CHAPTER FORTY ONE

17 2 0
                                    

The Truth About Lies

Title pa lang, alam ko nang iyon ang tulang isinulat ni Val para sa klase namin. I can't help but to remember how I admired his wordplay. Bilib na bilib ako dahil it was the perfect contrast pero hindi pilit.

I don't want to be interested but here I am reading his piece.

Together, we looked at the sky and saw the stars
they're dreamy... but I'd never forget what you said that night
- that the beauty we see from down below
isn't the same when we look at it when it's in front of us

And that made me realize how beautiful a lie could be
Of how deceiving a speck of dust could look from afar
Of how a dead particle could seem so alive
How something worthless for you could mean so much for me

Then - I saw you
And it proved how lies could look so good
That a lie may not be right
But it could still shine so bright

I was left confused. Hindi ko alam kung anong meaning ng tulang 'to o kung bakit niya iniwan sa pinto para mabasa ko. Ni hindi niya nilagay ang pangalan niya pero alam ko na kaagad na galing sa kanya.

Or maybe, he just wanted to make me feel that I am a liar too. Na pareho lang kaming sinungaling kaya I shouldn't take it against him na niloko niya ako.

"Hindi kita maintindihan." By the tone of Tonton's voice, bakas sa kanyang naguguluhan na talaga siya. Naguluhan din ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Wala naman akong sinabi." I answered. Natawa na lang ako dahil parehas kami ng hitsura ngayon na nakakunot ang noo sa isa't-isa.

"Umiiwas ka sa mga tao kaya ka umabsent, 'di ba? Meaning, ayaw mong may makausap o makakita sa 'yo for whatever reason na meron ka. Pero ayan! Nagbabasa ka ng sulat na nakita mo sa pinto. Ang gaga lang. What if death threat pala 'yan kasi galit sa pamilya mo tapos binasa mo? Iiyak ka na naman sa kagagahan mo, eh." Sunod-sunod nitong sabi. Inis man ang tono ng boses niya, naramdaman kong it's rooted from concern.

Tama naman kasi siya. Ang laki ng chance na makabasa ako ng hate letter pero binasa ko pa rin without knowing kung kanino nanggaling. Hindi ko rin alam, eh. Pagkakita ko ng sulat sa labas, I felt the need to read it.

"Sorry na. Galit na galit ka naman." I answered. "Nag-lunch ka na?" I changed our topic kasi wala naman na akong maisasagot sa sinabi niya kanina.

"Hindi pa kasi alam kong wala kang kasamang kumain ngayon." He answered.

Dahil sa sinabi niyang 'yon, ang tagal naming nagkatitigan as if our hearts are talking.

Then, I started tearing up.

"Para kang tanga. Ayaw mo akong umiyak pero pinapaiyak mo ako." I complained while wiping my tears. Little did I know, nagpupunas na din pala siya ng luha.

"Para tayong tanga."

Not MeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα