Kabanata 20

18.4K 371 2
                                    

Masaya at masigla akong pumasok sa school.

"Huy!" Tawag ko kay lucas na naglalakad sa hallway.

"Leigh" sabi niya at sabay na kaming naglakad. Pangiti-ngiti ako habang naglalakad kami.

Napansin kong tinitigan ako ni lucas " Mukhang okay ka na ah? Good mood tayo ah" Nginitian ko naman siya

"Libre kita lunch mamaya.ikaw nalang kasi palage nanlilibre sa akin"

"Sige, ikaw bahala" sabi niya at pumasok na kami sa classroom

Habang nagkaklase kami ay ka text ko si Ross. Actually nag good morning siya saken kanina.

"Stop texting me and focus on your class"

"Ikaw kaya ang unang nag text sakin. Kasalanan mo yan"

Nagtanong kasi siya kung nasa school na daw ako

"I just miss texting you. I can't wait to see you"

Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa text niya. Magtitipa na sana ako ng reply ng magsalita si lucas

"Leigh, baka mahuli ka ni sir" bulong niya saken

Umangat naman ako ng tingin at nakitang busy pa naman si Sir sa pagsusulat sa white board kaya nireplayan ko muna si Ross

"Bakit? Magkikita ba tayo?"

"Yup, I'll pick you up later at lunch"

Pano si lucas?? Niyaya ko pa man din siya kanina.

"Pwede ba bukas nalang o sa dinner nalang?"

Tinago ko muna ang cellphone ko at tumingin sa harap. Kunware nakikinig nang mapansin kong tinititigan ako ni lucas.

"Ano?" Sabi ko

"Sinong ka text mo? Ba't parang kinikilig ka?"

"Uh, hindi ako kinikilig no" sabi ko at chineck ang phone ko kung nagreply na si Ross

"Why? May iba ka bang kasama mamaya?"

"Oo, si lucas. Lilibrehin ko sana siya eh. Palagi niya kasi akong tini-treat ng lunch kaya gusto kong siya naman ang librehin ko ngayun"

Medyo matagal siyang nagreply kaya tumingin ulit ako sa harap

Maya maya ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko

" So, you're choosing him over me?"

Magrereply na sana ako ng bigla siyang tumawag. Muntik ko pa itong mabitawan!

"Kuya mo tumatawag" medyo nagulat ako ng magsita si lucas

"Oo, nga eh" tas tumayo ako "sasagutin ko muna"

Nagpaalam ako sa prof namin na mag c-ccr ako. Habang naglalakad sa hallway ay sinagot ko na ito.

"Hello?" Sabi ko

"Can't you eat lunch with me later?" He sounded so sad

Hindi naman ako nakasagot. Nag promise kasi ako kay lucas eh pero maintindihan niya naman siguro iyon. Kakausapin ko nalang siya mamaya.

"Oo na, s-sayo na ako sasama"

"Ba't parang napilitan ka lang?"

nagbuntong hininga naman ako bago sumagot " Hindi ah. Sayo nga ako sasama mamaya"

"Hm, ok. That's good" A smile is evident in his tone

Happy na Ross?? Happy??

"Nasan ka ba? Wala ka bang trabaho?" Tanong ko

"May meeting kami ngayun lumabas lang ako para matawagan ka"

Aba at inuna pa niya ang tawagan ako kesa makinig sa meeting nila

"Ba't ba kasi kelangan mo pa akong tawagan pwede namang text lang. Bumalik ka na sa meeting niyo" sabi ko

I heard him chuckled "And what bout you? You don't have class, hm?"

"m-meron"

Tumawa siya ulit "See? Pareho lang pala tayo"

"At nakakatawa yun?" Biro ko pero seryoso ang tono ng boses ko. Napahinto siya sa pagtawa

"No" sabi niya "Are you mad? I'm sorry. Hindi na kita ulit tatawagan kapag may klase ka"

Pigilan ko naman ang tumawa "Joke lang ito naman" I heard him sighed and mumbled something "Sige na, balik na ako sa klase, bumalik ka na rin sa meeting niyo"

"Okay. See you later" sabi niya

"Bye" sabi ko

"Bye" narinig kong huminga siya ng malalim

"I love you leigh"

Imbis na papatayin ko na sana ang tawag ay parang naestatwa ako sa sinabi niya.

Did he just say I love you to me????

"Hey, why are you still there?" Sabi niya

"Uh,"

Yun nalang nasabi ko then I heard him sighed "You don't need to answer that. It's okay, leigh"

Tumango naman ako kahit hindi niya iyon nakikita.

"o-ok. bye" sabi ko at pinatay na ang tawag

......


Pagkalabas ko ng school ay agad ko siyang nakita. He immediately smiled and went to me. Itong puso ko naman kinikilig agad.

Mas lalo siyang nagiging gwapo tingnan pag magulo yung buhok niya, nahahanginan kasi.

I chuckled and slightly fixed his hair. Napangiti naman siya at hinawakan ang kamay kong nasa buhok niya, dinala niya ito sa labi niya tsaka hinalikan.

Napatulala ako sa ginawa niya


"How's school?" He asked. Hindi naman ako nakasagot. Nabigla ako sa ginawa niya. Luming linga ako sa paligid baka kasi may nakatingin sa amin bago ko binawi ang kamay ko sa kanya at dumistansya ng kaonti. Baka kasi ano isipin ng ibang tao.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya sa ginawa ko


"Uh, o-ok naman" pilit akong ngumiti "t-tara, kain na tayo" sabi ko at nauna ng naglakad papunta sa kotse niya

Nakita ko ang disappointment sa mukha ni lucas kanina ng sinabi ko na hindi ko siya masasamahan mag lunch, buti nalang at naiintindihan niya naman.

Tahimik kami ni Ross sa byahe, seryoso ang mukha niya at pansin ko ang panay na paghinga niya ng malalim.

Dahil ba sa ginawa ko kanina???

"Uhm, b-balik ka ba agad sa trabaho mo after lunch?" I asked to break the silence between us

Hindi siya tumingin sa akin at tumango lang

"Uh, okay" mahina kong sabi

Should I say sorry??

Sumulyap ako sa kanya at seryoso parin ang mukha niya. I cleared my throat before I speak up "S-Sorry pala kanina" I said looking at the other direction. Napansin kong sumulyap siya sa akin kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita " N-Natatakot lang ako baka kasi... may makakita" at tuluyan ko na siyang hinarap. Nakatingin na pala siya sa akin.

Umiwas siya ng tingin tsaka nagbuntong hininga. Humigpit din ang hawak niya sa manobela bago dahan dahang tumango.

Halata parin na hindi talaga siya okay. Tama naman yung ginawa ko diba? Bawal kaming maging sweet sa public baka ano isipin ng ibang tao.

.....

I'm so sorry for the long update:(
We're busy for our research po kasi but I will try my best to update more. Hope y'all understand:)

Pls don't forget to vote! Tysm for reading:)

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon