Kabanata 10

21.7K 515 8
                                    


Pagkatapos namin kumain ay hinatid niya ako pabalik sa school at siya naman sa trabaho niya. Agad naman akong tinanong ng mga kaklase kong babae kung san daw kami kumain ni Ross! Yung iba naman gusto daw nila ipakilala ko sila kay Ross, eh??

Tungkol kay Papa, nasabi ko na sa kanya na hindi ako titira sa kanila since alam ko naman na galit si Morin, ang asawa niya tsaka ok naman ako sa bahay namin. Nasanay na ako sa simpleng buhay. Sabi ni Pap ay bisitahin ko daw sila sa bahay nila pag free ako o hindi naman kaya kumain daw kami sa labas kapag hindi hectic ang schedule niya. I understand naman, he's a busy man kaya ok lang ko kung madalang kami magkikita.

Habang naglalakad ako hallway ay tumunog ang cellphone ko.

Si kuya Rhys!


"Hi princess! Since hindi kita nasamahan noon sa mall. Can I treat you for a dinner later? "

Huminto ako sa paglalakad at nireplayan siya.

"Sige po. Mga 7? May trabaho kasi ako 8pm"

"Yeah, sure! See you later. I'll pick you up,ok?"

"Ok:)"


.......

6pm ay naghanda na ako nagdala. Nilagay ko nalang sa bag ang uniform ko sa trabaho.

"You know anak, you can stop working you know?" Sabi ni Mama habang nanonood ng tv habang nag-aayos naman ako ng mga dadalhin ko sa bag.

"Nagpadala na si Romel ng pera sa bank account ko para daw sa pag-aaral at sa mga gastusin natin dito araw-araw"

"I still want to work Ma"

Nilagap niya ang juice niya at tumayo " Well, if that's what you want" humarap siya sa salamin at inayos ang bagong rebond niyang buhok. Hula ko rin ay nag pa pedicure at manicure siya " I'm going to Spa tomorrow afternoon then hang out with my friends after " binalingan niya ako" Do you want to come with me leigh?"

Umiling lang ako at sinarado na ang bag ko.

Kumain kami ni kuya Rhys sa isang mamahaling Restaurant, as expected. Tinanong niya lang ako about sa school and about my work, gusto niya rin na umalis ako sa trabaho ko kasi medyo delikado daw pero I refused and he understand naman. He also told me how draining and exhausting is his work daw actually niyaya niya ako sa sabado na sumama daw sa kanya magpa massage kaso tumanggi ako kasi may gagawin kaming group activity kina Clarise. Madaldal siya, pala kwento at pala ngiti ibang -iba kay Ross na palaging mukhang galit at napaka seryoso. Pagkatapos namin kumain ay hinatid na niya ako sa bar na pinagtatrabahuhan ko at sabi niya mag-ingat daw ako.




Days passed at sabado na ngayun. Hapon daw kami pupunta kina Clarise. Nag chat siya sakin kanina about her address agad ko namang finorward yun kay Lucas pero nag chat na pala si clarise sa kanya kanina pa. Sabay daw kami ni Lucas, may motor kasi siya.

After my dinner with kuya Rhys, Ross texted me kung san daw kami pumunta ng kuya niya. How did he know tho?? Pinapasundan niya ba kami? Sinabi ko na nag dinner lang kami. Hindi narin naman siya nag reply after nun tas as usual he greeted me Good morning earlier at kung ano daw gagawin ko ngayun ang sabi ko may group activity kaming gagawin.

Hindi ko alam na malapit pala sa dagat ang bahay nina Clarise. Tama naman pala na dito kami gagawa ng activity namin, makakarelax kami after dahil sa preskong hangin at magandang tanawin ng dagat.

Mula sa malayo ay nakita na namin sina Clarise at Mia. May maliit na mesa sa gitna at may apat na upuan. May nakita rin akong mga pagkain. Nang makita nila kami ay agad tumayo si Clarise at kinawayan kami.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon