Chapter 45

13 2 3
                                    


I was busy reviewing. Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon at nagsusunog ng kilay. Marami na rin kase akoang hahabulin sa klase. Kung hindi siguro kilala ang aking pamilya bilang isa sa mga mayaman dito sa Cebu ay sigurado akong hindi ako bibigyan ng isa pang pangalawang pagkakataon para humabol at maka bawi.


Ang masasabe ko lang ay mahirap. Napaka hirap. Ganito pala ang pag-ibig? Napaka sakit. Halos kalimutan ko na ang aking sarili, ang aking pamilya, at ang aking... pangarap.


Ilang buwan na ang lumipas ngunit batid ko sa aking sarili na kahit gaano ko siya gustong kalimutan at magpatuloy ay babalik at babalik pa rin ako sa kaniya.


Na kung andito lang siya ay kakayanin kong lumuhod at magmakaawa na wag niya ulit akong iwan. Na okay lang sa'kin at pwede kong kalimutan ang mga nangyari... basta kasama ko siya.


Napangisi ako bigla ng maputol ang aking malalim na
iniisip dahil sa isang patak ng luha mula sa aking mga mata. Umiiyak na pala ako.


Ang isang patak ay naging dalawa, tatlo, apat, lima... kaya pumikit nalang ako at madiin na pinunasan ito gamit ang aking nanginginig na mga kamay.


Gusto ko na sanang makabawi sa aking pamilya at ituon ang atensyon sa pag-aaral at sarili. Ngunit heto ako ngayon, umiiyak nanaman.


Paano ako makakaahon eh sa bawat parte ng katawan ko, gamit ko, bawat parte ng bahay, at sa mga taong kasama ko ay siya ang naaalala ko?

Wala akong ibang nagawa kundi hayaan ang sariling umiyak.

Lumipas ang ilang buwan at napansin ko ang pagbabago sa sarili.


Paminsan-minsan ay nakikipag usap na ako sa mga tao. Sinusunod ko din ang mga payo nila. Nag-aaral na din ako ng mabute. Sinusubukan kong... unti-unting tanggapin na bigla niya akong iniwan. Paminsan-minsan nalang akong umiiyak. Natuto na akong kontrolin ang aking mga emosyon. Kaya ganon nalang ang aking pagkatameme sa sinabe ni Zryll.


"Miss ko na yung malditang manang ko." Wika ni Zryll habang malungkot na nakatingin sa kawalan.

Nasa isang resort kami ngayon at ito na pagmamay-ari ng aking pamilya. Ito din ang lugar kung saan ko siya unang pinasyal. Ito din ang huling lugar kung saan kami nag planong magkita ngunit... hindi niya ako sinipot.

Ramdam ko kung gaano nahihirapan ang aking pamilya. Sinusubukan ko naman eh... Sinusubukan kong ngumiti kahit hindi naman talaga ako totoong masaya. I tried acting up like it doesn't hurt anymore.

Napabugay naman ng hangin ang katabi ko. Kaming dalawa lang ni Zryll ngayon dahil nagpasama ako sa kaniya ngunit parang pinagsisihan ko na ito dahil heto nanaman siya at puno ng pangungulila ang mata.

"Ate," Tawag nito sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. Nakayuko na siya ngayon at pinaglalaruan ang mga buhangin sa kaniya mga paa. "Miss na namin yung mga luto mo. Lalo na yung pastries mo." Malungkot siyang ngumiti at tumingin sa'king mga mata. "Pati si Yssa... miss ka na din niya."


Nag-iwas nalang ako ng tingin at napalunok. "Ate... miss na miss ko na yung mga ngiti mo..." Nahihirapang dagdag pa niya. "Kung gaano kahaba ang nguso mo sa tuwing inaasar kita." Napasinghot naman ito at masasabe kong umiiyak na ito, dahilan upang mas lalong nanikip ang dibdib ko. Minsan lang umiyak si Zryll, pero kapag umiiyak ito ay alam kong ilang beses niya pang sinubukan na wag hayaan ang sarili na magmukhang mahina sa harapan ko. Ngunit heto siya at umiiyak na parang bata na nagsusumbong sa ate niya.

"Pero okay lang..." Bawi niya pa. "Naiintindihan kita, ate." Sabe niya dahilan upang mapatingin ulit ako sa kaniya. "Wag mong madaliin ang sarili mo. Just... promise me that you'll be okay hmm?" He smiled.

Hindi ako nakasagot pero kuntinto na siya sa pananahimik ko.

Alam ko din kase sa sarili ko na malabong matupad ko ang pangako na iyon. Ilang araw palang ang lumipas mula ng magkausap kami ng kapatid ko. Ngunit heto ako ngayon at nakatulala sa babaeng walang malay sa loob ng sasakyan nito.

Kasalukuyan  itong pinagtulungan ng mga rescuer na maialis ito sa loob ng sasakyan.

Kahit hindi ko pa naaninag ng buo ang katawan at mukha nito dahil sa nakatabing na maraming dugo at buhok nito ay parang sumisigaw ang buong pagkatao ko na kilala ko ito. Na ang babaeng ito ay ang babaeng mahal ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya kahit pa labag sa puso at isip ko.

Kailangan kong malaman na hindi siya ito. Dahil napaka imposible! Wala siya...

Umalis siya...

Iniwan niya ako...

Ngunit ganon na lamang ang kabog ng dibdib ko ng mapagtanto ko na siya talaga ito. Para akong mawalan ng malay sa nakita. The bracelet...

The bracelet that I give her on our first monthsary. There's a stethoscope with a paw on it and an airplane. Alam kong walang ibang nagmamay-ari non kundi siya lang dahil personal kong pinagawa yun.

Ang babaeng mahal ko...


Napatutop ako sa aking bibig. Hindi alintana ang maraming tao na nakapalibot sa amin.

"Oh God... Please no..." Wala sa sariling bigkas ko habang umiiyak. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko nang sa wakas ay pinahiga na siya sa isang strercher at dumaan sa harap ko. Doon ko mas lalong naaninag ang kaniyang itsura.

Nakapikit lang ito at parang natutulog ngunit dahil sa dami ng dugo na nakabalot sa mukha at kawan nito ay parang gusto kong sumigaw dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman.

Kahit nanghihina ay sinubukan kong sundan ang mga ito.

"Azeiana!" Sigaw ng kung sino. Napaka lakas nito at nag e-echoe ang boses nito. Na para bang mila pa ito sa malayo. "Azeiana!!" Lumingon lingon ako sa paligid ngunit napaka dilim na nito. Parang biglang nawala ang lahat ng nakapaligid sakin at napalitan ito ng kadiliman.

Hindi pwede! Si Eakysh!! Kailangan ako ni Eakysha! Kailangan ako ng babaeng mahal ko...

Kaya nang may naaninag akong parang maliwanag sa dulo ay tinakbo ko ito kahit na akoy nanghihina. Hanggang sa biglang may humawak sa'king mga kamay at magaan itong pinisil. Doon ako biglang napamulat.



L.A

Accursed Series 1: When I Met YouWhere stories live. Discover now