CHAPTER FOUR

109 8 0
                                    

"Akala ko iniwan mo na ako, Cardi!" Bungad ni Tonton pagpasok ko.

I made sure na mauunang pumasok si
Jacob dahil ang hirap gumawa ng palusot kapag nalaman nilang magkakilala na kami kahit hindi pa nagsisimula ang pasukan.

"Please, enough with the Cardi. Baka isipin pa ng mga taong idol ko si Cardi B." Biro kong pagpapatigil dito. Hindi naman kasi maiisip agad ng mga taong kaya Cardi ang tawag niya sa akin ay para magtunog cute ang pangalang Cardo. And no one would think na ganoon ang tawag niya sa akin because I am a probinsyano. Baka akalain pa ng mga tao, ganoon katanda ang pangalan ko.

Saktong pagkasabi ko naman ng Cardi B ay siyang tugtog ng kanta nitong WAP.

"Kahit destiny, nakikisama sa akin. Embrace mo na 'yung Cardi kasi that's what I will call you forever." Natatawang sabi nito.

He's too drunk. I can sense it. Natawa na lang ako kasi unang araw pa lang naming magkakilala, pinakita niya na sa akin kung anong personality ang meron siya - the type of personality I never had and can't afford to have.

Kahit sa mga kaklase ko mula pagkabata, walang ganyan ka-carefree. Lahat, masyadong nag-iingat. Ni walang naka-enjoy ng childhood namin because we were forced to think maturely kahit bata pa lang.

I mean - except for Jacob. Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng lakas ng loob to act freely. Balita ko pa nga, madalas siyang mapagalitan kasi nadadamay ang pamilya niya sa mga ginagawa niya but he doesn't seem to care at all.

"Hindi ka sumasayaw?" Tonton asked while chugging his last bottle.

"Hindi naman ako nagpaparty, 'di ba?" I reminded him of my story a while ago. Isa pa, I've never danced my whole life except sa mga slow dances - if that's counted.

"Napakaboring naman ng life mo." Komento nito that I will admit, medyo nasaktan ako. Kasi totoo. Kasi kahit hindi ko naman ginustong maging boring, kailangang ganoon.

"I know." Pagsang-ayon ko.

I smiled bitterly accepting na ganoon nga talaga ang buhay ko.

"So, anong ganap mo sa life? Don't tell me na kahit KathNiel hindi mo kilala, ah?" Now, the interrogation part. I wasn't prepared for this. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung sino o ano 'yung KathNiel but he asked it as if it was something that I should know.

"Of course I know them. Busy lang talaga sa pag-aaral kaya wala akong time to do other stuff." I tried to save myself.

"Alam mo, pinlano talaga ni God na ako maging roomie mo. We will try things na hindi mo pa nagagawa. Mamaya, gawa ka ng listahan ng mga gusto mong gawin and let's see kung kaya kitang matulungan."

It was like a music to my ears. Exactly how I envisioned my college life. Ang kinaibahan lang, I thought I'd have to do it alone.

"Sounds good to me." Pagsang-ayon ko rito.

"If you want the dorm for your 'private' time, don't hesitate to ask me."

Not MeWhere stories live. Discover now