Chapter 33

67 4 2
                                    

Kahit kinakabahan ay dali dali ko itong tinignan ngunit ganon na lamang ang aking pagka dismaya sa mensaheng aking nabasa.

Ma'am parcel niyo po.

Akala ko pa naman!

Wala sa sarili akong napabuntong hininga at tinignan ang convo naming dalawa. It's been two days. Dalawang araw siyang hindi nagparamdam. It's not that i'm complaining but hindi ko ba deserve ang ma update man lang? Sa loob ng 24 hours ng buhay niya... hindi ko ba deserve kahit dalawang segundo lang sa kanya?

Panay update ako sa kanya. Kung sino kasama ko, kung anong ginagawa ko, at kung nasaan ako.

Siguro... busy lang talaga siya.

Bumalik na si Jeanie kaya kumain nalang ako ulit kahit wala na akong gana. I acted like nothing happened.

Pano ba ako makakapag open-up sa isang to eh wala naman siyang alam? Walang nakakaalam sa kung anong meron kami ni Eakysha. Kaya wala akong mapagsasabihan at dahil na rin sa takot na mahusgahan, i close nalang ang mouth.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa school. We have so many things to do.

Pagkatapos sa klase ay dumiretso na ako sa bahay. Pagod na pagod ako. I really need to sleep.

Kaya pagkatapos kong kumain at maglinis ng katawan ay natulog na ako.

Kinabukasan ay ganon pa rin. Walang Eakysha. Walang "i love you". Walang tumatawag. Walang nangungulit.

Magiging single na ba ako ulit? Sinasanay mo ba ako Eaky ha? Para kapag iniwan mo na ako ay hindu na masyadong masakit?

"See you tomorrow, ingat ka ha?" Sabe ni Jeanie at nakipag beso.

"You too." I replied.

Three days became one week. One week became one month.

Wala na.

I tried skipping class and absent. Para lang puntahan siya pero wala ng tao sa kanila.

"Miss, i'm very sorry but Eakysha left this place—i don't know, maybe one month na din?" Said her neighbor.

Huli na ba ako?

Pinuntahan ko na din pati parents niya pero wala ito sa bahay nila. Nag bakasyon daw ito. Sabe ng mga kasambahay.

I tried asking tita Yna but she doesn't know anything either.

Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako. Panaginip lang ba ang lahat?

Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nagpapa-ulan sa park kung saan kami dating namamasyal ni Eakysha, umiiyak. Wala akong pake kung may makakita sa'kin ngayon. Ang mahalaga ay nailabas ko yung sama ng loob ko.

I'm tired.

Pang limang buwan na din na wala siyang paramdam.

Kahit isang ni-ha, ni-ho ay wala. Kahit isang missed call man lang o like zone ay wala. Kahit anino niya man lang ay hindi ko na nakita.

Nakakainis dahil kahit umalis siya ng walang paalam at sinaktan niya ako ng ganito ay mahal na mahal ko pa rin ang g*go.

Sa loob ng isang taon, pinadama niya kung gaano kakulay, kaganda, at kagulo ang pag-ibig. Kaya nga heto ako ngayon at nasasaktan.

"Let's talk." Seryusong boses ni mama ang nagpa balik sa'kin sa reyalidad.

Bumuntong hininga nalang ako at bumangon. Tatlong araw na pala akong hindi pumapasok.

Nasa kwarto lang ako palage at lumalabas lang para kumain.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si mama na nakaupo sa sala.

"Azeiana Silvestre what's wrong with you?" Bungad ni mama sa'kin.

Napayuko nalang ako at napa buntong hininga.

"Anak..." Mom's expression got softened. "Tell me, ano bang nangyayari? Your Professor told me na hindi ka na pumapasok, may mga activities kang hindi na naipapasa, at parang wala sa sarili." Nag-aalalang sambit neto.

I bite my lower lip. Feeling guilty. "I'm sorry... p-pagod lang po talaga ako."

"Kilala kita Azeiana, anak kita. Sakin ka nanggaling kaya alam ko kung kailan ka nag sisinungaling at hindi. Tell me, may kinalaman ba yung Eakysha na yun dito?"

Napaangat ang tingin ko sa kanya.

How did she know?

"Bakit naman po s-siya nadamay d-dito?" Kinakabahang tanong ko.

"Oh come on! Our family own the Airline. Nong nag book ka ng flight papunta sa Laguna, akala mo hindi ko alam?" Nakataas ang kilay na wika neto. "God! Anak, even your friend, Jeanie is worried about you."

Jeanie. Yes, ilang beses niya akong sinubukang mag open-up sa kanya. Nangulit din ito kung anong nangyayari sa'kin. Ofcourse, she's my classmate after all. Pero wala akong sinabe sa kanya. Dahil sa takot din akong husgahan.

And what? Alam nila na umaalis ako?

Then something hard hit me. Ofcourse. Gagawin talaga ng family ko yun. They're a Vitale after all.

"Fine. Yes ma, you're right." Ano pa bang silbi kung magsisinungaling pa ako eh alam naman na niya ang lahat? Bahala na.

Kwenento ko lahat, kung paano kami nagkakilala, kung pano naging kami, kung paano niya ako pinasaya, kung paano niya ako ginawang praning kakahanap sa kanya. I tell my mom everything except sa nangyari sa'min sa kama. Hindi pa ako t*nga para dun.

I cried all my heart out while telling her everything. Surprisingly, my mom didn't judge me. She comforted me like how she take care of me while i was a little. Parang nabawasan ang pasanin ng aking dibdib. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako nag-iisa.

I never thought that this day would come. Buong buhay ko, ngayon pa yata yung unang beses na umiyak ako dahil sa pag-ibig at sa harap pa ni mama.

I grow up having the mindset of putting my self first. Academic first. And focusing on my self. A independent woman.

I always take care of my heart. Inuuna ko yung sariling kaligayahan ko at sini-sigurado ko palage na hindi ako magiging talonan at iiyak sa huli. Pero ngayon? Lahat ng pag-iingat ay nauwi lamang sa wala. Sino bang mag-aakala na ang isang Azeiana Silvestre ay magiging t*nga dahil lang sa babae?

The next morning, I woke up because of the beautiful scent from my study table. It was a bouquet of flowers.

Oh wow.

Dali-dali akong bumangon at ang t*nga ko namang puso ay umaasa na baka ay galing ito sa kanya.

Lihim akong napangiti ng makilala ang bulaklak. It's a Peony Flower.

Doon ko napagtanto na hindi nga talaga ito galing sa kanya.

Peony Flower named after Paeon, the Greek god of medicine and healing.

Kung kanino man galing ito ay alam kong may alam ito sa nangyayari sa buhay ko ngayon.

Ganon na lamang ang pag kunot ng aking noo nang mabasa yung note na nakalagay sa bouquet.

Love, Mommy Eleanor.

Eh?

Anong... bakit?

"Good morning, sweetie." Napalingon ako sa pinang-galingan ng boses at napamaang.

L.A

Accursed Series 1: When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon