Kabanata 28

18.8K 447 138
                                    

"How are you?" wika ni kuya Rhys

"I'm good" I beamed

Inimbitahan niya kasi akong kumain sa labas. Gusto niya raw ako makita.

"Eto po pala" sabi ko at nilapag ang cheque sa mesa

Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang binigay kong cheque

"Why are you giving me this?"

"Gusto ko lang ibalik ang mga nagastos niyo sa akin noon" kinuha ko ang cheque at inabot iyon sa kanya "kunin mo na"

Agad siyang umiling at tinaas ang kamay niya " I will not accept that"

Malungkot kong binaba ang kamay ko "P-Pero... niloko po kayo ni Ma- na-namin... pinaniwala namin kayo na anak ako-"

"Wala kang kasalanan" he cut me off. He sighed " wala kang alam, leigh. Ginamit ka lang ni tita Maria. Tsaka huwag mo nang alalahanin ang mga nagastos namin sa iyo noon"

"Pero-"

"keep it" sabi niya habang tinitingnan ang cheque sa kamay ko

Wala akong nagawa kundi tumango at binalik nalang sa bag ko

Sobra ang galit ko noon kay Mama nang malaman ko na niloko niya lang si Tito Romel, na hindi talaga ako ang anak niya.

Nabuntis nga noon si Mama kay tito Romel at pinangalanan ito ni Tito Romel na Leigh kaya inakala niya na ako talaga anak niya kay Mama without knowing na 2 months palang noon ang anak nila ni Mama nang mamatay ito dahil sa malubhang sakit,hindi iyon nalaman ni tito Romel dahil naghiwalay na sila noon ni Mama at pinakasal na siya kay Tita Morin.

May nakilala si Mama at nabuo ako pero sa kasamaang palad ay namatay ang Ama ko noong baby pa ako. Hindi tanggap si Mama nang pamilya ng Ama ko kaya mag-isa akong tinaguyod ni Mama.


Flashback


"Ang kapal kapal talaga nang mukha niyong dalawa!" galit na wika ni Tita Morin

"Morin, tama na" mahinahong wika ni Papa

Lumapit ako kay Papa para humingi nang tawad pero agad akong tinulak ni tita Morin

"Pa..p-patawad po..." wika ko habang umiiyak kahit ngayun ko lang din nalaman ang totoo

"Hindi mo siya Ama!" sigaw ni tita Morin

Tahimik lang si Papa at nakatingin sa ibang direksyon habang nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Kuya Rhys

Tumawag si kuya Rhys na pupunta sila dito sa Canada, akala ko para bisitahin ako pero hindi ko inakalang eto pala ang mangyayare. Pinaimbistiga ni Tita Morin si Mama, nalaman niya rin na humingi si Mama nang pera kay Papa para mabawi ang kompanya namin.

Pina DNA test kami ni Papa at doon nga napatunayan na hindi ko siya tunay na ama.

"k-kuya Rhys..." hinawakan ko siya sa kamay. Nanatili lang siyang nakatayo at umiwas nang tingin sa akin.

"Mga manggagamit!" sigaw ulit ni Tita Morin

"Patawad po..talaga.." sabi ko at yumuko sa harap nila

"Leigh-" hinawakan ako ni Mama pero agad kong inalis ang kamay ko at lumabas

Pagkadating namin sa bahay ay agad kaming nag-away

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon