Kabanata 23

15.4K 339 15
                                    


Agad kaming umahon sa dagat. Hinahawakan naman ni Ross ang braso ko habang papunta kami sa dalampasigan.

"Olivia, I thought nasa-"

"What's the meaning of this?" Tanong niya habang nakatitig sa kamay ni Ross na nakahawak sa braso ko. Agad ko naman iyong inalis.

Her eyes are swollen from crying

"I saw you two kissing!" Napaigtad ako ng tumaas ang boses niya

Nilapitan naman siya ni Ross habang nanatili lang ako sa pwesto ko habang nakayuko

This is it

Kailangan na naming tapusin ito

"Olivia, umuwi ka na" mahinahong sabi ni Ross at hinawakan siya sa kanyang braso. Agad naman siyang tinulak ni Olivia

"Sabihin mo sa akin Ross? Anong namamagitan sa inyo ni leigh? Diba magkapatid kayo?"

Pilit na pinapaharap ni Olivia sa kanya si Ross pero iniiwas nito ang mukha niya

"Umuwi na tayo" ulit ni Ross

" I said No!" Tinulak niya ng malakas si Ross " Why the hell are you two kissing!?" Parang ang bawat salita ay mariin niyang binibigkas habang nakatingin kay Ross pero nakayuko lang ito

Olivia averted her gaze from Ross and went to me. Bigla akong kinabahan.

"May relasyon ba kayo leigh?" Ramdam ko ang pagpipigil niya sa kanyang galit

Umangat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. She's breathing heavily habang maluha luha ang mga mata.

I looked away

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin o kung dapat ko bang sabihin.

"Sagutin mo ang tanong ko leigh and be honest with me" medyo nanginginig ang kanyang boses "May relasyon ba kayo ni Ross?"

Pumikit ako at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Dahan dahan akong umangat ng tingin at nakita ko ang mga malulungkot na mata ni Ross na nakatingin sa akin.

"Ano leigh?"

Muli kong tiningnan si Ross sa likod niya. He slowly shook his head.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at lumunok bago ko tiningnan si Olivia sa harap ko at dahan dahan akong tumango nakita kong yumuko si Ross at pumikit.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Olivia bago ko maramdaman ang mga palad niya sa pisngi ko. Mas lalo lamang akong humikbi at napahawak sa pisngi kong nasampal niya.

Narinig kong napamura si Ross bago lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi kong sinampal ni Olivia

"Shit..." He cursed under his breath while caressing my swollen cheek. Kinuha ko naman ang kamay niya at lumayo ka sa kanya ng makita ko ang galit na mga titig ni Olivia.

Bigla niya akong sinugod

"Ang landi landi mo! Kapatid mo, pinatulan mo!??" Tinulak tulak niya ako habang wala naman akong magawa kundi umiyak "Nakakahiya ka!!" She yelled at me. She was about to grab my hair when Ross pulled her away from me pero nakalmot ng mahahaba niyang kuko ang kaliwang braso ko.

"Tama na!" Sigaw ni Ross habang nakapalupot ang isang braso nito sa bewang ni Olivia. Pilit namang gustong makawala ni Olivia mula sa mga bisig ni Ross

"How can you do this to me, Ross!?" Sabi niya ng makaalis na sa mula sa pagkakahawak ni Ross "I'm your fiance! You cheated on me!" At hinampas niya ang dibdib ni Ross habang patuloy na umiiyak "You cheated on me! At ikaw!" Muli niya akong binalingan "Mang-aagaw ka!! Sinisigurado ko na malalaman to ni Tito Romel at Tita Morin!"

Napatigil ako sa pag-iyak at nilapitan siya "Please, huwag mong sabihin sa kanila,please..." I begged

Ayokong masira ang pamilya nila dahil sa relasyon namin ni Ross. Kilala rin sila at ginagalang ang pamilya nila kaya ayokong masira ang pangalan ng pamilya nila.

Olivia smirked "At talagang gusto mo pang ipagpatuloy ang relasyon niyo ni Ross?" She fake a laugh at hinawakan ang kabila kong pisngi "Why? Did you already fallen in love with your brother?" She cooed. Inalis ko naman ang kamay niya sa pisngi ko. Ngumisi siya ulit "I'm going to tell them about this!" Tumalikod siya at hinawakan ang braso ni Ross pero nanatili si Ross. Agad ko namang nilapitan si Olivia

Muling tumulo ang mga luha ko "please huwag mong gawin to. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta huwag mo lang sabihin sa kanila"

"Leigh-" lalapitan sana ako ni Ross ng biglang pumagitna si Olivia

"Anong akala mo sa akin? Tanga?" She scoffed " Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Alam ko na kapag hindi ko to sasabihin sa kanila, ipagpapatuloy niyo ang kahibangang ito!"

"Lalayuan ko si Ross" mabilis kong sambit

"You don't have to do this leigh" lalapitan sana ulit ako ni Ross pero muli siyang hinarangan ni Olivia

"Really? Magagawa mo yan?" She mockingly said

Pilit akong tumango "Hindi ko na siya lalapitan" huminga ako ng malalim " h-hindi ko rin kayo papakealaman at-"

"So, okay lang din sayo kung kami ang magkakatuluyan? Hindi ka naman siguro susugod sa kasal namin pag nangyare iyon, diba?"

"Gaya nga ng sabi ko, hindi ko kayo pakikialaman kaya huwag kang mag-alala hindi ako manggugulo sa kasal niyo" I smiled bitterly. Nakita ko namang napatingin si Ross sa malayo

"Aww... So you're breaking up with him?" Nilagay niya ang hintuturo niya sa gilid ng kanyang labi at kunware ay parang nag-iisip " So, from now on, you two are over right?" Her voice is full of enthusiam

Napatingin ako kay Ross bago dahan dahang tumango

Agad na pumalakpak si Olivia "That's good to hear! Just make sure na tutuparin mo ang mga sinabi mo" Agad naman akong tumango

___

"Ok, I'll wait here" sabi ni Olivia at umupo sa labas. Pumasok kami ni Ross sa cabin para makapag bihis at para kunin ang mga gamit namin.

Nag-aayos ako ng bag ko ng lumabas si Ross galing sa cr. Nang maramdaman kong papalapit siya sa akin ay agad akong tumayo para makalabas kahit hindi pa ako tapos sa pagliligpit ng aking mga gamit.

"Leigh, pwede ba tayong mag-usap" sambit niya

Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko at huminga ng malalim bago ko siya hinarap.

"Nakapag-usap na tayo kanina sa labas. Narinig mo naman lahat yun diba?" I saw how his jaw move as he walks towards me

Hinawakan niya ako sa braso ko. Agad naman akong napangiwi dahil medyo mahapdi pa ang sugat ko sa braso. Iyong nakalmot kanina ni Olivia.

Nagtaka naman siya at napatingin sa braso ko. Umigting ang panga niya habang nakatitig rito.

Nagulat ako ng hinalikan niya ang braso kong may sugat sunod ay ang kabila kong pisngi kung san din ako sinampal kanina ni Olivia

"I'm sorry if I let her hurt you" sabi niya at pinaglapat ang mga noo namin

Natuon ulit ang mga mata niya sa braso ko at masuyo itong hinaplos. Pumikit siya ng mariin.

"You didn't mean it, right?" Muli niya akong tinitigan sa mata " Hindi mo ako iiwan diba?"

Umiwas ako ng tingin at inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Lalabas na sana ako ng yakapin niya ako mula sa likod ko.

"Please, sabihin mong hindi yun totoo leigh" humigpit ang yakap niya sa akin "please..."

"t-totoo 'yon at yun ang dapat nating gawin. Kelangan nating lumayo sa isa't-isa, kelanga-"

"Ayoko" he interposed

Pinigilan ko ang sarili kong maiyak " I already made up my mind, Ross at para din ito sa ikakabuti natin" kinalas ko ang mga braso niyang nakayakap sa akin at lumabas

____

Sorry bitin hehe pero abangan niyo mangayayare bukas sa birthday party ni leigh- ay, sorry nasabi ko haahhaa anyways tysm for reading. Please don't forget to vote^^

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon