CHAPTER FIFTEEN

47 6 1
                                    

Val and I got closer. Our hangouts in his dorm suddenly turned into us visiting mall while wearing our school uniforms after class.

A much wider place to hangout - I shall say. But what I love about spending this time with him is that he also loves the things that I love. Arcade, for one.

I can't imagine doing all these things with another person. Val and I suit each other well with this kind of activities. Halatang hindi pilit dahil pareho naming gusto ang ginagawa namin.

Ang pinagkaiba lang, mukhang sanay na siya sa ganito samantalang ako, masaya lang dahil sa wakas, nagagawa ko na 'to.

He laughed so hard pagkalapit niya sa akin dahil ang dami niya nang nalalaro pero nandito pa rin ako sa claw machine - hindi makakuha kahit isa.

"Nakakamagkano ka na?" Tanong niya na hindi ko alam kung nang-aasar ba.

"200. Paubos na so bibili na yata ulit ako." Sagot ko rito.

"Bumili ka na lang sana ng plushies. Ang daming nagtitinda sa Facebook." He suggested. Naawa na yata dahil hindi ako makakuha.

"You'd only appreciate something kapag pinagpaguran mo. That's how value is created." I answered. Kasi kung bibili ako, hindi rin ako matutuwa knowing that I gave up on something.

"Spoken like a politician, ah?" He uttered.

"More like, a beauty queen." I corrected him. Sinabi ko naman na sa kanyang being a politician is not something I aspire to be.

Saktong pagkasabi ko noon ay nakakuha ako ng stuffed toy. Sa sobrang saya, hindi ko naiwasang mapayakap kay Val.

I was so happy. Call me petty but my frustrations a while ago suddenly disappeared dahil nakakuha ako ng stuffed toy.

Slowly, I realized the awkwardness that I've caused. Ako mismo ang humiwalay sa yakap dahil baka kung ano pa ang isipin niya.

"See? Kaya kong makakuha kahit hindi ako bumibili." I proudly told him while getting the toy from the machine. Maybe, it was awkwardly said dahil nga nahihiya ako sa ginawa ko.

"Nice one!" Puri nito sa akin. "Mahilig ka sa Spongebob?" He then asked.

"Yup. When I was younger, hindi ako papayag na hindi ko siya mapapanood for the day."

He smiled and paused for a while.

"Yellow." It was as if a realization hits him. Ang hirap basahin ng emosyon niya sa pagsabi noon dahil kahit sa mukha niya, hindi mo mababasa. "Kaya pala yellow 'yung kulay ng rosas."

"Huh?" At first, I really didn't get it.

"'Yung tula mo." He softly poked my forehead. Now, he's back to his usual self. "Speaking of, hindi ko pala nabasa 'yun, ah! Hindi mo pinabasa sa akin."

"Hindi ko rin nabasa 'yung iyo so it's a tie." I answered him. "May tokens ka pa?"

"Meron pa. Hinihintay sana kita kasi merong space hockey doon. Ready na akong talunin ka kanina pa." He arrogantly said pero alam ko namang nagbibiro lang siya.

"Ibato ko kaya 'to sa 'yo?" Tanong ko habang pinapakita sa kanya ang nakuha kong laruan kanina. "Sige nga! Tignan natin hanggang saan yabang mo!"

Not MeWhere stories live. Discover now