Chapter 14

61 4 0
                                    

A/N:
I dedicated this to someone who inspired me to write and continue my story. Honestly, tinatamad akong magtype but this someone always asking for my update. So yeah thankyou so much Love! Happy Valentine's Day! Enjoy reading. *wink*






Parang baliw si Eakysha habang naglilibot kami sa Mall. Kanina pa siya nakangiti, hindi ba nangangalay yung bibig niya? Mula nong lumabas kami sa Restaurant ay hindi na niya binitawan ang kamay ko and she's smiling like an idiot. Psh.

Wala kase akong napiling boutique na papasukan. Gusto ko lang talagang kumain at i date yung sarili ko pero ayun nga sinamahan ako ni Eakysha.

Yung ibang mga tao ay napapangiti nalang habang tinitignan kami. May mga lumalapit ring mga lalaki sa'min, asking for our names pero hinaharangan ni Eakysha at pinipilosopa at pinapaalis na parang may nakakahawang sakit. She didn't even let me to greet those strangers at para mapilosopa ko rin.

"Hindi ka ba napapagod kakangiti?" Tanong ko sa kanya kaya napalingon naman siya sakin.

"Nope, why?"

"Kanina ka pa nakangiti, ganyan kaba talaga pag nakakain ng steak? Or dahil yan sa red wine?"

"Wag mo kase akong titigan lage, andami mo tuloy napapansin." Sabe niya at kinindatan ako.

Napatingin naman ako sa kanya na parang di makapaniwala. What the hell?

Napagod ako kakalakad kaya inaya ko siya dun sa isang Ice Cream Shop na paburito ko. I ordered two Cookies and Cream flavor since pariho kami ng favorite. After bumili ay tumambay muna kami sa sasakyan para ubusin yung ice cream. Medyo may kalakihan kase.

"Love say ahh..." sabe bigla ni Eaky kaya napatingin ako sa kanya. Tinapat niya sa bibig ko yung kutsara niya na may lamang ice cream. Nababaliw na siya.

"Ahh mo mukha mo." Sabe ko at inirapan siya. Nagulat ako ng mas lumapit pa si Eaky sakin.

"I said... say ahh." Mariin niyang sabe.

Napatulala ako sa mukha niya at wala sa sariling sinubo yung ice cream. Bat ba ang ganda niya? Napaka gandang tignan ng stokolate niyang mga mata. Para akong nahihiptonismo.

"Ayan, masaya ka na?" Sabe ko at ngumisi naman si Eakysha bago pinunasan ng thumb niya yung nasa gilid ng labi ko.

"Ang kalat." Sabe niya bago sinubo yung thumb niya. "Yummy." Dagdag pa niya at kinindatan ako bago tinuon ang atensyon sa manubela.

Siya yung mag d-drive ngayon. First time. She told me earlier that she wants to drive me home since she missed her own car. May sasakyan naman sila ng tita niya pero ito rin yung ginagamit neto sa trebaho.

Tahimik lang kami habang bumabyahe. Lalo na ako kase after nong ginawa niya? Ano bang nakain ng babaeng to at napaka bold na niya minsan? Hindi naman ito yung Eakysha na nakilala ko ah? Tahimik lang yung babaeng yun na medyo weirdo, pero ngayon ibang-iba na. Mula nong may nangyari samin ni Eakysha ay mas madalas na siyang pumupunta sa bahay at kinukulit ako minsan.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag para tignan yung oras. Nine fifteen PM. Grabe ang tagal pala naming gumala. Sakto namang nag pop-up yung text ni Zryll.

Zryll:
Ate I can't go home right now. Napag desisyonan nila tito na mag Overnight.

Me:
K.

Hindi naman kase ako strict na ate. Worried lang minsan but it's okay, kasama naman nila yung parents ng tropa niya. So mag-isa lang ako sa bahay ngayon.

Napalingon ako kay Eaky na parang tangang nakangisi sakin. "Oh ano?"

"Can I sleep here? Panigurado tulog na sila tita, and I'm tired."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayoko." Umuwi ka sa inyo at baka mag-alala si tita."

"It's okay, nagpaalam naman ako sa kanya eh at ayokong mag-isa ka lang dito, dilekado."

Napabuntong hininga ako at pumayag na rin. Sigurado naman akong ayaw niyang magpatalo eh. Pumasok na kami sa bahay at dumiretso na ako sa kwarto. Goodness! I'm tired. Sumunod naman si Eakysha sa'kin at nanghiram ng damit para makapag bihis siya. As a mabaet na binibini, pumayag na ako. Iniwan ko siya sa kwarto para makapag bihis at pumasok na ako sa Cr para makapag halfbath. Seriously, nakakadiri yung mga tingin kanina.

Pagkapasok ko sa kwarto ay naabutan ko si Eakysha na nakaupo sa kama. She's wearing my black oversize tshirt and a gray short. She looks hot. While me, I'm wearing my gray pajama silk.

Tahimik lang kaming nakahiga pareho hanggang sa bigla niyang binasag yung katahimikan. "Ahm... can I hug you? Hindi kase ako sanay na walang niyayakap na unan or something." Bulong niya. Dalawa lang rin kase yung unan ko sa kwarto.

Napabuntong hininga ako. "Sige." Sabe ko kaya mas lumapit pa si Eakysha sakin at niyakap ako. Rinig ko kung pano kabilis mag karera ang aking puso. Ang bilis bilis neto na para bang gustong kumawala sa akin. Damn it. Kinakabahan ba ako?

Feeling her warm arms around me makes me wanted to close my eyes. Inaantok ako. Whenever Eakysha is with me, I felt secured and safe. Aaminin ko man o hindi ay magaan ang pakiramdan ko tuwing kasama ko siya. She feels like home.

Having her on my side and hugging me tight makes me sigh. Hindi ko akalain na isang babae lang pala ang makakapag paramdam neto sakin. Marami ng lalaking nakahawak sa kamay ko pero kakaiba pa rin talaga yung epekto ni Eakysha sa mga ito. Para bang may kuryenteng dumadaloy. Hindi ko rin alam kung bakit pinagkukumpara ko ang mga ito.

Alam ko sa sarili ko na straight pako sa ruler pero anong nangyari? Why can't I control my self whenever she's with me? Bat ako nalulutang bigla? Bakit nalulunod ako sa mga magaganda niyang mata? Bakit nakakaramdam ako ng kakaiba satuwing may ginagawa siya? Bakit ang dami kong tanong?

Napalingon ako sa babaeng katabi ko at mahimbing nang natutulog. Ang ganda ganda ni Eakysha imposible kayang wala siyang boyfriend?

Pano kung may boyfriend na siya? Pano ako? I'm not talking about my unknot feelings for her, I'm worried about my virginity and sign. As far as I remember wala siyang sinabe about sa mga naging karelasyon niya.

Eh paano kung meron? Anong gagawin mo? Tanong ng isip ko.

Hindi ko alam, basta ang sakin ngayon ay inaantok na talaga ako. Bukas ko nalang iisipin yan at kung di ko madala sa pag-iisip edi dadalhin ko sila sa mangkukulam.

Tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata at hinayaan ang sariling lamunin ng antok.






L.A

Accursed Series 1: When I Met YouWhere stories live. Discover now