CHAPTER THIRTY

33 3 0
                                    

'blobloblob'

I guess that's the new way of saying "good morning" dahil pagkagising ko, 'yan na agad ang chat na bumungad sa akin galing kay Val.

'kape ba? HINDI KO GETS 😤'

'Ganyan ka ba uminom ng kape? 😏'

'Good morning, ha? 🥱'
'Ano nga? Btw, inaantok pa ako so kung nagyayaya kang magkape, mamaya na 😴😴😴'

'🏊🏊🏊'

'NAGYAYAYA KA BANG MAGSWIMMING?' Parang napagpag ang antok ko nang makita iyon. Nakakatuwang pinaghandaan talaga ni Val 'tong weekends dahil ang dami niyang naiisip na gawin na hindi naman namin ginagawa talaga.

'Yieee. Antok yern?'

'HINDI NA AKO INAANTOK DAHIL ANG DALDAL MO'
'So ano nga? SWIMMING NGA?'

'Ang taas ng energy, ha? Chill bruh 🥶'
'Oo na. Punta na ako diyan in a minute. C u'

'My dad's old pero never namang nagchat sa akin nang ganyan. That's too 2008.'

Hindi na siya nagreply pagkasabi ko noon kaya alam kong papunta na siya dito anytime soon. Sobrang spontaneous nito kaya hindi man lang ako nakapaghanda.

Mabilis kong inalis lahat ng laman ng school bag ko para 'yon na lang ang gamitin. I made sure to bring a shirt, shorts and underwear na ipapampalit ko once I'm done. Then, my towel and toiletries.

Nakakapraning mag-empake nang mabilis dahil baka may nakalimutan pa ako. Then, I remembered my swimwear. Baka strict sa pupuntahan namin kaya't nagdala na ako just in case.

And exactly as I zipped my bag, Val pressed our doorbell. I already carried my bag para makaalis na kami but to my surprise, I saw Val just holding his clothes and his towel wrapped around his shoulders.

"Saan lakad mo?" Natatawang tanong niya pagkakita sa akin.

"Akala ko swimming?" I asked. Hindi naman ako na-inform na makikiligo lang sya sa unit namin. "Wala bang tubig sa unit mo kaya makikiligo ka?"

To be honest, I really expected na aalis kami.

"Swimming nga." He assured me na mas lalo kong ipinagtaka.

"Saan?" I asked.

"Sa 16th floor." He answered. Medyo matagal din akong nag-isip kung anong ibig sabihin ng sinabi niyang 'yon.

"May pool dito?" I was shocked. Hindi ko man lang alam na may pool pala sa dorm namin.

"Kagulat, 'no? Kanina ko lang nalaman kasi may nakasabay ako sa elev tapos bumaba sa 16th floor." He explained. "So, anong kakainin natin?" He then changed our topic.

Umasa na akong sa ibang lugar kami kakain because I thought that we'd go somewhere.

"Kainis ka. Akala ko talaga aalis tayo." I disappointedly dropped my bag. Tinapon ko pa lahat ng laman just so I can pack my things tapos dito lang pala kami.

But on a brighter note, knowing na may pool pala sa condo makes me happy. At least, I can go there anytime that I want to. Baka nga hindi rin pala alam ni Tonton na may pool kami so I think I'd invite him some other time.

"Ayaw mo pa n'on? Surprise!" He jokingly uttered. "Pero ano nga? Jollibee na naman?"

"Mcdo!"

Not MeOnde histórias criam vida. Descubra agora