Kabanata 7

24.1K 602 60
                                    

Tahimik kaming dalawa habang nasa byahe. Feeling galing siya sa trabaho at dumiretso sa akin, halata kasi sa damit niya. Sa totoo lang naiilang ako sa kanya. Syempre may nangyare sa amin no! Tas.... Malalaman ko half brother ko siya! It's so..... Kadiri. Wala naman siguro siyang pinagsabihan diba? Jusko mababaliw na ata ako!

"What? Need anything?"

"Huh?" Nagulat ako sa tanong niya

He smirked " kanina mo pa ako tinititigan"

"Uh... Tungkol sana sa..." Pumikit ako at huminga ng malalim "Y-yung nangyare, n-naalala mo?"

Ewan ko pero kinakabahan ako at nahihiya at the same time. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa.

Itinukod niya ang kaliwang siko sa bintana ng kotse at nilagay ang daliri sa kanyang labi.Huminga ito ng malalim bago tumago.

"W-wala ka namang pinagsabihan diba?"

Medyo nagulat siya sa sinabi ko" Of course I didn't"

"Mabuti" tumango tango ako "K-kalimutan nalang natin yun, uh.... Mali yun. Isang pagkakamali yun. Hindi dapat natin yun ginawa"

Nakita kong umigting ang kanyang panga at humigpit ang pagkakahawak niya sa manobela " But we both didn't know that we're blood related that time so hindi rin natin kasalanan"

What's his point tho?

"P-pero mali parin yun"

"Yeah," he nodded slowly and faced me "and uhm, I-I'm sorry"

Umiwas ako sa titig niya at tipid na ngumiti "o-okay lang. Hindi naman natin alam na magkapatid tayo at... Kasalanan ko din naman, nagpakalasing ako"

"Kasalanan ko rin so I have to apologize"

....

Pumasok na kami sa loob ng Mall. Ano nga bang bibilhin ko?

Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil din siya sa paglalakad at tinitigan ako.
Napalunok ako ng tingnan ko ang kanyang mukha. He has a thick eyebrows, hazelnut yung kulay ng mata niya! He has a perfectly angled nose too and has a plump lips, oh and his sharp jaw.

Ba't ang gwapo ng kuya ko?ಥ‿ಥ

I came back to my senses ng pinitik niya ang aking noo. Napahawak ako doon sa sakit.

"Ano ba?!" Singhal ko sa kanya

"I am asking you. You were spacing out"

May sinabi ba siya? Ba't wala ata akong narinig.

"Wala naman akong narinig" I rolled my eyes on him

"Yeah, co'z you were busy looking in my face" he smirked. Bigla akong nahiya "What do you want to buy?"

"Ewan, wala akong maiisip eh"

Hinagod nya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa.

"I think, we should buy you a new clothes first" nakahalukipkip nitong wika. Napatingin din ako sa suot ko na jeans at tshirt lang. Wednesday kasi ngayun kaya hindi ako naka uniform.

"S-sige" mahina akong tumango. Hawak hawak parin ang noo ko. Ang sakit kasi nung pitik niya saken kanina.

Lalakad na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko sa noo.

He looked at me worriedly " Does it hurt?" Unti unti kung binaba ang kamay ko para maibaba niya rin ang kamay niya.

"Uh, medyo" umiwas ako ng tingin

Halos tumalon ako sa gulat ng pinatakan niya ng halik ang noo ko at hinimas pa iyon. Napalinga linga ako sa paligid kasi baka may nakakita ang dami pa namang tao dito.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon