CHAPTER THIRTY NINE

16 2 0
                                    

"The rose was yellow because that's the color of hope. Ikaw 'yong nagturo sa akin how colors speak when words can't express what I truly feel and I'm glad that you understood that I wanted to mean something by giving you a yellow rose. I was hoping na sana, maayos natin. Sana, makabalik sa dati o makapagsimula ng bago - but ours was a relationship filled with confusion. I don't take it against you that you didn't understand yellow the way I wanted you to. Masyado nga namang vague. Funny. The vagueness of yellow made me think that it still applies no matter what you think of it because why not? Yellow can mean light or heat as the sun, beauty or cowardice as the sunflower, joy, hope - everything that we were. And it's sad because no matter how good I wanted to mean, you still chose to think that in me, it's always the negative one. I didn't even consider how yellow can represent inauthenticity dahil una pa lang, totoo na ako sa 'yo."

Wala na yata akong ibang ginawa mula nang makabalik ako sa dorm kung hindi umiyak. Literally, everything in me is falling apart.

Val betrayed me. Jake is hurting because of me at ang kapal naman ng mukha ko kung babalewalain ko lang na nakasakit ako dahil nasasaktan ako ngayon. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga kaklase ko dahil ang bilis kumalat ng balita. But above everything else, hindi ko kayang kausapin ang tatay ko na kanina pa tumatawag sa akin dahil ang bigat sa pusong isipin na sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon, siya ang may kasalanan.

Bumukas ang pinto kaya't nagmamadali akong nagtalukbong ng kumot sa mukha ko. Kahit kay Tonton, hindi ako makatingin dahil nahihiya ako.

"Kanina ka pa iyak nang iyak diyan. Hindi naman nakakabusog 'yan." He uttered. That's the first time he said something mula nang makauwi ako.

Still, I can't look at him. Hindi ko magawang alisin ang blanket sa mukha ko.

"Hanggang kailan ka iiyak? Bakla, kahit mag-walling ka pa diyan, hindi mo na mababago kung anong nangyari sa 'yo. Bukas, pagkagising mo, marami pa ring titingin sa 'yo. Marami pa ring huhusga sa 'yo. Ngayon, mamili ka. Gusto mo bang husgahan ka nilang maayos kang tignan o gusto mong mukha kang gutom kapag nakita ka nila? Ano na lang sasabihin nila sa 'yo? Sinungaling na, apo pa ng diktador, anak pa ng magnanakaw, tapos dadagdagan mo pa ng mukhang hindi pinapakain? Bakla, okay nang tatlo lang." Again, the typical tactless Tonton. Instead of being offended by everything that he just said, hindi ko napigilang matawa dahil sa sinabi niyang 'yon.

Tama naman siya. Bukas, huhusgahan pa rin ako ng mundo. Marami pa ring titingin sa akin dahil sa eskandalong nangyari kahapon.

"Ang dami mong sinabi." I uttered while uncovering myself. Ine-expect ko nang sobrang pangit ng hitsura ko ngayon pero wala na akong pakialam. Si Tonton lang naman ang makakakita sa akin.

After knowing na apo ako ng diktador na kinaiinisan niya, there he is, unboxing something for me.

"Ngayon lang kita ililibre, ha? Madami namang nanakaw pamilya mo sa bansa."

Not MeWhere stories live. Discover now