Kabanata 6

25.8K 627 43
                                    

May ngiti sa aking labi habang naglalakad ako sa hallway. Nag text sa akin si kuya Rhys kanina lang tungkol sa lakad namin mamaya, susunduin niya daw ako! Kinuha niya ang numero ko kagabi bago kami umuwi ni Mama.

Pagkapasok ko sa classroom ay may iilan na akong mga kaklase na nandoon. Pumunta ako sa aking upuan at agad na kinuha ang notes ko para mag review, may quiz kasi kami ngayun. Napahinto ako sa pagbabasa ng tumili ang mga kaklase kong babae napaangat ako ng ulo at agad kong nakita ang nakangising si Hendrix sa tabi ko.

Anong ginagawa nita dito?

"Mukhang busy ah" sabi niya habang nakatitig sa notebook ko

"Oo, busy talaga ako. Ikaw? Wala ba kayong klase? Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ko sa kanya

Agad kong narinig ang mga bulong-bulongan sa mga kaklase kong babae

"Kala ko kung sinong magand. Ang yabang!"

"Ba't ganyan siya kung umasta kay Hendrix? Nakakainis na siya ah. Gandang ganda sa sarili"

"Oo nga, pakipot lang yan for sure may gusto yan kay Hendrix. Umaarte lang yan para habulin pa sya lalo ni Hendrix! Sino ba naman ang aayaw kay hendrix diba?"

Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Hey, babe calm down" maarteng sabi ni Hendrix na may ngiti sa labi at hinawakan ang braso ko. Mukhang nag eenjoy pa ang isang ito eh, kala niya siguro may gusto ako sa kanya.

"For your information wala akong gusto kay Hendrix. Kung gusto niyo sa inyo nalang siya!" Padabog kong nilagay ang notebook sa bag ko at lumabas ng classroom. Narinig ko pa ang bulong bulongan nila bago ako tuluyang makalabas

"Grabe siya"

"Seryoso ba siya dun?"

"Nakakabwesit siya"

Ramdam kong sumunod si Hendrix sa akin

"Leigh, san ka pupunta? Tama naman sila diba? Gusto mo rin ako diba" huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

I saw him smirking while his both hands were on his jeans pocket. Ang ibang mga estudyante sa hallway ay nakatingin narin sa amin.

"Pwede ba tigilan mo na ako? Wala akong gusto sayo Hendrix. Wala!"

Unti-unting nawala ang ngisi sa kanyang labi, halata sa itsura niya na napahiya ko siya. Marami na kasi ang nakiki-usyuso. Malakas ang pagkakasabi ko nun kaya panigurado akong narinig nila iyon. Tama naman yung ginawa ko para tigilan na niya ako. Matagal na niya akong gusto at naiinis ako sa kanya kasi masyado siyang makulit at feeling niya gusto ko siya. I admit that he's handsome, tulad ni lucas ay kilala dn sya dito sa school namin at marami ding babae ang nghahabol pero hindi ko siya type. Masyadon siyang presko.

Unti-unit siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko. Kita ang galit sa kanyang mga mata.

"Bawiin mo ang sinabi mo" mariin niyang sabi

"Ba't ko naman gagawin yun?" Tinaasan ko siya ng kilay

"Gusto mo talaga akong ipahiya leigh? Dito pa talaga sa harap ng maraming tao?" Bulong niya sa akin

I fake a laugh " Hindi mo ba matanggap na may nag reject sayo? Hindi kita gusto Hendrix kaya tigilan mo na ako"

Napalinga-linga siya sa paligid at nakitang maraming estudyante ang nakatingin sa amin at for sure ay narinig ang sinabi ko. Nagulat ako ng bigla niyang itulak ang braso ko.

"Fine!" Galit niyang sabi. A smirk gradually formed on his face "Kala mo kung sino kang maganda eh pokpok ka naman diba? Nagtatrabaho ka sa bar kaya panigurado-"

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon