CHAPTER THIRTY TWO

24 3 0
                                    

We were tasked to perform anything related to public speaking for our English class. The twist is: we should do it by pair.

Unfortunately, it wasn't Val I was paired to.

"Ngayon pa lang tayo magkakausap, 'no?" He awkwardly asked.

"Yup." I replied more awkwardly.

"Michael." He then offered a handshake as he introduced himself. Natawa ako kasi he did it in a way na parang ngayon pa lang kami nagkakilala.

"I know." I replied with a little laugh afterwards. "Baka magselos si Carl." I softly said after dahil baka marinig ako ni Carl.

"Isa ka pang shipper, e 'no?" He responded which confused me.

"Bakit? Hindi ba kayo?" I asked curiously. Lagi kasi silang magkasama tapos sabay pang umuuwi. Akala ko, sila.

"Sira. Hindi kami." He then clarified.

"So, sila nga ni Ryan?" I asked for more dahil kung hindi si Michael, si Ryan ang isa pang kasamang madalas ni Carl.

"Tatahi-tahimik ka pero tsismosa ka rin, e 'no?" He reflected our conversation back at me. "Pero para ma-satisfy ang iyong curiosity, hindi rin sila. Walang ganon, Lij. Hindi dahil may something sa inyo ni Val kaya lagi kayong magkasama, dapat ganoon na rin sa iba." He explained further but I was surprised with what he said. Ganoon ba ang tingin ng buong block sa amin ni Val?

"Sira! Wala ring kami!" Napalakas ang boses ko kaya nagtinginan lahat sa amin ni Michael.

Nakakahiyang lahat sila, busy sa pag-uusap tungkol sa public speaking performance pero kami ni Michael, mas inuna ang daldalan. Mabuti na lang at lumabas muna saglit ang professor namin kaya't hindi ako narinig.

Imbis na maging bothered dahil pinagtinginan kami, natawa pa si Michael dahil sa nangyari.

"See? Ganyan ang feeling kapag tinatanong ako kung kami ba ni Carl. Awkward kasi kaibigan ko." He then said. "But seriously? Akala ko talaga may something sa inyo ni Val. Parang may sariling mundo kayo, e."

The world I created made illusions na hindi lang pala ako ang apektado. Nakakahiya sa part ni Val because people think na kami pala kaya lagi kaming magkasama. Little did they know, magkasama kami lagi dahil siya lang ang nag-iisang tao sa klaseng binigyan ko ng susi papasok ng mundo ko.

"At least, alam mo na ngayon, 'di ba?" I answered. "So... anong plano natin sa public speaking performance?" Natatawa kong paalala sa kanya na kaya kami magkausap ngayon ay dahil sa public speaking performance.

Natawa siya habang lumilingon sa paligid dahil mukhang may usad na ang ibang grupo pero ngayon pa lang kami magsisimula.

"Nakapag-speech ka na ba in public?" He asked.

I was about to answer 'yes' dahil nagsasalita talaga ako sa campaign kapag tumatakbo si Dad but I immediately remembered how I shouldn't tell anyone about it.

"Nope." I answered.

"Okay." He responded and got quiet for a while. Mukhang iniisip niya kung paano i-work ang tandem namin.

I think we would've made a great pair kung sinabi ko lang na sanay akong magsalita in public. I want to suggest na magspeech na lang kami but I'm holding back.

"What about 'Spoken Word' poetry?"

Not MeWhere stories live. Discover now