CHAPTER THIRTY ONE

29 3 0
                                    

I guess, we're not the only people in this building na walang alam sa pool area. The place is too quiet as if we rented the entire place just for us to enjoy. To be honest, I prefer it this way. Hindi ko na kailangang kontrolin ang sarili ko dahil wala namang ibang makakakita.

Nagulat ako nang tumalon agad si Val pagkalapag niya ng damit niya sa upuan.

"Tara na!" Sigaw nito na parang batang nakikipaglaro.

"Wait! Picture-an ko lang!" Sagot ko rito.

"As if namang mag-uupload ka sa Insta. Tara na! Hayaan mo na 'yang picture na 'yan!" Pilit pa ring pangungumbinsi nito.

But still, I ignored him and started taking pictures of the place. Then, of him.

Kunwari pa siyang a-ayaw-ayaw noong una but he had multiple shots. Pang-update daw niya sa profile picture niya.

Then, my turn. Umahon siya sa pool para picture-an ako. I think I had more pictures dahil nag-enjoy siyang kunan ako. Inuutusan pa nga ako kung paanong pose ang gagawin ko.

When I approached him para sana tignan kung may picture na akong magagamit, nagulat ako when he pushed me to the pool.

"Ayan! Mas maganda diyan!" Natatawang sabi nito sabaw kuha ulit ng mga pictures.

"Ang panget mong ka-bonding!" Reklamo ko rito dahil hindi pa ako handa talagang tumalon sana.

He carefully placed the phone beside my bag and jumped at the pool again. Nagtalsikan ang tubig sa akin dahil doon.

"Nambabasa ka!" Reklamo ko habang nagpupunas ng mukha.

He then looked at me weirdly, then at the water, then back at me.

"Parang mas dapat kang magalit kung napaso kita." He sarcastically answered which honestly made sense. "Swimmer ka dati, 'di ba?" He then asked.

Tatanungin ko sana siya kung paano niya nalaman pero alam ko na ang isasagot niya.

'Sabi ko naman sa 'yo, idol ko nga pamilya mo.'

"Yup. Lagi namang talo." I answered. Minsan nga, napapaisip ako kung magaling ba talaga ako o marunong lang - na baka hindi lang ako matanggal sa team dahil sa apelyido ko pero kung galing ang pagbabasehan, hindi na ako nakapasok sa una pa lang.

"Seryosong tanong, ha? Pagkapanalo lang ba 'yung basis mo para ma-validate 'yung pagka-atleta mo?" He asked.

"Hindi naman. Basta alam ko lang, masaya ako sa ginagawa ko." I answered. I can't help but to reminisce about those times when I had to practice every single day. Hindi ako nagagalingan sa sarili ko pero alam kong masaya ako.

"Exactly! Kaya kapag sumasagot ka, dapat wala na 'yung 'lagi namang talo'. You're not doing that to win. Not even for the scholarship. Ginawa mo 'yon kasi doon ka masaya." It is as if he slapped me in the face through his words but it's not the kind of slap to hurt me. It's a slap that will awaken my senses because I need to. "Tara. One lap. Paunahan." Yaya nito na ikinagulat ko.

"Wow, ha? Sige, ano?" Pagtanggap ko sa yaya niya.

Pumwesto kami sa dulo ng pool at nagpaunahang maglangoy. It's been quite a while since I did this kaya hindi ko alam kung mananalo ako.

Pagkaahon ko, nakita kong nauna pala ako kaya naisipan kong umarte na parang kanina ko pa siya hinihintay.

"See? Magaling ka. May mas magaling sa 'yo kaya ka natatalo pero magaling ka." He said when he saw that I won.

My body suddenly unstiffened. I was humbled when he said those words.

Not MeWhere stories live. Discover now