Chapter 10

77 6 0
                                    


Pinagmamasdan ko ang sariling repleksyon sa salamin. Nakasout ako ng puting tshirt na medyo malaki sakin at itim na shorts at naka bun ang buhok.

Hapon na at heto ako ngayon pinagmamasdan ang kagandahang taglay. Swerte naman ng mapapangasawa ko.

Marunong akong magluto, gumawa ng gawaing bahay, maglaba, sumayaw, kumanta, at marami pang iba. Ang swerte talaga.

Wala rin kase akong ginagawa ngayon kase malinis yung buong bahay staka may pagkain pang natira kaya di na ako magluluto mamaya at si Zryll naman ay nakakulong lang sa kwarto, nag lalaro ata ng Mobile Legends kasama yung mga tropa niya kase medyo dinig reto yung boses niya. Magkatabi kase kami ng kwarto kaya naririnig ko yung mga mura niya dahil di raw marunong yung mga kakampi. Eh kung turuan niya kaya? Boplaks.

Inis akong tamayo sa kama at pumasok sa kwarto niya."Hoy! Kung di ka tatahimik dyan puputulin ko yung WiFi!" Naka open mic pa si Zryll kaya rinig ko yung tawanan ng mga tropa niya.

"Hoy hala si ate Azeiana ba yan?"

"Hi ate!"

"Ate pagsabihan niyo po si Zryll"

Ang iingay ng tropa ni Zryll, naka full kase yung volume.

"Eh kase ate ang bano maglaro nila Clint" Nakangusong sumbong ni Zryll sakin habang nakatutok pa rin sa cellphone. Tumabi naman ako sa kanya kaya mas lalo kung narinig yung asaran nilang mag t-tropa.

"Naknang! Bat ako?!" Reklamo ni Clint.

Lima silang mag t-tropa at silang lahat ay ka-close ko rin. Pariho kase kami ng School noong nasa High School pa ako kaya naging kaibigan ko rin sila

Pinanood ko sila saglet bago nagpaalam para lumabas sa kwarto. Sakto namang paglabas ko sa kwarto nakita ko si Jeanie na kakarapasok ng bahay habang may malaking ngisi sa labi.

Nakapasok nanaman ang bruha. Hindi ata naka lock yung pinto staka gate.

"Kung magnanakaw lang ako, ikaw ang nanakawin ko." Sabe neto sakin staka ako hinila papunta sa pinto.

"T-teka nga! San mo ako dadalhin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, kakarating niya palang tas manghihila agad?

"San pa? Edi nanakawin, pansamantala muna akong magnanakaw ngayon." Sabe neto sakin tsaka ako kinindatan.

Kinalas ko yung pagkakapit niya sa braso ko staka ako umirap. "Gaga kunin ko muna yung cellphone ko staka wallet."

"Go! Bilisan mo."

Pagkaupo ko sa kotse ay may narinig akong tahol. Si Ice pala na nakatingin sakin sa backseat. Nasa loob siya ng kanyang cute kulungan.

Nakilala niya kaagad yung mommy niya.

Nginitian ko naman siya bago kinuha at pinalabas sa kulungan. Namiss ko yung anak ko ah.

Balak daw ni Jeanie na makipag bonding sakin ngayon. Na miss niya raw ako. Sabagay matagal na rin nong huling gala namin. Kaya ngayon heto kami sa Mall at namimili ng damit sa isang Boutique.

Nang makapili ng Limang damit ay pumasok na'ko sa fitting room at sinukat ito. Tatlong dress, tsaka dalawang croptop. Marami na rin naman kase akong damit pa. Pero gusto kong gumastos eh bat ba.

Accursed Series 1: When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon