CHAPTER FORTY TWO

18 2 0
                                    

All eyes on me.

Inasahan ko nang marami nang titingin sa akin kapag pumasok ako. Nagbubulungan pa ang iba na akala mo, hindi ko nakikita at hindi ko alam na ako ang pinag-uusapan nila.

I must be threatened dahil hindi ko alam kung anong kaya nilang gawin sa akin pero hindi ako natatakot. Wala na akong pakialam. Sa sobrang dami ng taong galit sa pamilya ko, hindi ko na rin naman sila masisisi kung gumanti sila through me.

But I doubt it. Kanina pa nakasunod sa likod ko ang isa sa mga bodyguards namin. Besides, sa pagkakakilala ko sa mga tao sa college namin, wala namang ganoon kasama para magtangka sa akin.

Nang makarating kami sa classroom namin ay tinignan ko siya sa mata bago sinabihang, "I'm good here. Hindi ko na kailangan ng bodyguard sa loob." I coldly uttered.

"Lij, can we talk?" I heard desperation from his voice. Halatang hindi niya na alam ang gagawin dahil sinisigurado kong hindi niya ako makakausap nang maayos.

"No, thank you." I answered.

Hinawakan ko na ang door knob para makapasok na sana dahil akala ko ay wala na siyang sasabihin pagkatapos noon.

"Please." His voice is really pleading.

Hindi ko na alam ang isasagot sa kanya pero alam ko sa sarili kong ayaw ko siyang makausap ngayon.

Limang segundo rin yata akong nakatingin sa kanya nang walang sinasabing kahit ano. In the end, I just gave him a fake smile and immediately turned away.

"Before I forget, pakisabi na lang kay Kuya Jerome that I want him here. Siya na lang kamo ang magbantay sa akin kasi at least, napapagkatiwalaan ko." I uttered without looking at him.

I entered our class and didn't bother to look at my blockmates. Hindi ko pa kayang makipagtitigan sa kanila.

I was surprised nang tinabihan ako ni Val.

"Stop with the roleplay. Pwede ka nang maging bodyguard. Hindi mo na kailangang makinig dito." I uttered coldly.

"Xander, hindi mo ako bodyguard. I told you, let me explain." Hindi niya na maitago ang frustration sa boses niya.

"Hanggang ngayon ba naman maglolokohan pa rin tayo?" I asked. "So, ano ka? Kung hindi kita bodyguard, ano ka?"

I made sure na walang masyadong makakarinig sa amin. Nakakahiya namang pinag-uusapan na nga nila ako, gagawa pa ako ng eksena.

"Xander, totoo ako sa 'yo." It is as if he understood the assignment. Ayaw niya rin yatang makakuha ng atensyon ng iba kaya mahinang boses lang din ang ginamit niya sa pagsagot.

My effort of trying to be cold at him ends here. Hindi ko na napigilang mapaluha dahil naalala ko na namang nagtiwala ako sa kanya pero niloloko niya lang pala ako. Mukhang kulang pa yata dahil hanggang ngayon, niloloko niya pa rin ako kahit alam ko naman na kung anong totoo.

"Tama na, Val. Okay na ako. Tanggap ko nang niloko mo ako." I uttered while wiping my tears. "'Wag mo naman akong gawing tanga. 'Wag mo na lang akong lokohin ulit. Ayaw ko na."

Not MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon