Chapter 24

129 7 1
                                    


"May family dinner tayo." Sabe bigla ni mama. Napatigil tuloy ako sa kakalamon.

Nong matapos kase kaming mag-usap/mag plano ni Jeanie sa coffee shop ay dumiretso ako kila mama. Wala lang, na miss ko lang sila.

Nong nakauwi kase sila galing sa vacation nila ni papa eh di ko sila nasundo. Sabay pa talaga sila ni Eaky. Kung si Eakysha ay uuwi sa kanila, yun din yung araw na umuwi sila mama pero hindi nila sinabe sakin.

Parang di anak ah.

Dumiretso kase sila kila lola. Hindi man lang nag sabe! Pati si Zryll hindi rin alam.

Nalaman ko lang na nakauwi na sila nong pumunta sila bigla sa bahay para ibigay sa'kin yung mga pinamili nila para sa'kin at para masundo nila si Zryll.

"When?"

"This coming Thursday." Sabe ni mama at hinalo yung mga ingredients sa bowl. She's cooking adobo. For dinner.

I miss it.

My mom always cook us delicious food. Kaya palage kaming ganadong kumakain. Gusto ko din ang maging ganon sa magiging asawa at anak ko.

Pero di pa ako sure.

Bigla tuloy pumasok si Eakysha sa utak ko. At biglang uminit ang magkabilang pisnge ko.

Baliw ka talaga Azeiana. Babae din yun. Imposible kayung magkaanak.

Napalingon sakin si mama at tinaasan ako ng kilay.

"Anong nangyari sayo?"

"H-ha? Wala..."

Ngumisi si mama at inasar ako. "Hmm? Eh bat ka nag blush? May boyfriend ka na ba anak?"

Girlfriend po...

"Ha? Wala po. Study first anak niyo." Tumawa ako ng mahina. Trying to avoid my mom's teasing mode.

She shrugged and focus her attention on what she's cooking with a smile on her face.

My mom loves teasing me, indeed.

Pero kapag may nanligaw sakin, napaka strict tss.

"Ah ma, where's the venue by the way?" I asked.

"Sa mansion."

Oh.

"Why though? May occasion ba?" Malayo pa naman ang birthday ni lola and lolo.

"Nah." Lumingon siya sa'kin at nag-iwas ng tingin. "Your lola's twin is coming..."

"Oh, I haven't seen her for years huh." She rarely visit. Nasa ibang bansa kase ito nakatira. I don't know the reason though.

Naputol ang usapan namin ni mama ng biglang sumulpot si Zryll. He has a teasing smile on his face.

"Hey ma." He kissed mom's head. "And hello to you manang." He grinned.

"Mukha kang baliw." Sabe ko at inirapan siya.

Umalis na ako sa kusina. Baka kase matutok ko sa mukha niyang nakakainis yung mga kutsilyo dun.

Pumunta ako sa taas at pumasok sa sarili kong kwarto. Ganon pa rin naman. Walang pinagbago. Except sa mga importante kong mga gamit na dinala ko sa apartment or should i say bahay ko?

Magiging bahay ko din naman yun.

Yung study table ko andun pa rin. Kunti nalang yung mga gamit ko dito pero buo pa rin namang tignan. It still looks cozy and cute.

Ayaw kase ni mama na mawala mga gamit ko dito. Because for her, eventhough I'm not around, atleast my things are still there. May uuwian pa rin ako. And this is my home also.

Mama talaga.

Kinuha ko ang cellphone kong nag vibrate sa pocket ng pajama terno ko.

A message from Eaky.

Miss niya kaagad ako?

Napangiti ako nang mabasa ang update niya. She's in a Cafeteria.

I replied and then put my cellphone on my bed.

Nasira ang tahimik kong pagmumuni muni ng biglang pumasok si Zryll sa kwarto at pinahidan ako ng icing. Hinabol ko siya habang siya naman ay patawa tawang tumatakbo.

"Go manang! Habulin mo ako." He shout.

Parang noong mga bata palang kami. He always tease me. Umabot kami sa gilid ng pool saka ko siya tinulak.

Deserve.

Tumawa siya ng mahina saka ako kinindatan. "Ramdam ko inis mo." He chuckled. "Ate help me naman oh." Sabe niya at inabot ang kamay sakin. Without thinking, I helped hin which is a bad move. Hinila niya din ako pababa kaya pariho na kaming basa.

Heck.

Sinamaan ko siya ng tingin. "I hate you." I whispered.

"I love you too." He said.

Sasagot pa sana ako pero tumunog bigla ang door bell.

"Ikaw na mag bukas, magbibihis lang ako." Sabe ko at umahon.

"No way! Sama ka sakin, baka kidnapper yan at kunin ako. Maawa ka naman sa gwapo mong kapatid."

Tinaasan ko siya ng kilay at sumama.

Pagkabukas namin sa gate ay sinalubong kami ng napaka laking ngiti ni Aerial at bored na mukha ni Caelus.

"Hi! Long time no see!" Masaya niyang sabe. "Oh wait, nag swimming kayo?" Sabe niya at tinuro kami ni Zryll.

Umirap ako sa hangin at inaya silang pumasok. "I miss you." I said.

"Me too ate, it's been a while. Kamusta ka nga pala? Balita ko lumipat ka ng house? I'm not chismosa ha? Daddy told me that. Hmp." Mahaba niyang sabe

"Yeah. Mas malapit kase dun yung pinapasukan kong university."

"Ahh kaya pala."

"Bat nga pala kayo napadaan dito?" Tanong ni Zryll.

"Tita said so..." Sagot naman ni Aerial.

Caelus, on the other hand is silent. It's not that he's not comfortable. He's just like that.

Aerial and Caelus are twins. Pero hindi sila pariho ng ugali. The quiet one and the noisy one. Baka nga nong nasa tiyan pa sila ng mama nila eh inubos ni Aerial ang ka hyperan kaya walang natira para kay Caelus.

Iniwan ko na sila sa sala at pumasok sa kwarto para mag bihis. At nang matapos ay bumaba na din ako.

Naabutan ko sila sa kusina at naghahanda ng lamesa.

Kakain na!

Nagdasal muna kaming lahat bago kumain.

Pinag-uusapan nila yung family dinner na magaganap sa mansion ni lola.

Mommy Eleanor Vitale is coming.

She's a single woman. I don't know the reason though. Might ask her.



L.A

Accursed Series 1: When I Met YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ