Chapter 23

103 6 0
                                    



"Stop staring..." Suway sa'kin ni Eaky habang busy sa pagbabasa. Vet kase ang lola niyo kaya ayun.

May kailangan kase siyang pag-aralan kaya nag Video Call nalang kami. Well ganito naman talaga kami eh. Puro VC. Wala ring choice kase nakakatamad mag type staka mas bet ko yung Video Call kase nakikita ko siya.

Ang ganda talaga ng babaeng to. Nagtataka nga ako minsan eh kung lesbian ba siya o pinag t-tripan niya lang ako?

Inirapan ko siya bago sumubo ng ice cream. "Bat ba! Namiss kaya kita."

Iba pa rin yung feeling na nahahawakan ko siya no? Tapos ito malayo kami. Yung tipong gusto mo siyang kurutin pero di mo magawa? Hay nako LDR pa.

"Kadiri mo naman, wag ka ngang magsalita habang may pagkain sa bibig mo."

"Ahh ganon? Kadiri ako?" Paghahamon ko.

Kadiri pala ah? Porque malayo na siya sa'kin? Nang-gaganyan na siya?

Bumuntong hininga siya bago humarap sa'kin. "Hindi naman sa ganon... may pag-kain kase sa bibig mo love tapos nagsalita ka." Mahinahong sagot niya.

"Di eh, sabe mo kadiri ako."

She sighed.

Medyo sanay na talaga siya sa'kin. Mag o-one month na rin naman kami staka alam naman niya yung ugali ko talaga. Kase kahit na di pa kami magkakilala noon eh nagtataray na'ko.

"Siguro hindi mo na ako mahal no? Kase diba what if nagagandahan ka lang sa'kin? Kaya mo ako jinowa tapos naki—

"Iloveyou..." She said. Making me stop talking.

Alam na alam niya talaga yung kahinaan ko ha?

"Dapat lang."

Ilang araw nalang at monthsary na namin! Sayang hindi kami makakapag celebrate ng magkasama. Ang layo niya kase eh!

First time kong magka jowa tapos makakaranas ng monthsary pero wala siya.

I sighed and pat my baby ice head. "Miss ko na yung isang mommy mo..."

Kinuha ko si ice sa kulungan niya since tapos na siyang kumain. May pasok pa kase ako so bago ako pumunta sa School, iiwanan ko muna siya pansamantala kila Baby Yssa. Tapos isasama siya ni tita sa work niya.

May sarili naman silang business eh staka gustong-gusto ng mga tao dun yung presence ni ice.

"Sige hija iwan mo nalang dyan." Sabe ni tita kaya nilagay ko nalang sa sala ang natutulog kong aso at umalis na papuntang school.

Kailangan talagang gumising ako ng maaga at bawal magpuyat. Kase kung hindi? Baka matagal na akong iniwan ng aso kong tulog mantika.

"Hoy impakta!" Sigaw ni Jeanie saka ako niyakap. Napairap nalang ako sa hangin.

"Oh san punta natin dora?" Ganti ko. Nagpagupit kase siya ng buhok. Samahan pa sa purple niyang bag. Mahilig kase sa purple si dora este Jeanie.

Inirapan naman niya ako saka ako hinila para sabay na kaming pumasok sa loob ng room. Magkaklase kase kami. Ewan ko ba sa babaeng yan at sunod ng sunod sa'kin. Dijok pariho lang talaga kami ng pangarap.

Ilang minuto ang lumipas at pumasok yung Professor namin kaya umayos naman kami ng upo. Madaldal kami pareho pero kapag may nagtuturo sa harap eh nanahimik talaga kami. Kahit na nagloloko kami minsan, seryuso kami sa pangarap namin no.

Nag-unat ako saka humarap kay Jeanie. "Dora, where's the map?" Pang-aasar ko pa sa kanya.

"Kapag ikaw naging broken hearted, pagtatawanan kita." Sabe niya saka ako inirapan. Naghiwalay ata sila nong trial card niya.

Wala naman talagang nagtatagal dito. Sa subrang strict ni tito? Ewan ko nalang.

Dumiretso na kami sa cafetaria para kumain. Nagugutom na rin kase siya. Staka sa pagkakaalam ko eh hindi kumakain si Jeanie kapag nandun yung dad niya, hindi sila bati. Pero minsan naman eh kumakain siya lalo na kapag no choice.

Pagkatapos naming kumain, umalis si Jeanie kase sinundo siya ng mommy niya. May 30 minutes pa naman kaming break eh. Kaya dumiretso na rin muna ako sa Library at magpaka kuba sa pagbabasa.

Pagkarating sa library, sinout ko yung headset ko para kung sakaling tumunog yung alarm ko, hindi masyadong maingay.

"Azeiana?"

Lumingon ako sa pinang galengan ng boses na yun. "Oh devon?" Barkada ni Zryll. Siya yung pinaka matanda sa kanila. Kaya heto siya at pariho kaming nasa college.

"Hi, can I sit here?" Sabe niya.

"Sure."

Palage kaming nagkikita dito. Kase mahilig talagang magbasa itong lalaking to. Sabagay kailangan talaga niyang magsipag lalo na at ganong course kinuha niya. Pero lahat naman talaga ng course eh kailangan ng sipag at tiyaga.

Pagkatapos niyang umupo ay sinimulan na niyang magbasa kaya ganon rin ako.

Tumunog na yung alarm ko kaya nagpaalam na ako sa kanya bago umalis at pumasok.

"Hay nako!" Pagdadabog ni Jeanie.

"Anyare teh?" Kanina pa siya dyan eh. Simula ng pumasok siya sa room. Palage na siyang bumuntong hininga at magdadabog. Baliw.

"Si dad..." She sighed.

Kwenento niya sa'kin kung ano yung pinag-usapan nila nong umalis siya. "Oh my gulay! Should I say deserve?" Natatawang sabe ko. Napalingon tuloy yung mga katabi namin ng lamesa. Nasa coffee shop kase kami ngayon.

May blind date nanaman si dora.

"Gago tulungan mo ako hoy!" Sabe niya na nakasimangot.

Pinunasan ko yung mga luhang nasa mata ko. Naalala ko kase yung last na may ka blind date si gaga.

Nagbihis siya ng mga pang matandang damit at may shades na napaka laki. For peter sake! Gabi kaya yung date nila! Tapos yung buhok niya pa eh napaka gulo. Napagalitan siya non, pero napaka saya niya nong na turn off yung ka blind date niya.

"Gaga seryusohin mo kaya 'yung mga ganon ng papa mo? Like, ngayon na 'yung last? Mag sout ka ng maayos ganon. Pero dapat mataray ka! Kaya mo na yan, may tiwala ang buong angkan natin sa'yo." Sabe ko. May mga itsura rin kase yung mga pinapa blind date ni tito sa kanya. Pero yung iba, ewan ko nalang.

Yan kase 'yung problema sa mga mayayaman eh. Pero buti nga na kahit mayaman yung Pamilya ko eh tumigil na sila sa kaka Arrange Marriage nila. Simula nong pilit raw nilang pinakasal yung mama ni Lola.

I don't know what happened in the past but, they said it was tragic.




L.A

Accursed Series 1: When I Met YouWhere stories live. Discover now