Chapter 4

156 8 0
                                    

Busy ako ngayon sa paglalaba ng tumunog yung cell phone ko.

May nag chat ata.

Pero pag tingin ko sa screen ay notification pala sa Facebook.

Jai sent you a friend request...

"Jai? May kilala ba akong jai?" Tanong ko sa aking sarili. As far as I remember wala akong Jai na kilala or ewan. Maybe kaibigan lang ng mga tropa ko or interesado siya sa mga binibinta ko? and Jai lang yung name niya sa fb, walang apilyedo or profile.

Accept.

Hindi naman ako feeling famous kase sabe nila kapag daw hindi ka mag accept feeling famous kana amp. Hindi ba pwedeng hindi ka kilala or trip lang ng isang tao na hindi mang accept? Tsk. Staka feeling ko rin kase narinig ko na yung name niya and maybe gusto niyang omorder edi mas mabuti.

Hindi sa mukha akong pera... pinalaki lang talaga akong independent. My parents provides my needs at kapag binibola ko si papa nagbibigay rin yun agad. Hindi rin kami naghihirap sadyang gusto ko lang talagang mag-ipon.

Speaking of order. Omerder sakin kahapon si Eakysha. Masarap raw yung cookies ko. Syempre ako pa.

Nilagay ko uli yung phone sa bulsa ko bago pinagpatuloy yung paglalaba ng biglang tumunog nanaman yung cellphone ko.

Kainis ahh.

Magkasalubong yung kilay ko habang tinitignan kung bat tumunog nanaman yung cellphone ko.

Jai:

Hi.

Ano bang kailangan nitong taong to? Kung hindi to matino i b-block ko to.

Me:

?

Jai:

I'm Jai. May ginagawa ka ba?

Me:

Jai who? And yes may ginagawa ako.

Jai:

You can call me Jai or love if you want. Btw take your time.

Akala ko customer. Landi pala hanap tsk.

Me:

Nah i prefer calling you Jai.

Jai:

Okay love.

What the hell? Bahala ka nga sa buhay mo. I turned off the wiFi para di na uli mag notif ang kung ano pa man. Ayoko talagang makipag-usap sa mga di ko kilala. Pero dahil may binibenta ako... no choice.

Meron akong weird na habbit at isa dun ay ang mag laba kahit gabi. Besides nasa likod lang naman ako ng bahay. Pag may araw kase ay may ginagawa rin ako kaya mas okay na rin yung pag gabi.

7 PM ng matapos ako. Unti lang rin kase yung damit ko and meron akong washing machine and dryer. Kahit kase napaka simple ni mama at pinalaki niya akong independent ay ayaw niya ring mapagod ako ng husto.

"Bakit di ko pa bibilhin kung kaya ko namang bilhin? And besides napaka helpful neto sayo." Sabe pa niya dati nong nasa mall kami habang namimili ng mga appliances na kakailangan ko sa bahay. Ayaw sana ni mama na mag board ako kaso pinilit ko siya. Isang oras kase yung byahe papunta sa University na pinapasukan ko galeng samin and tamad akong bumyahe. Maraming oras ang masasayang kung babyahe pa ako ng dalawang oras at masyadong delikado. Dito naman sa boarding house ay napaka lapit lang ng University galeng dito. Pwede ngang lakarin. It takes 13 minutes kung lalakarin mo.

Accursed Series 1: When I Met YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя