CHAPTER TWO

143 9 0
                                    

To start anew, gumawa ako ng panibagong Facebook, Twitter, at Instagram account kasi kung hindi, madali nilang malalaman kung sino talaga ako and that's the last thing I'd like everyone to know.

Lij Garcia

It felt weird dahil hindi naman ako sanay na gamitin ang second name ko. It's unfortunate but it's still better than letting people search Xander Garcia as it means giving away that I am that Xander Garcia. I already tried it before. Ang pinakaunang lumalabas ay ang official page ko na si Sara naman ang naghahandle.

I guess I should be used to being Lij.

Saktong pagkagawa ko ng social media accounts ko ay ang pagbukas ng pinto ng unit na tinutuluyan ko.

"Hi, roomie! Ultra mega traffic sa dinaanan ko kaya ngayon lang ako." Tuloy-tuloy na sabi nito habang pumapasok bitbit ang dalawang malalaking maleta. "Tonton nga pala. Ikaw?"

Ramdam ko na agad ang pagiging friendly sa boses niya which makes me think na mabilis lang kaming magkakasundo.

"Xan-" mabuti na lang ay agad kong napigilan ang sarili ko, "ka galing?"

Internally, I sighed heavily. Muntik ko nang malaglag ang sarili ko sa unang araw pa lang.

"Diyan lang sa Pasig. Feeling probinsya, anek? Napakatagal naman kasi ng byahe dahil sa sobrang traffic." Sagot nito habang nagpupunas ng mukha gamit ang baby wipes. Ganoon nga yata kalala ang commute system sa Maynila. Thinking about geography, ang bilis lang ng byahe mula Pasig papuntang Manila pero dahil sa sobrang lala ng traffic, inabot pa siya ng gabi. "Ang dami kong chika. Anong pangalan mo ulit?" I'm glad he asked again.

"Elijah. Lij na lang." I answered.

"Pakak. Pang mayaman ang pangalan. 150 baon mo noong grade school, 'no?" Biro nito habang nagliligpit ng gamit niya.

"Wala nga akong baon." Sagot ko rito.

That was true, though. I can have anything that I want without paying for it immediately. Ang alam ko, si Sara ang nagbayad ng mga ginastos ko noon.

"Hala! Insensitive joke ba? Sorry na." I felt his guilt when he said that. "Alam mo, I really have this tendency na magbitaw ng insensitive jokes. Don't hesitate to call me out."

Hindi ko maiwasang mainggit sa kanya. He's the type of gay I wish I can be. Hindi siya natatakot magsalita pero kapag alam niyang mali ang sinabi niya, hindi rin siya natatakot na humingi ng paumanhin para dito. He's so carefree samantalang ako, lahat kalkulado. Makapagsalita lang ako nang mali, paniguradong babalik sa apilido namin.

"For sure." Sagot ko rito.

"Anyways, you wanna explore the area? I heard meron daw malapit na inuman dito." Pagbubukas nya ng panibagong usapan.

The sound of it excites me. I've heard how people from my generation parties and sobrang layo niya sa parties that I've been to since the parties that I've attended are all inclined to politics. Just thinking of experiencing the real thing already excites me.

"Kakarating mo lang, gusto mo nang umalis agad? Wala ka bang concept ng rest?" Tanong ko kahit na deep inside ay excited na talaga ako. Paniguradong kapag lumabas kami, mamaya na kami makakauwi.

"Ang tagal ng binyahe ko. Dito sa Maynila, count the commute na sa resting period mo dahil sobrang traffic talaga." Kwento nito.

"Alam mo, judgemental ka." Biro ko sa kanya.

"Totoo! Sobrang traffic talaga sa Maynila!" Depensa nito sa sarili kaya natawa ako dahil hindi niya agad na-gets 'yong joke ko

"I mean, kanina ka pa Maynila nang Maynila. You assumed na probinsyano ako without even asking." Paliwanag ko rito. I don't take it offensively, though. Hindi naman talaga offensive masabihang probinsyano if it's true.

"Oh my God? I'm really sorry. I didn't mean to offend you." Muling paghingi nito ng paumanhin.

"No worries. I was just kidding! Besides, totoo namang probinsyano ako." Natatawa kong pagkumpirma dito.

Not MeWhere stories live. Discover now