Chapter 19

63 5 0
                                    

Napakabilis talaga ng mga pangyayari. Sa totoo lang talaga hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko kay Eakysha.

Like pano nangyari yun? Alam kong maganda ako pero... napaka bilis talaga ha. Tsaka hindi siya tomboy? Hindi nga niya alam kung ano siya at hindi pa siya nagkakagusto kahit kanino? Tas bigla niya akong nakita kaya nagkagusto siya sakin. Kase sa gandang meron ako. Base sa sinabe niya. Hindi naman sa pagiging mahangin pero... well maganda naman talaga ako eh. Pero ang bilis lang talaga.

Hindi naman ako mahangin diba?

Imposible rin pala yung mga ganyan? Yung ma a-attract ka sa taong bago palang sa paningin mo tas hindi na mawala sa isip mo?

Tsaka sure ba talaga tong babaeng to na gusto niya ako? Baka nagagandahan lang siya.

Hindi naman masakit. Parang lasang mawawala rin yung feelings niya para sakin.

Pano kung maging pangit ako? Like nasunog yung mukha ko kase diba? Nagluluto ako... baka sumabog yung oven? Gosh iiwan na ako ng babaeng yun. Ang babaeng kumuha sa pinagkakaingatan kong perlas.
Pero kahit mag mukha man akong unggoy or empakto, hindi ko siya pakakawalan aba.  Gaya ng ginagawa niya sakin ngayon.

Natapos nalang kami sa pagkain, pakikipag kwentuhan pero hindi pa rin humiwalay si Eaky sa'kin. Para tuloy kaming magnet. Si tita naman pati sila Zryll ay napapailing nalang sa kakulitan ni Eaky sakin.

"Mabute at naging malapit na talaga kayo sa isat-isa." Nakangiting kuminto ni tita habang nakatingin sa kamay ni Eakysha sa bewang ko.

Napaiwas tuloy ako ng tingin. Ramdam ko kung gaano uminit yung magkabila kong pisnge. Azeiana, kumalma ka nga.

Humigpit naman yung kapit ni Eaky sakin saka siya sumagot. "Ofcourse tita, same vibes kami." Nakangiting sabe niya saka siya bumulong sakin. "Then soon, same feelings na."

Hayup na yan. Ang hirap mag pigil ng kilig ha? Sa harap pa ng maraming tao.

Wait. Bat ako kinikilig?!

Akala ko pa naman na maiilang si Eakysha sakin after niyang umamin pero mali ako. Mas lalo siyang naging makulit at palageng lumalapit sakin.

Nang medyo lumalim na yung gabi ay napag desisyonan naming magkapatid na umuwi na. Lalo na si Zryll, atat na atat ng umuwi. Eh maglalaro lang naman ng ML sa bahay yun panigurado at makikipag pustahan.

Okay lang naman kase na maglaro kila tita kase naka connect kami sa WiFi nila pero si Yssa kase kinukulit si Zryll habang naglalaro kaya hindi siga makapag fucos talaga. Isa pa hindi siya libreng makapag mura dito.
Kaya umuwi na kami.

Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso kaagad siya sa kwarto niya habang ako naman ay pumasok sa Cr para makapag half bath at nagbihis at naglagay ng pagkain kay Ice kung sakaling gutumin man siya at tumambay sa labas ng bahay.

I have my cute man made gazebo there. Three chairs and one table at the center.

Dun ko napag-isipang mag muni-muni bago matulog. I need to think and relax. Specially, back to school is near and ofcourse about Eakysha.

Oh that girl. Hindi ko alam kung ano yung magiging resulta ng pinasukan ko ngayon.

Panigurado pag babalik na sa klase or uuwi na siya sa kanila, makakalimutan na niya ako or hindi na siya babalik dito at maaari siyang makapag tagpo ng ibang tao na magugustuhan niya... at ayun babye Azeiana, thank you for the pleasure.

F-uck. Why am I overthinking?

Eh wala—ay meron palang kami. At gusto mo siya. Sabe pa ng isip ko. What the?

Natigil ako sa pag-iisip ng may biglang dumaan sa harap ng bakuran ko. My man made gazebo is near the gate so... makikita ko talaga kung sino yung dadaan sa kalsada. And hey! Yung gate ko na to is hanggang leeg ko yung haba kaya makikita talaga kung sino yung dadaan.

It's Janice, daughter of Nanay peling and she's with her boyfriend? Pfft.

And what the fuck? Are they kissing?

Medyo madilim kase dito sa kinauupuan ko lalo na sa kalsada. Kaya dito sila sa harap ng bahay tumigil para makipag chukchakan. PDA rin eh no? Hayup na yan.

The girl is aggressively kissing the guy. Psh disgusting.

Hindi naman sa pakialamera ako pero gosh! Wag sa harap ng pamamahay ko at lalong wag sa harap ko!

"Hey, you two. Get a room." Boring kong sagot.

Gulat na napatigil ang babae at tumingin sa gawi ko habang yung boylet niya naman ay tuloy lang sa ginagawa at hinalikan si girl sa leeg. Hindi ata ako narinig kaya ayun pinalo siya ni girl at tinuro ako. Nanglaki naman yung mata ni boy. Gulat yarn? Tss.

"Inggetera ka talaga, sabagay wala kang jowa." Nakangising sabe niya saka ako inirapan.

Aba! Tong babaeng to?

Ako maiingit? Kadiri.

"Proud ka gurl?" Nakapamewang kong sabe. "Kung isumbong kita sa nanay mong daig pa cctv ewan ko nalang." Sako ko sila iniwan at hindi na hinintay na makaganti yung babae.

"Walang hiya ka talaga Azeiana!" Sigaw niya.

Eskandalosa.

Mana sa nanay?

Mga taong grabe makapag bantay sa kilos ng mha kapwa nila pero sa sarili nilang anak, ewan ko nalang.

Naalala ko tuloy yung sabe ni aling peling sakin noon. Na mabubuntis daw ako ng maaga dahil sa mga lalaking tropa ni Zryll na bumibiseta samin dito sa bahay. Tss baka mas mauna pa anak niya.

Maiingit? Yuck. Hindi nga kagwapuhan yung lalaki tas manyak pa. Pwe.

Ginawa ko na yung lahat para pumikit yung mata ko at matulog pero wala pa rin at naiinis rin ako medyo. Kaya nag cellphone nalang ako and open my social media account and there, I saw Eakysha's PM.

Jai:

Thank you for tonight and thankyou for accepting my feelings. Goodnight. Ily.

Dahil sa nabasa ay nakita ko nalang yung sarili ko na parang tangang nakangiti.

Hindi makapaniwalang natanggal bigla yung inis ko.

Sa dami ng sinabe ni Eaky sakin ay sa Ily lang ako naka fucos.

Eh bat ba?

Itong si Eaky talaga parang tanga. Ano ba! Bat di nalang "iloveyou" hiya hiya pa eh.

Me:

My pleasure. Naytnayt.

Ganyan dapat. Wag easy to get. Porque kami na tas nakuha na niya yung pagkababae ko eh bibigay ako kaagad? Ano siya sini swerte?

Ang landi ko shet.

Nagpa gulong-gulong ako sa kama at tinakpan ang bibig para hindi marinig ni Zryll yung sigaw ko bago natulog.






L.A

Accursed Series 1: When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon