CHAPTER TWENTY SEVEN

39 4 0
                                    

Weekends meant one thing for me - spending the entire day with Val as if namang may bago.

Umaga pa lang pero nagchat na agad siyang, 'hope you're feeling better now. Mas nakakagaan yata ng pakiramdam kapag may kasama kang magkape.'

And I found myself smiling at that chat. The ever indirect invites from him.

'Siomai?' I asked despite us having it, I guess, thrice this week already.

'Bukas, ni hao na bati mo sa 'kin kaka-siomai mo.' Sagot niya na parang ako lang ang kumakain ng siomai sa aming dalawa.

'Ang dami mo na namang sinasabi. Sabihin mo lang kung ayaw mo.' I jokingly answered pero agad ko ring sinundan ng, 'anong kakainin natin? Ayaw kong kape lang!'

'Ang aga mo naman pong mag-attitude. Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?' He responded which made me laugh as I instantly figured out his reference. Ganyan ang biruan nila Symon sa classroom.

'Yes! And I'm proud of it.' Gaya ko sa sagot ng kablock namin. 'Para kang sira! Kung ayaw mo ng siomai, anong kakainin natin?'

'Hala? Sinabi ko bang ayaw ko ng siomai?'

'Tignan mo! Ang dami mong paligoy-ligoy, gusto mo rin pala.'

'Sinabi ko rin bang gusto ko?' He answered. Sobra akong nahilo sa usapan namin dahil hindi ko na masundan kung ano bang nangyayari.

'E, ano? 'WAG NA KAYA?' I responded dahil hindi ko na talaga maintindihan.

He stopped replying after that which made me more confused. Did he misinterpret my messages and thought na nagsusungit talaga ako? I was just trying to be funny - I guess it's not meant for me.

'Hala? Hindi na siya nagreply. Sorry na.' I messaged him again. Baka nga naging masyadong masungit ang dating ko sa kanya.

When he still chose not to reply, I already knew that I would be alone for the weekend. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung paano dahil sanay akong kasama siya sa lahat.

I guess I should just sleep again dahil wala naman akong gagawin ngayong umaga.

I was about to cover myself with my blanket when our doorbell rang. Imposible namang si Tonton 'yan dahil may susi naman siya sa unit.

Out of curiosity, I opened the door without even peeking at whoever that is. To my surprise, I saw Val holding a lot of things and I was stunned.

Akala ko, ayaw niya na akong kausapin kaya hindi na siya nag-reply. It turns out na bumili na pala siya ng makakain namin kaya hindi na ako pinansin.

"Nakakita ka yata ng multo?" He asked. Hindi pa man ako nakakasagot ay pumasok na siya sa unit namin at nilapag ang mga binili niya sa lamesa.

"Hindi ka na kasi nag-reply. Hindi ko naman alam na bumili ka na." I explained while closing the door.

"Sarado pa siomai-an dahil weekend ngayon kaya Jollibee na lang binili ko." He said as if hindi ko pa nakita ang paper bag ng binilhan niya.

"Wow! Surprising." I sarcastically answered while looking at the paper bag. "Huy! Hindi mo ako tinanong kung anong gusto ko. Nagcrave tuloy ako ng longganisa." Reklamo ko habang nagpapakulo ng tubig para sa kape namin.

"Got you!" Sagot nito sabay labas ng mga binili niya. To my surprise, longganisa nga ang binili niya para sa akin. "Naramdaman ko na, e. Noong Monday, corned beef; Tuesday, chicken; Wednesday, Tapa; Thursday, hotdog; Friday, pancake sandwich."

Napanganga na lang ako nang isa-isahin niya lahat ng kinain ko for breakfast the entire week.

"Wow. Wow na lang talaga masasabi ko."

Not MeМесто, где живут истории. Откройте их для себя