Kabanata 8

23.5K 685 98
                                    

"what year are you again?" Tanong niya saken. Mukha parin siyang galit.

"Third year college" sabi ko habang tinitignan ang mga cellphone sa gilid. Ewan ko ba't kami pumasok dito. Baka may bibilhin siya para sa trabaho niya.

Hinayaan ko siyang pumunta mag-isa sa counter. Kinakausap niya ang isang sales lady. Ang pikon naman ng lalakeng yun. Ba't ba ayaw ko siyang tawaging kuya?

"Leigh" rinig kong tawag niya sa akin pero nawili ako sa pagkukulikot ng cellphone na naka display. iphone pro max. Eto din cellphone ko dati eh kaso binenta ko na.

"Everleigh!" I flinched when he called me again. Lumingon ako sa kanya at tamad akong tinitigan mula sa counter. Agad kong binalik ang cellphone at linapitan siya.

"Ano?" Nakabusangot ang mukha ko ng tanungin siya. Kung susungitan niya ako edi susungitan ko din siya!

He sighed "what color do you want?" At itinuro ang dalawang macbook sa harap niya.

"Ba't ako tinatanong mo? Eh, hindi naman ako bibil-"

"It's for you" he cut me off. My eyes widened.

"H-hindi ko naman kelangan yan" sabay iling ko pa

"You need it" mariin niyang sabi

Well, tama nga siya. Lalo na't malapit narin akong mag fourth year. Thesis is waving pero ang dami na niyang binili!

Nang hindi ako sumagot ay binalingan niya ang sales lady sa harap namin.

"I'll get this one" sabay turo niya sa grey na macbook. Gusto ko sanang hampasin ulit ang braso niya at umaangal kaso mukha parin talaga siyang galit hanggang ngayun. Parang isang kalabit ko lang dito, masusuntok na niya agad ako.

"Is this all sir?" Tanong ng sales lady. Binalingan niya ako.

"Let me see your phone" sabay lahad niya ng kamay niya. Parang nababasa ko na ang nasa isip niya. Ayaw ko sanang ibigay kaso natatakot ako sa kanya baka bigla akong sigawan nito pag hindi ko sinunod ang gusto niya.

Agad kong kinuha ang luma kong cellphone sa bulsa ng pantalon ko at iniabot sa kanya.

He narrowed his eyes while looking at my phone. Mumurahin lang iyon at basag narin ang screen.

Binalik niya iyon saken " Stay here" sabi niya sa akin at pumunta sa mga section ng mga cellphone, dun sa pinuntahan ko kanina. Agad na sumunod ang sales Lady sa kanya. Nakita kong kinuha ni Ross yung iphone na hinawakan ko kanina at ibinigay iyon sa saleslady. Agad sila bumalik sa akin, pumunta ang babae sa likod para kumuha ng bago at agad itong inayos at binigay kay Ross. Ross immediately gave his credit card pay for it.

Gusto ko siyang sigawan at ibalik yung binili niyang macbook at cellphone pero hindi ko na ginawa. Tahimik lang akong sumunod sa kanya palabas ng Mall. He's really not in the mood kaya tatahimik nalang ako mahirap na at baka mabugbog ako ni Mr. Grumpy.

Nagulat ako ng pagdating namin sa parking lot at may lalakeng nakaitim na may dalang mga supot, yung iba ay sa sahig. Hula ko ay mga pagkain iyon. Nang buksan ni Ross ang sasakyan ay binuksan din ng lalake ang pinto sa likod at inilagay dun ang supot tsaka umalis. Sinundan ko siya tingin at pumunta iyon sa isang kotse na naka park sa di kalayuan.

Body guard ni Ross?

Napabaling ako kay Ross ng tumikhim ito. Kanina niya pa pala tinitigan. Nakatayo siya may pintuan ng kotse niya, siguro ay hinihintay akong pumasok.

"You like that guy?"

Imbis na papasok na sana ako ay napahinto ako sa sinabi niya. Kunot noo ko siyang tiningnan. He rolled his eyes on me at pumasok na siya sa driver seat. Napailing nalang ako tsaka pumasok narin.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon