CHAPTER FORTY FOUR

20 2 0
                                    

"Sige, Val. I'm giving you the chance." I'm trying my best to maintain my eye contact with him. Hindi ko pinaalis si Max at si Symon sa tabi namin para lang atrasan ko siya ngayon. "Talk to me. Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin. Sa huling pagkakataon Val, pakikinggan kita."

"'Wag naman ganito, Lij. Parang wala pa akong sinasabi, nakapagdecide ka na, eh." I'm currently seeing the most fragile version of him that I have ever seen.

"Hindi ko kailangang magdesisyon." I stayed firm. Hindi ako pwedeng magpakita ng emosyon sa kanya ngayon. "Ano? May sasabihin ka ba? Kung wala, aalis na ako." I uttered.

"Hindi ko alam kung paano sisimulan." Halata sa boses nitong nahihirapan siya ngayon pero pinilit kong maging matigas.

"Sa niloko mo ako, sa tinraydor mo ako, sa pina-ikot-ikot niyo akong lahat, mamili ka!" Hindi ko na napigilang mapaluha habang inaalala kung ano kami dati. Hindi ko talaga inasahang sa dami-dami ng taong papayagan kong maging parte ng buhay ko, siya pang kaya akong lokohin nang ganoon.

"Walang gan'on, Lij! Hindi kita niloko, hindi kita tinraydor, hindi kita pina-ikot-ikot. Walang gan'on." Mukha kaming tangang nag-iiyakan dito. Malaki ang posibilidad na makita kami ng mga tao pero parang wala lang sa aming dalawa.

"E, ano? Kung hindi niyo ako niloko, ano? Pinagtripan? It's a prank? Ano?! Sumagot ka kasi hindi ko alam saan ka kumukuha ng lakas ng loob para kausapin pa ako pagkatapos mo akong lokohin!" Siguradong maraming nakarinig ng sinabi kong iyon pero sa sobrang daming tumatakbo sa utak ko, wala na akong pakialam.

"Gusto kita." I froze. Hindi ko alam kung anong nangyari. Parang nanahimik pati buong paligid ko. "Noon pa. Kaya when I had the chance to be your friend, I grabbed it. Be your bodyguard kahit hindi naman talaga ako bodyguard? I'll do it. Be with you all the time? Damn, I'll take it. Lahat ng 'yon, totoo. Lahat ng pinakita ko, totoo."

"Bakit ka may intercom? Bodyguards ko lang ang meron noon." Hindi ko mapigilang itanong sa kanya.

"Pinsan ko si kuya Jerome. Kaya wala kang bodyguard sa paligid dahil sinabihan ko siyang ako na ang bahala sa 'yo kasi alam kong doon ka masaya. Gusto mong maging malaya kaya kahit ayaw niya, pinilit ko siya." He explained and it all made a lot of sense. "Itong intercom, binigay niya lang just in case na kailanganin ko. And true enough, I needed it. So no, Lij. Hindi kita pinaikot. Hindi kita niloko. Hindi kita tinraydor. Lahat ng pinakita ko, totoo. Kaya nasasaktan ako kasi lahat ng 'yon, totoo. Pero tama si kuya. Mahirap magmahal ng isang Garcia. Wala pa man, Lij, ang sakit-sakit na."

Holding his intercom, he placed his hand in his chest while crying. Nadurog ako sa lahat ng narinig ko.

And once again, I hurt someone who does nothing but to love me.

Wala na akong ibang ginawa kun'di manakit ng taong nagmamahal sa akin.

"Sorry, Val." I know my sorry won't do anything right now.

Not MeWhere stories live. Discover now