaayos ako ng pagkakaupo ng unti-unting bumagal ang kotse at nakita kong papasok na kami ng gate. Gate palang ay sobrang laki na, sobrang lawak din ng garden at kitang kita ko na ang isang Malaking bahay.

Yan ang bahay ng Ama ko??

"Leigh, let's go" tawag sa akin ni mama

Agad na may sumalubong sa aming isang naka unipormeng lalake.

"This way Ma'am" at inalalayan niya kaming papunta sa loob ng bahay.

Pagkapasok namin sa loob ay agad akong namangha sa laki at ganda nito. Sobrang yaman pala ng Ama ko...namin?? Pero bakit pinabayaan niya kami? Bakit hinahayaan niya kaming maghirap??

Mula sa sala ay nakita kong maraming tao sa kusina mukhang abala sila.

"Ma'am upo po muna kayo" sabi nung isang kasambahay at iginaya kami sa malaking sofa. Agad nila kaming dinalhan ng pagkain at maiinom. Tahimik kaming dalawa ni Mama. Tiningnan ko siya at gusto ko siyang tanungin ulit pero naalala ko ang sinabi niya kanina kaya hinayaan ko nalang.

I'm just a wearing a simple tshirt and jeans while Mama is wearing a floral dress. I must admit that kahit may edad na si Mama ay maganda parin siya, na kahit mahirap kami ngayun ay parang walang nagbago sa kanya. Maganda parin ang kutis niya parang .... Tulad din sa akin. Manang mana nga siguro ako sa kanya.

"Yes Sir"

Napalingon kami sa may bandang pintuan ng may magsalita. Isang nakaunipormeng lalake iyon at sunod na pumasok ay isang lalake na ka edad ni Mama, naka pang office attire siya.

Napatayo si Mama kaya tumayo narin ako. Humarap ang lalake sa amin at dahan dahang naglakad.Nakita kong tinningna niya si Mama tapos ay sa aken, taspos kay Mama naman, papalit palit ito hanggang sa medyo maalapit na siya ay nasa akin na siya nakatingin.

"Maria" bigkas niya sa pangalan ni Mama

"Romel, mabuti at nandito ka na" bati ni mama pabalik at nginitian niya ito.
Lumipat ang tingin ni Romel sa akin. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam ang sasabihin ko. Siya na ba?? Siya yung Ama ko?

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon