Chapter 1

564 14 0
                                    

8 AM sunday at kakauwi ko lang galeng sa simbahan. Walang pinagbago. Ang tahimik pa rin ng bahay, kailan kaya uli ako bibisitahin ng kapatid kong senyurito? Kung nandito lang kase yun ay daig pa ang may gyera sa kalat ng bahay at the same time maingay kaya kahit gustong gusto niya na dito sakin mag stay ay di ako pumapayag kase panigurado gagawin niya lang akong maid.

Every sunday pumupunta yun dito para sabay kaming mag simba pero ngayon di siya sumama kase nagpuyat kagabi at 3am na natulog.

Puyat ng puyat wala namang jowa tss.

Kapag mag kasama kaming dalawa napagkakamalan kami minsan na mag-jowa kase mas matangkad sakin yun at di kami magka pariho ng mukha tas kapag nasa public kami... or maraming tumitingin samin nag a-acting si tangik na kunyare couple kami.

Tsk.

I'm 19 yrsold while Zryll is 17 pero mas matangkad pa siya sakin. Unfair.

***

Habang nagluluto may narinig akong ingay galing sa labas. "Tao po! Tao po! May tao ba dito?"
Sigaw nong lalaki.

"Wala unggoy lang nakatira dito bakit?" Mataray na tanong ko, pano ba kase kung maka sigaw daig pa may kaaway.

"Ay ate ganda Good morning!" Magiliw na bati sakin ni albert, kapitbahay ko dito sa boarding house. Habang hawak hawak sa kaliwang kamay yung kapatid niyang si Yssa.

"Oh maganda umaga rin, anong atin?" Tanong ko habang binubuksan yung gate.

"Pwede pa suyo? Aalis kase si nanay ate tapos may pupuntahan rin ako, p-para sa project. Kaso walang magbabantay kay Yssa." Sabe nito sakin na may ngiti sa labi.

"Project ba talaga? O gagala ka naman para mag laro ng basketball ha?"

"Ay hindi po ate..."

"Oh sige... ano pa bang magagawa ko eh ang cute cute nitong kapatid mo." Sabe ko dito habang unti-unting kinukuha sa kanya si Yssa na inosenting naka tingin sakin. "Kumain ka na ba baby?" Malambing kong tanong sa 3yrs Old na si Yssa.

"Yes! Thank you ate! You're the best! Opo kumain na po yan" sabe neto sakin na may malaking ngiti sa labi.

"Hatid mo muna sa loob yung mga gamit tas lumayas kana ampangit mo."

"Grabe ka naman ate... sa pogi kong to? Tatawagin mo akong pangit?" Nakangusong sabe nito sakin habang hinahawakan yung baba niya na paranh nag iimagine kung gano siya ka pogi sa panaginip.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa kusina habang hawak ko sa kamay si Yssa. Tsaka ko inabutan ng chocolate at pinaupo sa upuan. Tas binalikan yung niluluto kong ulam.

"Ate alis na po ako! Maraming salamat ulit" sigaw sakin ni albert na sa tingin ko ay nasa may bandang pintuan na.

"Pakisirado ang gate!" Ganting sigaw ko dito.

Nang masiguradong luto na yung niluluto kong ulam nilagay ko na ito sa bowl at nilagay sa mesa. Bago nag hain para saakin at para kay Yssa.

"Alam kong busog ka pero ayokong kumain ng ako lang mag-isa staka para di ka matulad ni ate na payat hihi" sabe ko nito na ikinangiti niya.

"Hindi ka naman po payat ate... small lang po yung katawan niyo" sabe nito sakin kaya napatawa ako bigla.

"HAHAHAH small katawan ni ate? Pati height?" Nakangiti kong tanong. 5'4 ako pero dahil mapayat ako kaya mas naging maliit ako tignan.

"Okay lang naman po and napaka pretty niyo po." Sabe pa nito sakin kaya napangiti ako kaso biglang napawi yung ngiti ko ng may idinagdag ito.
"Pero wala raw pong jowa."

Accursed Series 1: When I Met YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt