CHAPTER SIX

90 9 1
                                    

We still have thirty minutes before the next class starts which reminds me na hindi pa nga pala ako kumakain ng agahan. Mabuti na lang talaga at maraming kainan sa building namin.

Magkakasama ang mga kaklase kong bumaba. Mukhang naging magkakaibigan talaga sila kahapon kaya't nagkapalagayan na sila ng loob. Samantalang ako dito, hindi pa rin alam kung paano makikipag-usap sa kanila.

Bumaba akong mag-isa nang masiguro kong nakababa na ang karamihan. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan ako bibili ng pagkain dahil wala naman akong alam pa.

Sakto namang nakita ko agad ang bilihan ng burger. Maraming bumibili ngayon at kita kong marami talaga silang tinda kaya't tumingkayad ako upang masilip kung anong pwede kong bilhin.

"Pwede mo namang hintaying makaalis mga tao para makita mo mamaya. Pinapahirapan mo pa sarili mo." Sabi ng taong nasa tabi ko. Kakarating niya lang din yata dahil wala naman siya diyan kanina.

"Sayang kasi 'yung oras na mag-iisip pa ako mamaya kung pwede naman na akong mag-isip ngayon habang naghihintay. Makakaabala pa ako ng mga tao kapag sa unahan pa ako nagdesisyon." Paliwanag ko rito.

"Wow. Para ka na ring pulitiko kung magsalita, ah." I was stunned when he said that. Basing on his tone, mukhang kilala niya ako at may alam siya. "Sorry, Xander. May nasabi ba akong mali?"

"Elijah. Call me Elijah." I answered him.

Lumingon ako sa paligid dahil baka may nakarinig sa kanyang mga kaklase ko. Mabuti na lang at wala dahil karamihan ng nandito ngayon ay galing sa ibang course.

I noticed his uniform... Parehas kami. Kaklase ko pa yata siya dahil wala namang ibang klaseng bakante ngayon maliban sa amin.

"Bakit ayaw mo ng Xander? Ang ganda naman, ah?" Hininaan nito ang boses niya nang mapansing ayaw kong pag-usapan.

"Just don't." Sagot ko. "Kaklase ba kita?" I asked what's bothering me.

"Oo. Gulat nga ako, kaklase kita. Idol ko kaya pamilya niyo." Tuloy-tuloy na sabi nito kaya't tinignan ko siya nang masama sabay patahimik dito.

"We'll talk later about this, okay? Just not now, please." Pakiusap ko rito. I made sure I emphasized 'please' dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling makilala nga ako ng mga tao.

I don't want the spotlight - lalong-lalo na 'yang ganyang klaseng spotlight.

I felt bad when he didn't answer anymore. I wonder how bad he felt after someone from the family he admires treated him that way. Nakakakonsensya. Hindi niya deserve.

Hindi ko naman siya makausap ulit dahil ayaw ko nang makakuha ng atensyon sa mga tao.

After we were done ordering, hinintay ko siyang maglakad muna at sinundan siya. Bago pumasok sa classroom, hinawakan ko ang braso niya upang magpaliwanag.

"Sorry kanina. I just don't want to talk about it it in public." Paliwanag ko rito.

He smiled at me before answering, "okay. Naiintindihan ko."

Mas lalo akong nakonsensya.

"Uy! Sorry na. Can we talk?" Tanong ko. "Anywhere far from our room."

"Bakit naman? Ayaw mo bang dito na lang?" Tanong nito.

"This is a secret." Pag-amin ko.

"Okay? Gusto mo sa cr?" Tanong nito.

Wow. Of all the places. Pero kung hindi doon, saan nga ba pwede?

"Ilapag na muna natin pagkain natin bago tayo magcr."

Not MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon