CHAPTER SEVEN

82 8 0
                                    

It was obvious na oras pa ng klase ng karamihan dahil kahit sa cr, walang katao-tao. And it's so perfect para makapag-usap kami.

"First of all, sorry talaga kanina. I didn't mean to make you feel that way." Pagpapaumanhin ko sa nagawa ko.

"Okay na nga 'yon. Nakakatakot naman talaga dating ko tapos sinabi ko agad na kilala kita pati pamilya mo. Kidnapper pala, e 'no?" Natatawang sagot nito. "Pero bakit parang ayaw mong kilala ka?"

"Gusto kong mag-aral nang tahimik. Ayaw kong alam ng mga tao na galing ako sa sikat na pamilyang 'yon because I don't want the spotlight. Heck, not even the attention. Gusto kong maging normal." Paliwanag ko rito.

"Kaya pinili mong dito ka na mag-aral kaysa sa UK?" Tanong nito.

"Alam mo?" I got shocked na kahit siya, alam ang nangyayari sa akin.

"Sabi ko naman sa 'yo, idol ko pamilya niyo." He answered. "Buti ka nga, ang dali ng buhay para sa 'yo. Pinanganak kang maganda na agad estado sa buhay."

"Ang daling isipin para sa mga taong wala naman sa posisyon ko." Sagot ko. "Sorry, ang drama na yata." Natatawa kong habol. "Pero ayon, please, sana sa atin na lang 'yung alam mo." Pagmamakaawa ko rito.

"Okay." Nakangiting sagot nito.

"Friends?" Alok ko ng kamay ko sa kanya.

Halatang nagulat siya dahil ako mismo ang nag-alok sa kanya.

"Oo naman! Ako pa bang tatanggi? Kahit nga best friends, okay na okay sa akin." Sagot nito.

"Ngayon lang ako nakakilala ng taong ang saya na maging kaibigan ako." Sabi ko rito. I really appreciate his reaction dahil sa dinami-rami ng taong nakilala ko, 'yung taong sinungitan ko pa ang natuwang maging kaibigan ko.

"Gusto mo ng sidekick? 'Yung parang sa mga pelikula?" Tanong pa nito sabay demo na nakikipagsuntukan sa hangin.

"No! Why would I want that?" Natatawa kong sagot dito kaya't tinigil niya ang ginagawa niya.

"Ay? No?" Parang nagulat pa siyang tinanggihan ko siya. "Sige na nga. Okay na ako sa friends kahit hindi mo pa alam pangalan ko."

Pagkasabi niya noon ay doon ko lang naalalang ni hindi ko pa nga pala siya tinatanong sa pangalan niya.

"Hala. Ano nga pangalan mo?" Tanong ko kahit alam kong huli na ang lahat.

"Valerio." Sagot nito sabay abot ng kamay.

"Ganda ng pangalan mo, ah." Puri ko rito dahil totoo namang maganda ang pangalan niya. "So, Rio ba nickname mo?"

"Ay. Pang mayaman naman 'yang Rio. Val na lang." Pagtatama nito.

"Okay." Sagot ko. "Lij naman itawag mo sa akin. Hindi ko kaibigan 'yung mga tumatawag sa aking Xander." Habol kong biro rito.

"Ganda pa naman ng Xander na pangalan. Pero sige. Choice mo 'yan, eh."

"Thank you." Sagot ko sa sinabi niya.

"Dito pa tayo nagheart to heart talk sa cr. Hindi na tayo nakakain." Natatawang sabi muli nito.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang malapit na nga magsimula ang susunod na klase.

"Hala oo nga. Balik na tayo." Sabi ko rito. "Salamat talaga, ha?"

Not MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon