Kabanata 29

37.8K 609 182
                                    

Walang nangyare sa amin ni Lucas. Nagsinungaling siya sa akin. Lasing ako ng gabing 'yon at wala akong naalala sa nangyare kaya naniwala ako sa sinabi niya.

Flashback

Bumalik ako sa mesa namin pagkatapos kong sumuka sa restroom.

Ayokong isipin na buntis ako. Ayokong magbunga ang nangyare sa amin ni Lucas. Hindi pa ako handa.

Nagtaka si Lucas ng kinuha ko ang bag ko.

"San ka pupunta?" nagtataka niyang tanong

"Uuwi na ako"

Napatigil siya sa pagkain at tumayo. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita, agad akong lumabas ng restaurant.

"Teka, anong problema?" Tanong ni lucas ng nasa labas kami

Agad namang bumuhos ang aking luha

"Ayokong mabuntis lucas... hindi pa ako handa"

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko

"Please, layuan mo muna ako. Ayoko munang makita ka" sabi ko at pinunasan ang luha ko

"Leigh, I'm sorry" pigil niya sa akin

"Walang magagawa ang sorry mo lucas, paano kung nagbunga nga-"

"Walang nangyare sa atin" yumuko siya " nagsinungaling ako"

My jaw almost drop

He lied??? but why?

"Leigh, sana maiintindihan mo ako. Gusto ko lang makalimutan mo ang kuya mo-"

"Nagsinungaling ka?"

"Leigh," hinawakan niya ang kamay ko pero nilayo ko 'yon " Mali ang nararamdaman mo sa kanya! Tinutulungan lang kitang makalimot. Iyon lang ang naisip kong paraan. I'm really sorry" at muli niyang inabot ang kamay ko " Please, maniwala ka. Walang nangyare sa atin. Oo, alam kong lasing ka nung gabing 'yon, hinalikan kita inaamin ko" napaangat ako ng tingin sa kanya habang maluha luha parin ang aking mata " Pero hindi ko pinagpatuloy. Inalis ko lang ang damit nating dalawa para mas lalo kang maniwala"

"Uuwi na ako" wika ko

Gulong gulo ako ng mga panahong iyon. Nilayuan ko ulit siya nun dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanya hanggang sa malaman ko na may nabuntis siya. Kinailangan niya ang tulong ko para alagaan si Apple dahil hindi iyon alam ng pamilya ni Sophia kaya muli kaming nag kaayos.

"Oh, anak yung regalo? Nadala mo ba?" tanong sa akin ni Mama ng pumasok ako sa kotse

"Opo" sabi ko

Magkasama kami ni Mama sa kotse habang magkasama naman si Lucas, Sophia at apple sa kabilang kotse.

Patungo kami ngayun sa kasal nina Ross at Olivia

Konti pala ang tao pagkadating namin sa simbahan. Kulay peach ang motif ng kasal nila kaya naka gown kami ngayun na kulay peach. Ang ganda ng designs nila sa loob ng simbahan, white roses ang mga bulaklak sa paligid, may red carpet, mga tipikal na desinyo sa loob ng simabahan tuwing may ikakasal.

Hindi ko alam kung nagkaayos na sina Mama at tito Romel, nalaman ko nalang na binigyan din siya ng imbitasyon sa kasal nina Ross at Olivia ngayun pati narin si lucas. Kahapon lang dumating si Sophia at sinama nalang namin siya ngayun.

Unti unting dumami ang tao at nakita kong naghahanda na sila. Naghahanda na ang mga videographer pati mga photographers. Nasa kabilang upuan ang mga pamilya ni Ross, nasa kabila naman kami. Nasa harapan kami ni Mama at nasa likod namin umupo sina Lucas at Sophia.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon